Battle 61

988K 21.3K 7.5K
                                    

Zoe’s POV

“Merry Christmas, Zoe.”

Napangiti ako sa bungad niya sa akin pagsagot na pagsagot ko ng tawag niya. Hindi kami magkakasama ngayong pasko kasi nasa sarili sariling pamilya kami ngayon.

“Merry Christmas, Ice.”

“Merry Christmas, Ice! Greet your parents and siblings for us!” sigaw ng mommy ko nang marinig niya ang pagbati ko kay Ice.

“Please tell her I will and merry Christmas, too.”

“Okay. Sige, mamaya na lang tayo mag-usap ha? Kain muna.”

“Okay. Bye. I love you.”

“I love you, too.”

We ended the call at lumabas na ako para maki-celebrate sa kanila. Sa labas kasi naghanda ang mga pamilya namin nila Sab, Ayu at Yannie. Parang tradition na rin naman ‘to every Christmas and New Year. Nagkakaingay na sa labas nang makarating ako.

Kain na ng kain si Ayu at Yannie sa isang tabi kasama si Sab at Josh. Swerte lang ni Sab na naging kapatid ni Josh si Ayu. Nagkakasama kasi sila kapag mga ganitong holidays.

Kumuha na ako ng pagkain ko at tumabi sa apat.

“Bakit ngayon ka lang lumabas?” tanong ni Sab.

“Kausap ko kasi si Ice kanina.”

“Inam! Binati siya ni Ice tapos kaming mga kaibigan hindi man lang binati.” Reklamo ni Josh na sinang-ayunan naman nila Ayu, Sab at Yannie.

“Hindi pa naman tapos ang pasko. 12 midnight pa lang. Huwag nga kayong excited.”

Nagkwentuhan kaming lima nang makisalo na sa amin ‘yung mga magulang namin. Kwentuhan sila ng kwentuhan tapos kaming lima parang may sarili ring mundo.

“Uy, Bakulaw, pakuha nga nung tinidor ko. Nalaglag sa gawi mo.”

Kinuha naman ni Josh ‘yung tinidor at nang iabot na niya ‘yun kay Sab ay biglang tumawa ‘yung mommy ni Sab. Napatingin kami sa kanya kasi wala naman daw nakakatawa sa pinag-uusapan nila pero natatawa siya bigla.

“Bakit ka tumatawa?” tanong ng daddy ni Sab sa kanya.

“Ano nga ulit ‘yung tawagan niyo, hijo?” tanong niya kay Josh.

Napatingin sa amin si Josh at mukhang hindi niya alam kung sasabihin ba niya ‘yung tawagan nila o hindi. Sino ba naman kasing magiging proud sa ganung tawagan? Pero nadadala naman nila 'yun at isa pa, kapag sa kanilang dalawa, parang ang cute pakinggan. Bagay kasi sa kanila. ‘Yung tipong hindi sweet na tawagan pero kapag sila na ‘yung nagsabi parang.. sweet na rin. Ewan. Ang labo.

“Bakulaw at Halimaw po, tita.” Sagot ni Josh. Halata mong nahihiya siya dahil sa pamumula ng tenga niya. Nagpipigil na lang kami ng tawa nila Ayu at Yannie sa mukha ngayon ni Josh.

“Ganyan na ba talaga ang tawagan ng mga kabataan sa panahon ngayon?” natatawang kumento ng daddy ni Yannie.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon