Battle 58

996K 20.2K 6.6K
                                    

Yannie’s POV

“Ano na balak mo niyang gawin ngayon?”

Napatingin ako saglit kay Ayu at ibinaon ko ulit ang mukha ko sa unan ko. Ayos naman kasi dapat lahat kung hindi lang nanggulo si Tom. Nakakainis siya! Kaya lang ang mas nakakainis, alam kong may punto siya sa sinabi niya.

Nakakaloko talagang magmahal. Ang lakas makabobo. Feeling ko naman wala akong utak at puro ‘yung puso ko lang ang pinairal ako. Paano ba kasi pagsabayin pagganahin ang utak at puso? Posible ba ‘yun? Nakakainis talaga.

“Nag-usap na ba kayo ni Tom?”

Tumango ako kahit na nakadukdok pa rin ang mukha ko sa unan. Naiirita na talaga ako. Pero maya maya ay tumingala rin at tiningnan ‘yung tatlo.

“Hindi pala. Oo, nag-usap kami pero hindi kami nag-usap talaga.”

“Ha?” sabay sabay na tanong nila.

Napakamot ako sa ulo ko. Napakagulo ko. “Ganto, sinumbatan ko siya pero hindi naman siya nakapag-explain sa mga ginawa niya.”

“As if namang pakinggan mo ang explanation niya.” Sabi ni Sab.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung makikinig ako. Kasi bwisit na bwisit ako sa kanya ngayon kaya lang kapag naaalala ko ‘yung ngiti niya kanina.. ‘yung malungkot na ngiti niya, parang nakakaramdam ako ng awa. At naalala ko.. isa ang awa na nararamdaman ko sa nagpahamak sa akin. Bwisit!

“Anong gagawin ko?” mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanila.

“Ano bang gusto mong mangyari?”

Ano bang gusto kong mangyari? Ano nga ba? Bukod sa gusto kong maging ayos ang lahat, wala na.

“Isipin mo kung ano ang pinakagusto mo. Kapag naisip mo na, then do something about it. After all, choice mo naman ‘yan e. Ikaw ang may hawak ng utak at puso mo. Kahit mag-advice kami sa’yo, kung hindi ‘yun ‘yung gusto mong gawin, wala rin.” Payo ni Zoe.

I took a deep breath and think. Ano nga ba talaga ang gusto kong gawin? Ano ang gusto kong unahin? Habang nakapikit ako, tanging si Xander lang ang pumasok sa utak ko. Gusto kong maayos namin ang gusot namin. Mukhang kailangan ko siyang harapin. Kaya lang tingin ko dapat makapag-usap din kami ng maayos muna ni Tom. Para kapag hinarap ko na si Xander, alam ko na ang lahat. Maayos na ang lahat.

***

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom, bumungad agad sa akin si Xander. Palibhasa siya ang nakaupo sa dulo. Hindi na siya ang katabi ko.

Napalingon siya sa akin at ngumiti, “Good afternoon.”

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ngayon na lang ulit niya ako kinausap. Daig ko pa ang highschool student na kinawayan o nginitian ng crush niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko panalo na ang takbo ng puso ko kung sakaling may marathon man o ano.

Nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti. Siguro hinihintay ang isasagot ko. Kaya lang hindi ko talaga alam. Para na akong naging tuod dito. Yannie, umayos ka nga. Simpleng hi lang pwede na. Go na. Sabihin mo na. Dali.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon