Battle 28

1.1M 25.3K 9.9K
                                    

Ayu’s POV

“Ayos ha. Alagang alaga ang eyebags. Mukhang lumulusog.”

An aga aga nambwibwisit ‘tong lalaking ‘to. Pasalamat siya marami na siyang naitulong sa akin kaya hindi ko siya maaway. Tumatanaw naman ako ng utang na loob kahit papaano.

“Alam mo, uso matulog. Sana sinubukan mo.”

“Huwag ka ngang magulo.” Irap ko kay Ram at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Nasa may student’s lounge ako at kasalukuyang gumagawa ng requirement na ipapasa dapat namin ngayon.

Oo na. Hindi ako petiks na tao kaya lang lutang talaga utak ko kagabi. Hindi ko magawang magfocus sa ginagawa ko. Lalo pa at ako lang mag-isa noong panahon na ‘yun. Sobrang tahimik pa kaya ‘yung utak ko napupunta sa kanya.

Nakakains na nga e. Paano naman kasi kapag wala akong ginagawa, naiisip ko si Ken. Kaya ang last resort ko para hindi siya maisip ay magpakabusy. Kaya lang wala rin. I kept myself busy with things to do, but I always end up thinking about him. Na-invade na niya ang bawat sulok ng utak ko.

“Kailan ka pa naging procrastinator?”

“Kailan ka pa nangialam sa akin pagdating sa academics?”

“Meron ka ba? Bakit ang init ng ulo mo?”

Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya. Bakit ang dali para sa kanyang sabihin ‘yun? ‘Yung ibang lalaki kaya hindi kumportable magtanong ng ganun. Kakaiba talaga.

“Ano nga nangyari at ganyan ka?”

“Mamaya ko ikwekwento pag natapos na ‘tong ginagawa ko. Pero ngayon, manahimik ka muna at nagcracram na ako.”

Bilang masunuring tao, nanahimik nga siya sa gilid ko at nagpaalam na lang na aalis na kasi malapit na raw ang next class niya.

Tutok na tutok ako sa ginagawa ko at hindi ko na namalayan ang oras. Halos 5 minutes na lang pala at magsisimula na ang next class ko kung saan ko ipapasa ‘yung requirement na ginagawa ko. Nakalimutan ko pa kumain ng lunch dahil dito. Gutom na ako. Kaya lang kung bibili pa ako ng pagkain, baka malate ako sa klase ko. Hayaan ko na muna ang gutom. Kaya ko pa namang tiisin kahit papaano.

Sakto pagdating ko sa classroom, wala pa ang prof. Sinabihan din niya ang isa kong ka-block na malelate daw siya ng halos kalahating oras. Kung alam ko lang eh di sana kumain muna ako. Ngayon bababa ulit ako para bumili ng pagkain ko. Hay, pahirap. Pagod na nga, puyat pa, gutom pa. Buhay!

“Ayu, may nagpapaabot.”

Napalingon ako sa iniabot sa akin ng kaklase ko. Ibang klase. Pagkain! May nakastyro na food at drinks. Dininig na ba agad ang hinaing ko?

“Kanino ‘to galling?”

“Secret. Walang clue.”

“Oy, huwag madaya. Kanino nga?”

“Ayaw ipasabi. Pero kilala mo naman. Kilala rin namin syempre. Wala na akong clue. Ayan na ‘yun.”

Weird. Sino naman kaya ang magpapabigay? Bubuksan ko na sana ang pagkain ng lingunin ulit ako ng ka-block ko. “Ang sabi pa pala niya huwag ka raw magpalipas ng gutom. Masama raw ‘yun.”

Okay? Mas weird ‘yun.

Sino nga kaya? Nag-iisip ako kung sino ang posibleng nagbigay, but deep inside, I’m hoping it was Ken. Sana concern pa siya. Kaya lang parang imposible naman na si Ken ang nagbigay. Kasi wala naman siya sa school. I mean, hindi pa siya ulit dito nag-aaral. Exchange student siya so next sem pa ang balik niya sa school at papaano naman niya nalaman na hindi pa ako kumakain if ever sa kanya galing ‘to?

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon