Chapter 24

557 19 6
                                    

"Tagpila ni?" pumukaw sa atensiyon ko ang  isang tinig.

"Po?" halos isang buwan na ako rito  pero hindi pa rin ako marunong mag-bisaya. Minsan nakakahiya rin dahil ang mga bumibili o ang mga tao pa sa paligid ko ang nag-aadjust para magkaintindihan kami

"Ay tagaleeg? Sorry, sabi ko magkano 'to?" nakangiting tanong nito. Tipid na ngiti ang isinukli ko dahil sa hiya.

"Fifty po," saad ko nang itinuro nito ang kumpol ng mapupulang kamatis. Bigla na naman akong nagkaramdaman nang paglalaway dahil sa kintab ng balat ng mga kamatis.

"Sige ganda. Dalawang kilo ang bibilhin ko," marahan akong tumango at lumabas papuntang harapan upang kumuha ng kamatis saka tinimbang. Nang sakto na ang sukat ay binigay ko sa babae at inabutan naman ako nito ng bayad. Sakto lang at hindi na susuklian. Nagpasalamat ako bago ito umalis.

Mababait talaga ang mga tao rito. Mapagkumbaba pa. Mabilis rin akong natanggap na tindira sa isang stall ng gulayan sa tiyanggi rito kahit na bagong salta at wala akong maintindihan sa lengwahing gamit nila. Maayos ang trato ng may-ari sa akin dito. Alas-otso ang bukas ng tindahan at alas-singko e medya naman sa hapon ang sara para daw hindi ako gabihin pauwi. Weekdays lang din ako at hawak ko ang oras ko tuwing weekend. Sa bahay ay isang sakayan ng tricycle at dalawampu't minuto ang lakaran para marating ko ang bahay na inuupahan ko sa mananahing nakausap at katabi ko dati sa bus. Nag-bakasyon lang ito sa Manila at uuwi na ng Leyte. Tinanong ako nito kung kailangan ko ng trabaho at agad naman akong umu-o. Ang weekends ko ay hawak ko dahil pupwede kung kuhanin lamang ang mga damit na lalagyan ng botones o hook and eye at ibabalik tuwing linggo. Ang ginagawa ko ay kukunin ko ng lunes ang iba at ibabalik sa sabado para ibigay ang tapos na at makuha ang iba para hindi ako matambakan. Isang daan kada damit kaya maayos ang pag-iipon ko.

Isang customer pa ang dumating hanggang sa nadagdagan. Hindi na ako maka-upo dahil sunod-sunod ang bumibili na ikinasaya ko. Tiyak matutuwa si Nana Lumen kapag nakita niya ang  benta ko. Nang matapos ay pumasok ako sa loob at inayos ang pera sa lalagyan bago lumabas at inayos ang pagkaka-kumpol ng mga gulay.

Naisip kong maghiwa ng gulay para sa tinatawag nilang "sari-sari" at pakbet dahil ubos na pala ang kada supot na hinanda ni Nana. Kaso ang boses ni Theresa ang nagpahinto sa akin. Kung ano ang ikinabait ng tao rito iyon din ang ikinasama ng isang 'to. Mabuti nalang at ito lang ang hindi nasaniban ng kagandahang-asal.

"Baga'g nawng," mahinang saad nito pero bakas naman ang pang-gigigil. Hindi ko nalamang pinansin dahil bukod sa wala akong maintindihan ay hanggang salita lang din naman siya.

"Disgrasyada."

Malakas iyon at alam kung kahit sino ay puwedeng makarinig. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi pa rin ito pinansin. Kumuha ako ng talong at ampalaya. Babalikan ko na lamang mamaya ang kalabasa at string beans.

"Kaya kaba napadpad dito dahil pagod kanang maging pokpok doon sa Maynila?" iritang sabat nito.

Nilingon ko ito. Ang expresyon nito ay kumalma at parang natakot.

"Ano bang paki-alam mo sa buhay ko? Wala hindi ba? Huwag mong sagarin ang pasensiya ko Theresa dahil hindi ako araw-araw mabait."

Matalim ko itong tinitigan hanggang sa ito nalamang ang kusang pumasok sa sariling stall. Napapikit ako ng mawala ito sa paningin ko. Pumasok ako sa stall nang makuha ang kinakailangang gulay. Umupo ako sa mahabang upuan na mayroong kutson na unan na binili ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at hinawakan ang maykaumbokang tiyan. Hindi ko rin matukoy kung ilang weeks na itong dinadala ko dahil wala pa akong sapat na perang pangpacheck-up. Sa susunod na buwan ay natitiyak kong makakapagpacheck-up na rin ako at mabibili ang resitang vitamins at gatas.

Masiya na malungkot. Ayoko iyong umalis at nahihiya akong bumalik para lang sabihing buntis ako. Hindi ko rin naman ililim ang pagbubuntis ko sa anak namin. Kung hindi pa ako tinanong ni Nana Lumen kung buntis ba ako ay tiyak hindi ko malalaman agad. Panay kasi ang tulog ko at kain ng kamatis. Hindi rin ako nagsusuka tulad ng pangkaraniwang sintomas nang pagbubuntis.

Pinahid ko ang kumawalang luha at nagsimulang maghiwa. Ilang minuto ang itinagal ko sa paghihiwa at pagtitimbang bago sinilid sa supot. Hindi na ako inaway ni Theresa hanggang sa mag-alas singko na  ng hapon. Niligpit ko na ang ilang paninda sa loob at inorganisa.

"Ate ganda pinapa-bigay po ni Kuya Ramon."

Inabot nito sa akin ang isang supot ng kamatis. Kita sa transparent ng supot ang pulang balat nito na kumikintab. Nagmumukha itong mansanas sa paningin ko.

"Sinong Ramon, Henry?" takang tanong niya sa cute at bibong bata na nasa pitong taon. Kilala niya ang batang ito. Mama niya ang naging kaibigan ko na nagtitinda ng mga itlog sa kabilang dako ng tiyanggi. Doon kasi ako parati bumibili ng itlog para sa stock ko sa bahay.

"Iyon pong may-ari ng grocery store sa tapat. 'yong big pong tindahan na maraming food," saad nito na may kasamang demonstration pa. Natawa ako sa cute nito at marahang tumango. Isang beses ko lamang nakilala iyong Ramon. Hindi ko mahanap ang isang produktong nasa listahan ni Nana Lume kaya nagtanong ako sa lalaking nag-uunpack ng karton sa gilid. Iyon lang ang interaksyon namin at nakakapagtakang binigyan ako nito ng ganito.

"Salamat, Henry."

Inabot ang supot at pinisil ang matambok nitong pisngi bago nagtatakbo pabalik sa kanilang tindahan. Tinabi ko ito at nagpatuloy sa pagliligpit. Eksaktong alas singko y medya ng nasarado ko na ang stall. Inayos ko ang buhok kung humaba at sinabit sa tenga ko upang hindi pumunta sa mukha ko. Pinagpag ko rin ang bulaklaking bistidang lagpas hanggang tuhod. Lahat ng damit ko ay mahahaba at puro na bistida na binili ko sa ukay-ukay. Ang mga pantalon at blouse ko naman ay itinabi ko muna. Saka ko na iyon susuotin uli kapag nanganak na ko.

I don't know pero nang malaman kong nagdadalang tao ako ay naging mas maingat ako. Naging mas malinis sa katawan dahil baka anong mangyari sa anak ko. I'm also very excited to be a mother kahit hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran naming dalawa.

Bumili ako ng sariling kamatis at ice cream na nagkakahalagang twenty-five pesos sa grocery store ni Ramon. Mukhang magkasing edad lamang kami basi sa itsura ni Ramon. Nang makapagbayad sa counter ay tinungo ko ang security guard.

"Kuya, nandito pa po si Ramon? May ibibigay lang po sana ako," tawag pansin ko rito.

"Ay neng ikaw pala. Sandali at itatawag ko."

Ilang minuto lang ay lumabas ito isang probadong pintuan na nagmamadali. Nang makita ako ay umaliwalas ang mukha nito.

"Xed, napadalaw ka?" tanong nito ng iwan kami ng security guard ngunit nawala ang giliw sa mukha nito nang makita ang binili ko sa tindahan nito.

"Salamat pala sa bigay mo pero hindi ko matatanggap 'to, Ramon." saad ko at itinaas ang supot ng mga kamatis.

"Bakit naman? Maliit na bagay lang iyan," takang saad nito.

"Alam ko pero hindi maayos para sa 'kin. Sana maintindihan mo. Salamat."

Binigyan ko ito ng marahang ngiti bago umalis. Hindi ko kailangan ng kaibigan na bibigyan ako ng kung anu-ano. Ang mga taong tumulong sa akin ay sapat na. I went home and cook something for dinner. Walang kuryente dito at ayos na iyon para mas matipid. May balon malapit dito at ilang lakaran para makita ang malaking lawa.

Ang bahay na inuupahan ko kay sementado maliban sa balkonahe sa harap ng bahay. Para itong cabin at matibay ang pintuan at bintana. Talagang sinadya para ligtas ang nakatira. Kada kinsinas sa isang buwan ang bayad ko sa upa na nagkakahalagang limang daan. Walang kuryente at iniigib sa balon ang tubig kaya ang bahay lang talaga ang binabayaran ko.

Malayo rin ako sa mga kapit-bahay at puro berdeng mga damo at halaman ang makikita sa paligid. Sayang at wala si Mama rito para maranasan man lang ang kaginhawaan at kapayapaan sa lugar na ito.

Nang matapos kumain at hugas ay nagbanlaw ako sa katawan at nagsepilyo para matulog na pagkatapos. Habang nagsusuklay ay may iilang katok akong narinig sa labas ng bahay.


Happy reading!
Salamat sa tatlong nagcomment. Sa inyo po ito dahil nainspire ako. (⁠・ั⁠ω⁠・ั⁠)
The picture above is only for visualization on Xedusa's dress.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now