Chapter 1

1.1K 32 2
                                    

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko na nakapusod at inipit iyon sa likod ng tenga ko at lumunok bago bumukas ang elevator.

Nang bumukas ay dahan-dahan akong pumasok. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng malaking elevator at napasulyap sa sariling repleksiyon sa harapan.

Kita dito ang suot kong unipormi na galing sa ekslusibong Hotel na ito. Isang pulang pencil skirt na hanggang itaas ng tuhod at isang kulay abong blusa na hapit sa katawan ko. Maayos na nakapusod ang buhok ko sa likod ngunit mayroong ilang hibla sa harapan ang ayaw sumunod kaya panay sa hawi ko dito.

Kitang kita ko ang agwat ko sa trabahong kinalakihan ko kesa sa trabahong ito. Napakadesinte kong tingnan na parang hindi nararapat. Ngunit nang maisip si Mama na mag-iisang buwan na sa Ospital at hindi pa nangangalahati ang mga bayarin ko'y lumalakas ang loob kong gawin ang dapat kong gawin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

"Po?"takang tanong ko.

"The operation will be free. I will also give you ten million pesos kapalit ng ipapagawa ko sayo, hija,"saad ng Doktora sa'kin.

"T-Talaga po? ano po 'yon, ma'am?"punong pag-asang tanong ko.

"Gawin mo ang lahat maging lalaki lang ang anak ko. Make him a straight fine man. Gawin mo lahat. Seduce him or whatever that will make him change, in that way lahat nang napag-usapan na ibibigay ko ay matutupad. I'll give you a week to know if there's any progress and if there's none, I'm sorry."saad nito na parang nanghahamon.

"H-hindi ko po 'yan magagawa ma'am,"mahinang saad ko at napayuko.

"Don't worry,hija. Bibigyan naman kita ng panahon para pag-isipan ang alok ko."

Tumango ako.

"Pasensiya na po talaga ma'am. Kung gusto niyo po ma,am gawin niyo nalang po akong Janitress o 'di kaya ay katulong po ninyo ma'am na walang bayad. Kaya ko po 'yang gawin,"alok ko sa doktorang mariin ang pagkakatitig sa'kin.

Ang mga mata nitong walang bahid na pangungutya at pangmamaliit ngunit kuryoso lamang ang nakikita ko na nagpa-gaan ng loob ko.

"Hija...I'm sorry. That's the only deal I could offer to you,"matiim na ani nito ngunit kitang kita ko sa mga mata nito ang pagaalinlangan sa sinabi.

"Naiintindihan ko po, ma'am. I'm sorry po."

"No, no...don't be sorry. Kapag napag-isipan mo na ng mabuti ay personal mo akong puntahan dito sa opisina ko."

Napatitig ako dito bago tumango. Pagkaraan ng ilang segundo ay tumayo ito kaya napatayo rin ako. Pinahid ko ang kamay ko sa pantalong suot dahil baka may dumi nang kamay ko. Kita ko ang pagsunod ng mga mata nito bago ko ito inilahad sa kanya.

Puno nang pagdadalawang-isip kong ibaba ko ba agad ang kamay ko o ano ngunit laking gulat ko'y bigla nalamang ako nitong niyakap at marahang hinagod ang likod ko.

May binulong itong nagpainit ng dalawang sulok ng mga mata ko bago ako tumango,ngumiti at nagpasalamat.

"Miss Montalvo!"napaiktad ako ng marinig ang singhal na iyon.

Natatarantang umayos ako nang tayo at tumingin sa harapan at nakitang bukas na pala ang elevator.

"Ano ka ba naman! Hindi ka ba na-orient na bawal sumakay ang stuff at ibang employee sa elevator na 'to maliban kay Mr. Laurier!?"mariing saad ni Mrs. Madizon, manager ng Hotel na pag-aari ng anak ni Dra. Occeana Laurier.

"P-Po?"nanlalaki ang mga matang sambit ko.

Luminga-linga ako at lumabas ng elevator at tiningnan ang nasa itaas at nakitang mayroong nakalagay na "Private".

"Naku! Pasensiya na po, ma'am,"saad ko at bahagyang yumuko.

Ba't hindi ko napansin na walang bottons ng bawat palapag ang elevator na 'yon? Napapikit nalamang ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi habang nakayuko pa rin.

"Naku! Buti nalang ako ang nakakita sayo. Kung hindi ay baka nasa labas kana ng Hotel na ito,"nakukunsumeng saad nito.

"Sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit."

"Oh siya... Tandaan mo ang mga rules hija,"saad nito at tinapik nang marahan ang braso ko bago naglakad sa dulo ng palapag na ito kung saan naroon ang public elevator.

Napahawak ako sa noo ko sa katangahang nagawa. Sa sampung elevator na mayroon ang Hotel na ito ay napasok pa ako sa bawal. Tumuwid nalamang ako nang tayo bago kinuha ang dala-dala ko palang cart na naglalaman ng bagong kumot, kurtina,pillow case, bedsheet at carpet na ilalagay daw sa gilid ng kama.

Dahan-dahan kong tinahak ang malawak na palapag at nagtungo sa kabilang daan kong saan galing si Mrs. Madizon dahil sa takot na matapilok sa tatlong pulgadang takong na suot ko.

Kung araw-araw ko 'tong gagawin ay siguro'y masasanay na ako. Napakadali lamang ng trabahong ito kumpara sa trabahong nakasanayan ko. Laking pasasalamat ko kay Mrs. Laurier dahil binigyan niya ako ng maayos na trabaho maliban sa deal na inaalok niya sa'kin.

Kung iisipin, hindi ko alam ang magiging kahihinatnan ng lahat. Mahirap baguhin ang taong ayaw magbago.. Pero sa kabila ng pangangailangn ay nauunawaan ko rin ang punto ni Ma'am Oceanna. Hindi na ito bumabata. Malapit ng mag singkwenta anyos si Doktora at sa buong buhay niya'y pangarap niyang magka-apo ngunit malabo raw na mangyari.

Nang nasa tapat na ako sa kwarto ni Mr. Laurier ay kumatok ako ng tatlong beses at naghintay saglit. Sa pagkakatanda ko'y kakatok ng tatlong beses at kapag walang nagbukas ay gagamitin ang susing ako lamang ang mayroon maliban kay Mr. Laurier dahil isa iyon sa rule dito. Nauunawaan ko na kung bakit ako pina-assigned ni Doktora dito.

Nang makasigurong walang tao ay binuksan ko na ito. Ngayon ang unang araw ko at kinakabahan ako. Wala naman akong gagawin kun'di ang maglinis at magpalit  ngunit laging sumisingit sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Doktora.

Wala akong ideya ngunit may napagtanongan naman akong kaibigan sa amin na nagtratrabaho sa Bar. Sa susunod ay isusulat ko na iyon para reviewhin ko nalang kung nakalimutan ko.

Bumungad sa'kin ang kulay krema at abong kulay ng mala-condong kwarto ni Mr. Laurier. Napakalawak ng sala at glass wall nakita ang buong syudad ngunit natatakpan ito ng makapal na kulay abong kurtina.

Tulak-tulak ang cart ay hinanap ko ang kwarto nito na nasa dulo. Ngunit mayroong tatlong pintuan pa akong nadaan. Sa susunod ko nalamang iyon titingnan.

Sa pag-aakalang bubungan sa'kin ang pambabaeng kulay ay nagkakamali ako.

Nilibot ko ang tingin ko at walang bakas na kahit anong pambabaeng gamit. Natulala ako saglit at na tawa.

"Ang judgemental mo Xedusa,"saad ko at hinarap ang cart at itinabi iyon.

Hindi na ako nag-abalang isarado ang pinto ng kwarto dahil inilock ko naman ang front door at basta nalang hinubad ang suot na sapatos. Inalis ko rin ang pagkakapusod ng buhok na nakalow ponytail at tumuwad saka inikot-ikot ang buhok upang makagawa ng messy bun. Pagkatapos ay hinubad ko ang suot kong blusa at pencil shirt. Bumuntong hininga ako dahil sa gaan ng nararamdam. Suot ko nalamang ngayon ang isang black cycling short at puting sando saka sinimulan na ang trabaho.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng makapal na bedsheet sa parte ng uluhan ng may baritonong boses akong narinig na nagpa-iktad sa'kin sa gulat.

"I don't remember that I hired a stripper to clean my room."

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now