Chapter 2

960 24 0
                                    

Nakatulalang nakatitig lamang ako sa lalaking nasa hamba ng pintuan at nakahalukipkip. Nagmumukhang maliit ang pintuang pinasukan ko kanina dahil sa tangkad nito.

Hindi ko alam kong ano ang mararamdam sa sinabi nito. Nakakainsulto pero kung iisipin ay kasalanan ko naman. Pipiranggot na lang ang suot ko at hindi yata ito sanay sa babae.

"Magandang umaga po Mr.
Laurier,"saad ko at nagmamadaling bumaba ng kama.

Hindi ito nagsalita bagkos ay umayos ito nang tayo at naglakad papalapit sa 'kin.

"S-Sir...uh...hindi po ako stripper tulad ng iniisip niyo,"paliwanag ko.

Ang bilis ng tibok ng puso sa kaba dahil baka sibakin ako nito sa trabaho tiyak na hindi na ako matutulungan ni Mrs. Laurier kong sakali. Una't uling baraha ko ito kaya't hindi pwedeng sayangin.

"Sir..."ani ko at napatingala ng nasa harapan ko na ito. Gusto kong mag-iwas ng tingin dahil sa mga titig na pinupukol nito sa 'kin.

Ang kulay-abo nitong mga mata na mariing nakatitig sa'kin. Ang mahahaba at makapal nitong pilik mata na nagsisilbing maskara sa bagsik ng mga titig nito. Ngunit kahit gano'n ay hindi ako umiwas sa titig nito.

"Leave."

Kumunot ang noo ko at hindi agad nakasagot.

"Po? Hindi pa po ako tapos, Sir. Do'n po muna kayo sa sala para matapos ko po agad ang trabaho ko,"paliwanag ko.

Kumunot ang noo nito at nagsalubong ang dalawang may kakapalang kilay. Umawang ang labi nito ngunit tumikom rin agad at napahawak sa sintido bago tumalikod at naglakad papalabas sa kwarto.

"Warum zum Teufel folge ich ihr?"mahinang saad nito na hindi ko maintindihan.

Nang isinara nito ang pintuan ay agad kong kinuha ang uniporme at sinuot bago nagpatuloy sa trabaho.

Ilang minuto ang ginugol ko sa pagpapalit ng pillow case at ng sobrang kapal na bedsheet at kasalukuyang inaayos ko ang bawat detalye sa kwarto nito. Nang matapos ang pag aarrange ay sinaksak ko ang vacuum. Inuna ko ang sulok bago ako natuntun sa ilalim ng kama nito.

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa ginawa at naghirap dahil sa hindi komportableng suot. Saktong-sakto lamang ito sa katawan ko na kaunting yuko ay parang puputok na ang hook ng pencil skirt ko at botones ng pang itaas na suot.

Kumunot ang noo ng mag-iba ang tunog ng vacuum kaya hinila ko ito papalabas sa ilalim ng kama at tiningnan.

Ayoko sanang yumuko ngunit mabigat para sa akin ang buhatin ang vacuum at near sighted ako kaya para tingnan ang nasa unahan nito ay wala akong nagawa kun'di ang lumuhod nalamang at kinuha ang telang bumara saka binuklat.

Napa-awang ang labi ko nang makita ang isang bistidang pantulog na punit ang dibdib hanggang sa laylayan na kulay itim. Papano?

"Hindi ka pa rin ba tapos-"

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto at nakita ang supladong mukha ng amo ko.

"S-sorry sir."

"What's that?"takang tanong nito.

"Damit niyo po sir."

"Wala po akong pagsasabihan sir...uh...mula ngayon ako na po ang maglalaba ng mga ganitong damit niyo sir para hindi-"

"The fuck you're talking about?"mariing saad nito.

"H'wag po kayong mahiya-"

"Enough,"inis na ani nito.

Buong atensyon ko ay nasa kanya kaya kitang kita ko kung paano nito baklasin ang suot na necktie at galit na tinitigan ako.

"You talk too much."

"Sorry po,"paumanhin ko.

Tila nanunuot sa balat ko ang bawat matatalim na titig nito at nakahinga lamang nang tumalikod ito binuksan ang isang pintuan na palagay ko'y ang walk-in closet at pumasok.

Hindi na ako nag-isip pa at pinulot ang necktie nitong nasa lapag at inayos iyon sa ibabaw ng kama bago niligpit ang vacuum kasama ang bistidang nilapag ko katabi ng neck-tie at lumabas.

Nang tingnan ko ang relo habang naglilinis sa sala ay malapit ng mag-alas dose. Gutom na ako dahil hindi ko magawang kumain ng almusal kanina dahil sa kaba at pagmamadali pero ang kurtina nalang sa sala na nagsisilbing harang sa glass wall ang kulang. Tapos ko nang punasan iyon kaya ang kurtina na lang.

Napahinto ako nang makitang tatlong kulay ng kurtina ang nandito sa cart. Kulay puti, itim at isang kulay baby pink.

Sa alin mang kulay na iyon ang piliin ko ay babagay kaya pinili ko ang baby pink. Medyo nahirapan pa 'ko dahil sa sobrang taas nito.

At nang maayos ay niligpit ko na ang mga gamit na nagamit ng tumunog ang main door. Napalingon ako at nakita ang lalaking kasing tangkad lang rin ni Mr. Laurier.

Natatarantang ngumiti ako at binati ito.

"Good noon, sir."

Ngumiti lamang ito at tumango. Sinundan ko ito ng tingin at nakitang tutungo ito papasok sa kwarto ni Mr. Laurier.

Napulonok ako sa nakita. Hindi, walang malisya 'yon.

Wala naman ako ibang alam sa kanya kun'di ang pangalan nito at maliliit na detalye na sinabi ni Mrs. Laurier.

Von Vincent Laurier, 28 years old. May sariling kompanya at hotelier. He had a fiancé a year ago pero umayaw ito kalaunan sabi ni Mrs. Laurier kaya nakumperma ng ginang ang kasarian ng anak.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba at nasaksihan. Iyon ba ang boyfriend ni sir? May boyfriend pala siya?

Nakakapanghinayang naman kung gano'n. Parang hindi ko kayang sirain ang kung ano mangrelasyon meron sila.

Pero winaksi ko iyon at isinaisip na magsisimula na bukas. Dadaanan ko talaga si Ryeta mamaya.

Nang matapos sa pagliligpit ay nagdadalawang isip akong magpaalam o aalis nalamang. Pero hindi pwede, napakawalang kwentang empleyado ko naman kung gano'n.

Kaya naglakad ako papunta sa kwarto ni Mr. Laurier at akmang kakatok ng makarining ako ng mahinang daing.

Napahinto ako at nanigas sa narining. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at hindi alam ang gagawin.

Aalis ako! Oo! Nakakadi...

Nasinghap at napaiktad ako ng bumukas ang pintuan. Kitang kita ko ang itsura ni Mr. Laurier na siyang nagbukas ng pinto at nasa likod nito ang lalaking bagong dating.

Naka puting t-shirt si Mr. Laurier at bukas ang dalawang botones naman ng lalaking nasa likod.

Magulo rin ang buhok nilang dalawa at namumula ang labi ng lalaking nasa likod.

Napahawak ako sa dibdib at tumalikod na lang. Mabilis ang bawat hakbang ko at hinila agad ang cart papalas ng hindi nagpapaalam.

Narinig ko pa ang mahinang tawa ng boyfriend ni Mr. Laurier bago nasara ang pintuan.

Hindi ko kaya...

Hindi ko kayang maulit pa 'yon.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now