Battle 67

826K 20.1K 5.1K
                                    

Zoe’s POV

It’s a good thing na sabado ngayon. Maaga pa lang nagpunta na dito ang boys kasama sila Ate Cass, Manager Ry at Ash. Lahat sila handang tumulong para makapagbalikan kami ni Ice. Ang plano na sinasabi nila noong nakaraang araw ay ‘Operation: Make Ice regain his memory’.  It’s weird na pinangalanan pa talaga nila ang plano.

Dalawang araw na rin magbuhat nang malaman namin na hindi kami naaalala ni Ice. Mahirap, oo, pero dapat maging matatag ako. Kaya kahit alam kong masasktan ako at mahihirapan kapag nakikita siya, nagpunta pa rin ako sa ospital at dumalaw. Kada punta ko naman doon ay hindi niya ako pinapansin. Sa totoo lang wala siya halos pinapansin. Magbuhat nung nawala ang ilang parte ng memorya niya, parang bumalik siya sa dating Ice. ‘Yung suplado, ‘yung masungit, ‘yung seryoso at kung minsan ay harsh pa rin magsalita. Every time na makikita din niya ako, kukunot ang noo niya at mukhang naiirita which doesn’t help kasi mas nasasaktan lang ako kapag binibigyan niya ako ng ganun tingin.

“Dala niyo ‘yung props?”

“Oo, dala namin ‘yung iba. Nasa may sasakyan na.”

“Ano, tara na?”

Papunta kami sa bahay nila Ate Cass. Kakadischarged pa lang kay Ice kagabi kaya malaki ang posibilidad na mabwisit siya sa gagawin namin.

Pagpasok na pagpasok namin sa bahay nila, inabutan na namin si Ice na nakaupo sa may sala at nanunuod ng basketball. Memories. Ganitong ganito rin ang inabutan ko noong una akong makapasok sa bahay nila, except for the fact na may pilay siya sa kamay at galos sa mukha. But he’s still the same us before. He’s even watching the same sport.

“Hi, Ice!” sigaw ni Josh.

Napatingin siya kay Josh at tumango pero nang makita niya kami nila Yannie na nandito ay napakunot na naman ang noon, “Hanggang dito ba naman?!” inis niyang tanong.

“Hoy, Ice, magtigil ka. Wala kang respeto sa bisita. Bisita ko rin sila kaya manahimik ka dyan.” Suway sa kanya ni Ate Cass kaya napatahimik naman si Ice.

Hindi na niya kami pinansin at nagpatuloy sa panunuod kaya sinenyasan na kami ni Ate Cass at Manager Ry na magsimula na sa plano.

Umupo sa tabi ni Ice si Ate Cass, “Lagay mo ‘to sa bulsa sa likod ko.”

“Ano ba ‘yan?”

“Wallet mo.”

“Ayoko.”

“Edi huwag.” Binuksan ni Ate Cass ang wallet ni Ice, “Wala man lang picture. Kainis. Ano ba, Ice. Hindi mo ba ‘to ilalagay o – “

“Amin na. Bwisit naman.”

Nag-thumbs up si Ate Cass sa akin at saka pinatay ang TV, “Ate naman! May nanunuod. Ano ba.”

“Sasama ka sa amin.”

“Saan na naman?!”

“Sa No Name.”

“Ano? Saan ‘yun?”

“Huwag ng maraming tanong. Tara na!”

Hindi na rin maalala ni Ice ang No Name pati na rin ang mukha ni Manager Ry. Naaalala niyang nababanggit ni Ate Cass si Manager pero hindi niya alam ang itsyura nito. It makes sense din naman kasi the day he met Manager Ry was the day he first saw me. At sa No Name ‘yun.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon