Yannie’s POV
“Anong nangyari sa inyong apat? Para kayong mga nakakita ng multo?” tanong ni Ken sa amin.
Napatingin na naman ako kay Xander na ngayon ay pababa na ng mini stage.
Nakipaghiwalay ako sa taong sobrang mahal ko para iligtas siya not knowing na lahat pala ng pananakot na sinabi sa akin ay walang katotohanan. Ilang balde ng luha ang iniyak naming dalawa ni Xander dahil dun tapos hindi pala totoo? Nasaan ang puso ng walanghiyang Tom na ‘yan? Hindi ako makapaniwala na siya ang taong minahal ko nang sobra noon. Parang hindi na siya ‘to.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit pakalmahin ang sarili ko.
“Bullshit.” Bulong ko pero mukhang narinig nila dahil pagdilat ko ay mga nakatingin na sila sa akin. Pati ang kaninang mga nasa stage na sila Ice, Josh at Xander ay nakatingin na rin.
“Excuse me,” paalam ko at lumabas.
Hindi pa ako nakakalayo nang may humila sa braso ko. I was actually hoping na si Xander ‘yun but to my disappointment, si Zoe pala at nakasunod na sa kanya si Ayu at Sab.
“Saan ka pupunta?”
“Hindi ko alam.”
“Ha?! Anong hindi mo alam? Bakit umalis ka?”
“Kasi gulong gulo na ako! Gulong gulo na ako, okay?! Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung anong totoo. Kung meron pa bang totoo.”
Pinilit kong pigilan ang maiyak. Masakit. Masakit maloko. Mas masakit na nalaman kong nagsimula ang lahat na sakit na nararamdaman ko sa bagay na hindi naman totoo. Masakit kasi nanahimik kami dito tapos biglang may darating at manggugulo.
Napaupo na lang ako sa semento kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Parang pinaglalaruan si Xander at ako ng mundo. Parang pinasok kami sa isang laro na hindi naman namin gustong laruin.
“Ssh, Yannie. Tahan na.” naramdaman ko ang paghagod ni Zoe sa likod ko. Naramdaman ko na rin ang pag-upo nilang tatlo kasama ko.
“At least alam natin na walang sakit si Tom. Walang mamamatay. Walang babagsak.”
“Tama si Sab, Yannie. Let’s look on the brighter side. Lahat naman ng sakit na nararamdaman mo ngayon mawawala rin pagdating ng panahon. Malay mo konting panahon pa okay na ulit ang lahat. Pwedeng bukas, pwedeng sa makalawa, pwedeng sa isang linggo. Lahat naman ng bagay magiging maayos basta magtiwala lang tayo.” Payo naman ni Ayu.
I am truly grateful to have a friend like them. Lagi na lang silang nasa tabi ko. Masaya o malungkot man hindi nila ako iniiwanan. Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan sa panahon ngayon pero maswerte ako at nahanap ko sila- my true friends.
***
Kanina pa ako nakatayo sa harap ng pinto ng dean’s office. Hindi ko alam kung kakatok na ba ako o ano. Nakakahiya kasi at saka baka mamaya maistorbo ko lang si dean. Napabuntong hininga ako. Pinipilit kong ipunin ang lakas ng loob ko pero hindi ko magawa. Nakakainis. Nasaang lupalop na ba nagtatago ang lakas ng loob at kapal ng mukha ko?
“Kung kakatok ka, kumatok ka na.”
Nagulat at napatingin agad ako sa nagsalita. Nakangisi si Ice sa gilid ko at napapailing pa. Kanina pa ba siya nandito? May nanunuod pala sa akin habang gumagawa ako ng katangahan.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Teen FictionTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)