Chapter 7

902 28 2
                                    

"Calm down, baby."

Simpleng katagang iyon ay halos mabingi na ako sa bilis ng pintig ng puso ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Umalis? Ngumiti? O... halikan na naman siya? But this time I'm not thinking about the deal. I'm doing it because I... want to.

"Hey, don't get mad. Please... tell me what did I do."  hindi ko alam na may ikakalamyos pala ang boses nito dahil sa aura nitong dominante.

Parang hinihigop nito ang lakas ko kaya mabilis akong kumawala at lumakad papasok sa kusina. At nang halos matapos ang gawain ko doon ay gusto ko itong sumbatan kung bakit hindi nito ako pinuntahan at tinanong muli.

Gusto kong magdabog para malaman niyang ang irita ko ay naging galit na. Pero kung iisipin ay wala akong karapatang magalit.

Dahil sa naisip ay bumalik lahat ng determinasyon kong h'wag patulan ang nararamdaman. Nandito ako dahil kailangan ko ng pera. Iyon 'yon.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa kusina. Nang makitang wala namang gagawin na ay dumapo ang tingin ko sa cart. Hindi nagpalit kahapon dahil every other day ang salitan.

Tinungo ko ang cart at tinulak ito ng dahan-dahan. Nang nasa pintuan na ako ng kwarto ay kinatok ko ito. Tatlong beses at walang nag bukas kaya ako na mismo ang gumawa.

Kung malamig ang buong bahay ay parang triple ang kwarto nito. Ang kaba at pagkapahiya ay mas domuble dahil sa lamig. Sinuyod ko ang buong kwarto at nakitang wala ni anino ni Sir Vincent. Siguro'y umalis ito ng hindi ko namalayan. Siguro'y dahil sa inakto ko ay nagalit ito at na dismaya.

Hindi ko na alam. Nakakapagod magisip. Masiyado akong naging kampanti dahil sa ipinakita nitong kabutihan kahapon. Siguro ay dahil doon. Ito ang unang lalaking nagpakita sa akin ng kabutihan na walang halong kapalit o pangmamaliit. Na kahit may ugali itong parang walang makakatibag sa sariling desisyon at ang pagiging dominante ay may puso ito sa mga taong nangangailangan.

Tinungo ko ang kama nito at naupo sa dulo. Tinitigan ko ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

Unti-unting pumapatak ang luhang kumawala. Hindi ito naglandas sa pisngi ko bagkos ay sa palad ko iyon nahulog. Ang hirap. Hindi ko dapat ito nararamdaman dahil pera... pera kaya ako nandito. Sumakit ang dibdib ko ng maisip na kung tutuosin ay ginagamit ko siya para sa kapakanan naming mag-ina.

Kapag naging maayos na si Mama ay ipinapangako kong pagbabayaran ko ginawa ko sa kanya. Hihingin ko ang kapatawaran siya kahit malabo.

Napaiktad ako ng isang kamay ang nangahas na hawakan ang pisngi ko. Inangat nito ng marahan ang mukha ko.

"What are these tears for Xedusa?" malamyos na tanong nito na lalong nagpa-angkas ng emosyon ko.

"Tell me, please."

Napapikit ako sa lamyos ng tinig nito. Hindi alintana ang masaganang luhang pilit pa ring tumutulo.

"S-Sorry... sorry."

Ang mainit nitong hintuturo ay pinapalis ang luhang lumalandas sa pisngi ko. Sa ganitong kasimpleng ginagawa ni Vincent ay parang natutunaw ang puso ko sa tuwa. Nakahanap ako ng bagong karamay.

"What for, Xedusa?" ang init ng katawan nito ay naging mas malapit. "Stop driving me insane by thinking about what you're upset about, baby," sa pagmulat ko ay gahibla nalamang ang layo ng mukha nito sa akin.

"Hindi mo ako pinapansin! Nakakainis ka!" bulyaw ko dito. Hindi ko mapigilang sumabog dahil sa boses nitong mapagkumbaba. Na parang gusto nitong ilabas lahat ng galit kung meron man ako.

Hindi ito natinag. Pakiramdam ko'y pilit lamang itong nagseseryoso dahil sa multong ngisi nito na nakita ko naman agad.

"Tell me more."

"Talaga! Tinatawag-tawag mo pa akong baby e may kasintahan ka-"

Namilog ang mga mata ko nang marahas nitong sinalubong ng halik ang mga labi ko. Ramdam ko ang lambot at init nito na kahit ang lamig ng kwarto ay hindi naka-obra. Dahil sa huling sinabi ay bahagyang nakaawang ang mga labi ko kung kaya'y walang kahirap-hirap nitong naipasok at pilit nilaro-laro ang dila ko. Nahalos nagpawala sa ulirat ko.

Ang mga kamay na nasa kandungan ko ay hindi ko namalayang nasa dibdib na pala iyon ni Vincent. Napaiktad at bahagyang napa-atras ako ng umanggolo ang ulo nito at mas sinakop ang labi ko.

Napapikit ako ng maramdamang sinipsip nito ng marahas ang pang-ibabang labi ko. Ang kamay kong nasa dibdib ni Vincent ay napakuyom dahilan kung bakit nalukot ko ang puting damit nito. Parang malalagutan na ako ng hininga sa bawat hagod ng labi nito.

Unti-unti ay huminto ito sa ginagawa. Marahan at mabagal nitong pinaghiwalay ang labi namin na kahit ang mainit na laway sa pagitan ng mga labi namin ay ayaw mapigtas. Dumilat ako at tumambad sa akin ang mapupungay nitong mga mata bago dinambahan na naman ako ng mabilis na halik at bago lumayo ay ang mainit nitong dila ang humagod sa mga labi ko.

Napadako ang mga mata ko sa labi nitong mapupula at ang dilang mamula-mula na kakapasok lamang sa mainit nitong bibig ay naghatid sa akin ng kakaibang damdamin.

"So this is how beautiful you are when you're jealous," saad nito at ngumisi.

Dahil sa sinabi nito ay lalong mas nahirapan akong hagilapin ang hangin na pilit kong hinahanap ng iniwan nito ang labi ko.

"Hindi...hindi ako nagseselos," umiling ako at bahagyang tinulak ang dibdib nito na hindi man lang gumalaw.

"Alright, as if you didn't outburst earlier. I believed you, Xedusa," he snickered at bakas sa tuno nito ang pagiging sarkasmo kaya matalim ko itong tinitigan.

"If you're not going to stop being jealous I might tie you on my bed, Xedusa," napatitig ako sa mga mata nitong umaapaw ang nagpupuyos na emosyon. He said those words in a calm manner but the way looks at me made shivered.

"Hindi nga kasi ako nagseselos. Magkaiba ang selos sa nagalit."

Hindi ito nagsalita. Mariin lamang ako nitong tinitigan. Hindi rin ako kumibo at pinantayan din ang titig na iginawad nito sa akin.

"Stop staring Xedusa. You're testing my patience when in fact I don't have one."

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon