Chapter 25

267 10 1
                                    

Dahan-dahan akong tumayo sa kama at tinungo ang tukador kung saan nakasabit ang itim kong cardigan jacket upang takpan ang manipis kong bistidang pantulog. Tiningnan ko ang maliit na orasan na nakapatong sa maliit kong lamesa na nasa gilid lamang ng kama ko.

Alas otso na ng gabi. Malapit ng mag-alas nuwebe kaya sino pa ba taong kakatok ng ganitong kalalim ng gabi? Hindi naman siguro NPA? Napalunok ako sa naisip. Huwang naman sana at tiyak na wala akong laban kung sakali. Pero hindi naman na laganap ang ganiyang balita ngayon saka hindi rin naman sila masasama ayon sa mga sabi-sabi sa tiyangge. Halos hindi ko mahakbang ang mga paa at mabuka ang bibig dahil sa kaba. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago kinuha ang lampara na katabi lang din ng orasan.

Inumang ko ito sa unahan at nagsimulang humakbang papuntang sala. Hindi masiyadong malawak pero dahil isang mahabang upuan lamang ang naroon ay nagmumukhang maaliwalas. Akmang hahawakan ko na sana ang naglolock sa pinto ng taong nagsalita.

"Ne? Gising ka pa ba?" napahawak ako sa dibdib dahil si Aling Rosa lang pala.

Bakas sa tono nito ang pagmamadali at malalalim na hininga na galing sa pagtakbo. Mabilis kong inonlocked at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Aling Rosa. Mayroon itong bibit na iilang tuperware at sariling lampara.

"Bakit po?"

"Pasensiya kana at nambulabog pa ako sa ganitong oras. Marami kasing bisita kanina ni Dolse kaya ngayon lang ako nabakante," sabay bigay nito sa mga bibit na tiyak kong mga pagkain.

Si Dolse ay ang nagiisang apo nito. Mababait ang mag-lola. Ang alam ko lang ay silang dalawa nalamang ang namumuhay sa isang malaking bahay malapit sa ilog. Minsan na rin kasi kaming nagkukuwentuhan ni Dolse noong nagkasabay kaming bumisita sa ilog. Sa pagkaka-alam ko ay ika labing-walong taong kaarawan na ni Dolse ngayon.

"Maraming salamat po. Pasensiya na at hindi ako nakadalo. Nag-abala pa po kayo." nahihiyang saad ko. Nakakahiya at nagmumukhang paimportante pa ako.

"Ayos lang, 'Ne. Si Dolse sana ang nagboluntaryo kaso hindi ko na pinalabas dahil gabi na. Nandito rin ako para sabihin na 'wag ka nang magbubukas ng pinto pagka-alis ko dahil maraming lalaking lasing ngayon na galing sa bahay. Hindi ko nga alam pero hindi naman sila kasali sa mga inimbita ni Dolse pero ano pa bang magagawa, ganito na talaga dito sa atin."

Nagpaalam rin si Aling Rosa at tinahak ang madilim na daan. Hinatid ko ito ng tingin hanggang sa hindi ko na ito makita bago ako pumasok sa loob. Nilapag ko ang mga pagkaing dala ni Aling Rosa at inisa-isang buksan. Una kong binuksan ang tuperware ng icecream at bungad sa akin ang dalawang malaking sliced ng chocolate cake. Kumalam ang sikmura ko dahil sa mabagong aromang taglay ng panghimagas. Binuksan ko ang ikalawang tuperware at laman nito ay pancit. Nang buksan ko ang ikatlo ay halos bumaliktad ang sikmura ko sa amoy nito. Para itong masangsang na amoy na bulok na pagkain.  Madali ko lamang napunta ang lababo at doon nagsuka. Halos isuka ko lahat ng kinain ko kanina bago ako nahimasmasan. Nagmumog ako at bumuntong hininga. Inipit ko ang ilong ko at mabilis na naglakad papunta sa lamesa at tinapkan ang letchong baboy.

Naghintay ako ng sampong segundo bago pinakawalan ang ilong ko. Nang tinitigan ko ang letcho ay biglang sumikip ang dibdib ko sa iba't-ibang naiisip. Hindi kalaunan ay kusang tumulo ng masagana ang luha ko sa naisip kung paano nagdurusa at nasaktan ang baboy bago ito namatay!

Lumuluhang kinuha ko ang cake at sumubo ng tatlong sunod-sunod. Nang nahimasmasan ay uminom ako ng maraming tubig at nagtoothbursh uli. Niligpit ko ang mga pagkain bago pumasok uli sa kwarto at humilata. Nakatulugan ko ang pagsikip ng dibdib dahil sa baboy. 

Nagising ako sa lamig. Nagtalukbong ako ng kumot at tumihaya. Nakatutok ang mga mata ko sa bubong ngunit iba naman ang nasa isip. Si Vincent. Kumusta na kaya iyon. Bugnutin pa rin ba? Kailangan ko pa kaya madadalaw si mama? Baka marumi na ang puntod nito at ang bahay. Sana hindi iyon niluoban at walang gamit na kinuha. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang wall clock. Mag-a alas-singko palang ng umaga. Tumuyo ako at nagmumog at hilamos. Nagsaing na rin at pagkatapos ay ininit ang mga pagkain. Hindi ko kayang buksan ang lagayan ng letchon dahil hindi ko kaya ang amoy. Siguro ay  dadalhin ko nalamang ito mamaya sa trabaho at ibigay kay nanay Lumen at sa mama ni Henry.

Pagkatapos kumain at magligpit ng pinagkainan ay saka ako naligo. Suot ko ang dilaw na bistidang hanggang tuhod. Nang tingnan ko ang orasan ay six-thirty pa lamang. Kaya lumabas ako ng bahay at diniligan ang mga tanim na gulay at halamang bulaklak. Winalis ko rin ang ilang lantang mga dahon bago ito sinunog. Iyon ang gawain ng mga tao rito na ikinatuwa ko. Iyong usok na galing sa mga dahon na hindi masakit sa ilong.

Pinagmasdan ko ito nang may narinig akong mga kaluskos papalapit. Luminga-linga ako sa paligid at sumulpot sa mga damo ang dalawang lalaking halatang nakainom at nakatulog sa damuhan dahil sa kalasingan.

"Uhoy! Ikaw ba iyong bagong salta nganhi? Kay gandang dalaga naman pala," nagsimulang humarintado ang puso ko sa kaba.

"Ka swerteha gud natu ani! Way makadungong."

Ang swerte talaga natin! Walang makakarinig.

Sabi ng isa pang lalaki. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila kaya imbis na tulungan ay binati ko ito at mabilis na pumasok ng bahay.

"Sandali, miss! Usap muna tayo," Saad nito at bumulanghit ng tawa na sinabayan naman ng kasama nito. Nang masirado at ma-lock ko na ang lahat ng pintuan at bintana ay napahawak ako sa dibdib.

Malapit ng mag-alas otso at nasa labas pa rin ang mga ito. Siguro ay hindi muna ako papasok. Magrarason na lamang ako bukas kay nanay Lumen. Nang silipin ko ang dalawa sa labas ay nakaupo ang mga ito sa balkonahi at nag-uusap.

"Abi naku'g  naa siya'y kauban diri maog wala naku usiki ako oras."

Akala ko talaga may kasama ito rito kaya hindi ko pinag-aksayahan ng oras.

"Ingon pud ngadto sa talipapa nga pokpok daw kaya naburod maong ni anhi."

Sabi sa naman doon sa merkado ay kaladkarin at nabuntis daw kaya nandito.

Nabuntis. Iyon lang ang sumiksik sa utak ko. Ano bang paki-alam ng mga tao sa akin? May kanya-kanya kaming mga buhay pero kung maki-alam sila ay parang sila ang nagpapakain sa akin. Naiiyak ako kahit na hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Masiyadong maliit ang tingin nila sa mga kagaya ko. Sumakit bigla ang puson ko. Kinabahan ako at tumigil sa pag-iyak. Banayad kong hinaplos ang tiyan ko bago pumasok sa kuwarto. Ni-lock ko ito  bago nahiga. Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Mabilis akong bumangon at sinilip ang labas. Wala na ang mga lalaki na ikinahinga ko ng maayos.

Salamat naman. Kumain ako at nag-ayos ng sarili. Ni-lock ko ang bahay at mabilis na binaybay ang kakahuyan bago ako maayos na nakarating sa highway. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa Talipapa. Bumungad sa akin si nanay Lumen na nag-aalala.

"Sorry po at ngayon lang ako nakarating. May nangyari po kasi kanina."

"Ayos lang 'neng pero sana huwag nang maulit ha? Kung hindi pa ako dumalaw dito hindi ko malalaman na wala palang tao dito. Sayang ang kita kanina," masinsing saad nito. Yumuko ako at tumango.

Humingi ulit ako ng pasensiya bago umalis si nanay Lumen at naiwan ako rito. Hindi bali sa susunod ay bibili ako ng second-hand na cellphone. Para sa susunod ay makapag-paalam ako ng maayos. Biyernes na ngayon at mamayang hapon ay babalik si nanay Lumen para ibigay ang suweldo ko at bago uuwi ay kukunin ko ang mga damit na lalagyan ng botones. Mabuti nalang at hindi ko nakalimutanh dalhin ang mga damit kanina dahil sa kaba.

Matulin na dumaan isang buwan at may sapat na ipon na rin akong mampacheck-up. Medyo huli na pero ayos lang. Suot ang maroon na bistida at doll shoes ay pumara ako ng tricycle papuntang Health Center. Libre naman ang check-ups pero ang mga vitamins ang hindi. Nang makarating ay maraming tao ang nakapila kaya nag-palista na muna ako at babalik mamaya. Pumara ulit ako ng tricycle at nagpahatid papuntang simbahan. Ngayon kasi ang kasal ni Dolse. Inimbita ako ng lola ni Dolse noong isang araw na ikinagulat ko. Masiyadong bata pa si Dolse pero hindi ko alam ang storya nila kaya hindi ako nagkomento. Pumasok ako ng simbahan at umupo sa huling upuan.

"Nandito ka lang pala."

@Maveveyl

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now