Chapter 8

887 24 0
                                    

Ilang minuto itong nakatitig sa buong mukha ko habang ganoon pa rin ang ayos naming dalawa.  Pilit kong iniiwasan ang mga malalalim nitong mga titig kaya bumuntong hininga ito at umayos nang tayo.

"Aalis ako..." panimula nito kaya napapatitig ako kay Sir Vincent ng wala sa oras. Saan naman ito pupunta? Susundan nito si Von pagkatapos nito akong paamuhin at landiin? Ganoon lang at aalis na ito? Pero... ano naman kung ganoon? Walang problema kahit ngayon pa-

"...at sasama ka sa akin. I'll leave you here for awhile and fix yourself. Hihintayin kita sa sala."

Hindi ako natinag at nakatitig pa rin sa mukha nito dahil sa hindi inaasahang sinabi nito at gulat. His words and actions are unpredictable. Ang distansiyang binigay niya kanina ay kay bilis nito iyong tinawid. Bahagya itong yumukod at hinawakan ang pisngi ko gamit ang malaki at mainit nitong kamay. Dahil sa intensidad ng mga titig nito ay napapikit ako at pinakiramdaman nalamang ang init ng kamay nito.

"Come on, Xedusa. Mahirap magpigil kaya halika na."

Malamyos ang tinig nito na sinamahan ng magaang pagdampi ng daliri nito sa pang-ibabang labi ko kaya dumilat ako.

"Magpigil saan?" takang tanong ko.

"Come on, Xedusa."

He sighed harshly.

"Hindi po ako pwedeng umalis dahil oras pa po ng trabaho," paliwanag ko rito para kumalma.

"It's fine. You're with me," usal nito at umalis na ng hindi ako nito pinagsalita pa.

Napabuntong hininga ako at umiling.

"Hindi pwede. Ayokong may masabi ang iba tungkol sa akin dito. Isa pa, kailangan kung umayos sa trabaho dahil..." umiwas ako sa titig ni Vincent dahil sa naramdamang kahihiyan. Mabuti nalang at hindi ko tuluyang nasabi.

Gusto kong kastiguhin ang sarili dahil muntik ko nang masabi ang hindi dapat malaman ni sir Vincent na nagmamay-ari pa ng pinagtratrabahuan ko. Binabalak ko kasing mag-advance dahil lahat ng  sideline ko ay iniwan ko para mas tutok ako sa trabaho ko dito at kay Mama.

Lahat ng ipon ko ay papaubos na dahil sa gastusin araw-araw at sa linggo pa ako sasahod.

"Pag-uusapan natin 'yan pagbalik, Xedusa. I'll wait for you outside." walang pasabi itong tumalikod at lumabas ng kuwarto.

Tumayo ako at gustong habulin ito pero parang tinatamad akong tumayo. Ang bilis kong mainis ngayon, hindi naawat ang luha na lumabas kahit na may makakakita at higit sa lahat tinatamad ako. Ayokong isipin na baka... baka mayroon ako ngayon.

Hindi pwede! Wala akong extrang damit. Napahilamos ako at mabilis na lumakad papuntang banyo. Pagpasok ko ay mabilis kong nahanap ang kabuohang repleksyon. Kinabahang tumalikod ako at nakahingang wala namang tagos kaya inayos ko nalamang ang suot ko.

Ilang minuto palang yata ang nakakalipas ay narinig ko ang boses ni sir Vincent sa labas ng banyo.

"I know you're not going to listen, Xedusa pero aalis pa rin tayo," ani Vincent at kinatok ang banyo na nagpainis sa akin ng sobra.

Mabilis ko hinakbang ang pintuan at marahas na binuksan.

"Vincent naman!" gigil kong sigaw. Halatang nagulat ito gayon din ako ngunit sa ibang paraan.

Umawang ang bibig ko hindi dahil sa lapit nito kun'di dahil naramdaman ko ang biglaang pag-agos ng...

"Are you okay? Alright, hindi na tayo aalis. Just calm down, Xedusa. Hmm?" nag-aalalang tanong ni Vincent at hinawakan ng marahan ang bandang balakang ko. Uminit ang puso ko dahil sa naging reaksyon nito. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito galit nang sigawan ko bagkos ay nag-alala pa talaga sa akin.

"S-sorry... gusto kong mag-advance kaya ayokong lumabas at gawin nalang lahat ng trabaho para makitang maayos akong nagtratrabaho at worth it ang pag-aadvance ko. Tsaka..." nagpahuli ako sa titig nito.

"Mukhang kailangan kong umuwi ng maaga dahil kung hindi ay..." umiwas ako at tiningnan nalamang ang sahig. Nahihiya akong magsabi. Alam ko namang normal lang iyon pero nakakahiya pa rin.

"What is it? Sabahin mo sa'kin ng maagapan ko, Xedusa. Huwag mo akong pakabahin ng ganito."

"Kasi... basta sir, huwag niyo nalang po akong isama. Maglilinis na po ako para matapos na." mabilis akong dumaan sa kaunting space sa gilid nito dahil halos sakupin na nito ang kabuohan ng pintuan.

Nang makitang wala ang cart sa kwarto ay tiyak nasa sa sala iyon kaya lumakad ako papuntang pintuan. Bago ko pa iyon mapihit ay isang malaki at mainit na kamay ang humawak sa baywang ko at mabilis akong pinaharap sa kanya.

"I've talked to Madizon earlier. Makukuha mo na mamaya." may bahid ng inis ang boses nito bago ko naramdaman ang init ng labi nito na sumakop sa mga labi ko.

Gulat man ay napapikit ako sa klase ng halik nito. Nakakaramdam ako ng kiliti na hindi ko inaasahang dahil iyon sa halik. Bawat hagod nito ay nanghihina ang tuhod ko kaya wala kong nagawa kun'di pinulupot ang braso sa batok nito.

Ang mainit nitong kamay na nasa baywang ko ay unti-unting bumaba at marahang pinisil ang pang-upo ko.

"Vincent..." kinagat ko ang pang-ibabang labi ng nag-iba ang tono ng boses ko.

"I've told you, Xedusa... but you never listen."

Umawang ang labi ko ng lumandas ang labi nito sa gilid ng labi ko pababa sa leeg at pinasadahan iyon ng isang mainit na pagdila.

Napasinghap ako ng umangat ako sa iri habang hawak ni Vincent ang pang-upo ko. Ang mainit nitong dila ay pilit nilaro-laro ang dila ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tulad ng naunang halikan kanina ay panay lamang ako tanggap sa bawat hagupit ng mga halik ni Vincent.

Isang kamay ang naramdaman kong nasa likuran ko habang ang isang kamay ang nasa pang-upo ko pa rin nakahawak. Para itong hindi man lang nabibigatan sa akin. Unti-unti kong naramdaman ang malamig na kama ni Vincent. Kinalas ko ang kamay kong nakapulupot sa batok nito upang ibaba ang umangat na palda.

Hindi ko pa nga nahahawakan ng maayos ang palda ay sumakop na naman ang kamay nito sa kamay ko at inilagay niya iyon sa sariling batok. Pero dahil sa intensidad ng halik nito ay nanghihina ang mga kamay ko kaya napapabitiw ako ng kusa sa batok nito.

"Very stubborn," saad nito ng bumaba ang halik sa gitna ng dibdib ko.

Ang kamay kong napabitaw ay hinawakan nito iyon at dinala sa uluhan ko at hindi na binitawang muli.

"Vincent..ahh..."

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu