Battle 37

1.1M 23.5K 5.1K
                                    


Sab's POV

Bakit ba ang mga babae napakachismosa?

Ako, aminado akong leader ako ng mga chismosa. Kaya lang minsan naiisip ko na lang bakit kami ganun.

Parang itong mga kaibigan ko. Mga nakaabang sa pinto nung hinatid ako ni Josh. Kala naman nila hindi ko sila makikita. Mga nag-uunahan pang umupo ulit sa sofa pagpasok ko. Patay malisya 'tong mga 'to ha. Sige. Sige lang.

"Nandito ka na pala, Sab."

"Malamang. Nakikita mo naman di ba."

"Sungit naman nito."

Kung ayaw makatanggap ng pangbobong sagot, huwag na kasing magbigay ng pangbobong tanong.

Paakyat na sana ako ng kwarto ng pigilan ako ni Zoe, "Hindi ka na ba magdidinner?"

"I'm fine. Akyat na ko."

Aakyat na sana ulit ako ng si Yannie naman ang pumigil sa akin, "Hindi ka ba makikinuod dito?"

"Nah. Aakyat na ko. Tinatamad na ko."

Pag-akyat ko nagsalita pa si Ayu pero hindi ko na lang pinansin. Hindi rin makakatiis yung tatlo. Papasok din sila sa kwarto ko.

Hindi lilipas ang five minutes, nandito na sila.

And.. I'm right. Sitting pretty ako sa kama ko habang naka de quatro pa at nakacross ang arms. I smirked at them kaya tiningnan nila ako ng masama.

"Figures." Sabi ko feeling victorious. "O, bakit kayo nandito?" Pa-inosente kong tanong.

Lumapit sila at umupo sa kama ko habang si Yannie ay umupo sa may upuan malapit sa study table ko na hindi ko naman madalas magamit.

"Nagtatanong pa alam naman na." Bulong ni Ayu.

"Matutulog na nga lang ako. Ayaw niyo namang sabihin kailangan niyo."

Kukuha na sana ako ng pantulog na damit pero may humila sa braso ko kaya napaupo ulit ako. Kung sino man humila sa akin, hindi ko na alam. Ang mga kaibigan ko, bukod sa mga pa-hard-to-get, puro mga sadista. Paano na lang kung nagkapasa ang maganda kong skin?

"Dami namang arte. Magwawalk out pa. Ikwento mo na."

"Dami niyo rin arte. Magpapakwento na lang ayaw pa sabihin."

"Sige na. Panalo ka na. Ano ng nangyari sa date niyo ni Josh?"

Wait, what? Date? Nagdate kami ng hindi ko  alam?

"Nasaan akong lupalop ng mundo ng mabalitaan niyong nagdate kami ni Josh? Hindi ako nainform."

"Duh. Ano man ang sabihin mo, date na rin yun. Ano, nagkabalikan na ba kayo?" Itong si Ayu porque nagkabalikan lang sila ni Ken gusto na kaming isunod ni Josh.

Ang love story nila, may second chance. Ang sa amin, wala pang kasiguraduhan.

"Nag-usap kami. Nag-usap lang kami. He offered me friendship. Tinanggap ko. No. Hindi kami nagkabalikan. Yes. Ayos na kami sa ganun."

Tinitigan ako ni Ayu at Yannie na parang may sinabi akong hindi maganda samantalang si Zoe ay nagkibit balikat lang.

"Anong kalokohan 'yan?" Inis na tanong ni Yannie, "You clearly love each other. Ano pang problema?"

Mga ilang beses ko pa ipapaliwanag sa kanila na hindi nga lang pagmamahal ang bumubuo sa isang relasyon?

"Ang hirap naman niyan. Mahal niyo ang isa't isa pero hindi kayo." Sabi pa ni Ayu.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon