Chapter 23

378 18 3
                                    

"What? Oh, fuck!" narinig ko ang malutong na mura ni Mrs. Laurier.

Kumunot ang noo ni Vincent nang marinig ang mura ng ina. It seemed foreign to him to hear his mother utter a curse. Napa-atras ako ng hindi sinasadya nang humakbang ito papalapit sa akin. I shook my head at nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Hindi ko kayang mahawan man lang ni Vincent kahit dulo ng buhok ko dahil alam kong bibigay ako imbis na iwanan ang lahat at magpatuloy sa bagong buhay.

"Vincent! What did you do to her?!"

Ang mariing titig ni Vincent sa akin ay nabaling bigla sa ina nito. Salubong pa rin ang kilay.

"I made her love me, Ma. That's what I did to her," mahinahong usal nito na kabaliktaran naman sa pinapakitang expresyon nito. Parang gusto ako nitong hawakan at itago sa ina ngunit parang may pumipigil dito kapag napapatingin ito sa mga mata ko.

"No...no..."

Binalingan ko si Mrs. Laurier at hinakbang ang pagitan namin. Narinig ko pa ang mahina nitong mura. Hinawakan ko ang nanlalamig na mga kamay ni Mrs. Laurier. She equal the tightness on how I squezzed her hands. Telling her that it was all okay. It  happened already and let's just all move on.

"Ayos lang po...ang mali ko lang po ay nahulog ako sa anak niyo pero hindi ibig sabihin nito na maling mahalin si Vincent. We started at the wrong time, place, and situation," yumuko ako at lumunok. Hindi ko nga alam kung pagbibigyan ako ng atensiyon ni Vincent kung naging maayos man ang sitwasyon. "Naging bulag-bulagan po ako sa sakit ni Mama. Pilit ko pong sinarado ang isip na hindi natin hawak ang buhay ng tao. Na hindi natin makakasama ang taong inaakala nating habang-buhay nating makakasama. Nakalimutan ko pong hiram lamang po ang buhay natin...at ano mang oras ay kinakailangan pong ibalik." I surpressed my sob.

Laking pasasalamat kong hindi lumapit sa amin si Vincent at binigyan kami ng oras ng ina nito ng sarilinan. Mrs. Laurier let go of my hands and placed it on both of my cheeks. Marahan nitong pinunasan ang mga luhang saganang lumalandas sa pisngi ko gamit ang hinlalaki nito. She was crying too.

"I'm so sorry but I'm glad you tamed the coldest son of mine. The man whom you fell in love with is not the man in our deal, Xedusa." mahinang usal nito sa akin.

"P-po?" litong saad ko. Bakas ang pagkalito sa mukha ko at napabaling kay Vincent ang paningin na may kausap na ngayon sa telepono. Para itong nag-uutos sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.

"He's my Zon Vincent twin of Von Vincent. I forgot to mention him to you since he was in abroad and-" naputol ang pagsasalita nito sa isang boses.

"Ma? Mama?" nilingon ko ito at nakitang siya iyong kasintahan ni Vincent. Tinitigan ko ito na bakas ang kalituha  sa mukha. Hindi ko maiwasang mabahala at napahawak sa sariling bibig. I moved forward enough to gather my courage and face him.

"I'm so sorry, Sir. I... We have an affair..." tumikhim ako dahil tila may nakabara sa lalamunan ko. "Vincent and I were having an affair behind your back. Patawarin niyo po si Vincent kahit huwag nalang po ako."

Ilang minuto ang lumipas ngunit wala sa aming apat ang nagsalita pa. I wiped my tears and looked each one of them. Huli kung binalingan si Vincent. His expression was kinda off. Para itong nandidiri na hindi ko maintindihan. Mas lalong sumiklab ang iritasyon sa mukha nito na ibang-iba nina Mrs. Laurier at ang kasintahan nito.

"Affair? Iyon ba ang tingin mo sa relasyon natin, Xedusa?" mariin nitong tanong sa akin.

"Ano pa ba sa tingin mo? We started in-"

"What the fuck?"

"Shut up, Von!" boses iyon ni Mrs. Laurier.

"Where did you get that damn idea about me and my brother?"

"I saw- ha?" parang nakalunok ako ng isang pako at tila nagbara iyon sa lalamunan ko.

"Oh my goodness! It was my damn fault. I didn't give you a picture, Xedusa. I thought you were still in abroad Vincent...and you! Saan ka naglalagi at wala ka sa sarili mong condo?"

Hindi ko alam kong ano ang dapat kung maramdaman. Biglang nangining ang tuhod ko parang unti-unting nawawalan ng lakas. All along I thought Vincent was Von Vincent. Nalito ako at hindi ko man lang binigyan ng pansin iyong pangalan ng lalaking Von ay kapatid pala ni Vincent. I was blinded by my thoughts about them being a... being together. Naligaw ang isip ko sa lahat dahil sa konsensiya at sa kwinikwestiyong moralidad.

Nasalo ako ni Vincent nang bumigay na ng tuluyan ang mga tuhod ko. Nagsimulang sumikip ang dibdib ko at ang lamig ng paligid ay tila sinilaban ng apoy. Unti-unting kumalat ang pamamanhid ng nga kamay ko hanggang sa buong katawan na kahit segundo pa lang ang lumipas.

"Calm down. You're gonna be okay. Just breathe, Xedusa. Breathe baby, please," mahinang bulong ni Vincent sa akin. His warm lips is touching my ears. Iyon lamang at unti-unting bumalik sa normal ang katawan ko. The warmness of him is enough to make me feel good.

Naging klaro na rin ang boses na nasa paligid. Mrs. Lauriel is talking at para itong nagbibigay ng instructions. Naramdaman kong umangat ako sa iri.

"She should avoid getting more stress son. Hindi pupwedeng magtuloy-tuloy. She's fragile at konteng sagi lang ay mababasag." ani nito.

"That's what I'm working, Ma. I'll do my best more." mahinang saad nito.

Naramdaman ko ang malambot sa likod kong tiyak na kama. Kinumutan ako ni Vincent at hinalikan sa noo. Namimigat ang talukap ng mga mata ko. Nakapikit man ang mga mata pero malinaw at aktibo pa rin naman ang pakiramdam at pandinig ko.

"Did you talk to her and made her believes about her ideology about us?" ramdam ko ang gigil sa tono ni Vincent.

"I'm sorry, Vincent. Hindi ko alam. I gave her meaningful smiles at hindi ko alam na ganoon na pala ang iniisip niya." bakas sa tono nito ang pagpapakumbaba.

"It was my entire fault. We had a deal... I made the deal. I talked to her and used her situation to make her agree."

"Mama, ano pong deal? What's going on?" bakas sa tono nito ang pagtitimpi at iritasyon.

"I asked her to seduce Von whatever it takes just to make you Von a real man." humihikbing paliwanag nito. Bakas ang pagsisi.

"Ma naman! Totoo po akong lalaki. Mahinhin at reserve po akong kumilos at hindi brosko tulad ni Vincent pero hindi po ako bakla." bakas man ang iritasyon pero mababa pa rin ang tono nito na may paggalang.

"I'm sorry mga anak." hindi ko na narinig pang muli ang boses ni Vincent pero ramdam kong may umaalo kay Mrs. Lauriel.

Minulat ko ang mga mata ko at madilim ang paligid. Bumangon ako at umupo sa kama. Nang lingunin ko ang malaking wooden clock ay alas kuwatro na ng umaga. Inalis ko ang kumot at napatingin sa banyo. Bukas ang ilaw at natitiyak kong nasa loob ng banyo si Vincent.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang tao sa sala. Naging tuloy-tuloy ang labas ko hanggang sa makasakay ako ng elevator pababa. I breathe heavily and wiped my tears nang makalabas ako ng building. Walang lingon-lingon at pumara ng tricycle pauwi sa bahay. Walang katao-tao sa labas nang makarating sa lugar namin. Marahil tulog pa o nasa trabaho na. Mabilis ang bawat kilos ko sa pag-silid ng importanting gamit na mayroon ako. Iilang mga damit at papeles. Kinuha ko ang nakalukot na dyaryong ginawang sobre. Naglalaman iyon ng sampong libo. Ang sobra sa pag- cash advance ko para sana sa maintenance ni Mama. Maayos kong sinaraduhan ang bahay pagkatapos.

Pumara ako uli ng tricycle at nagpahatid sa terminal. Pumila ako para maka-bili ng ticket papuntang Leyte. Iyon lang kasi ang hindi masiyadong matao. Mabilis akong naka-kuha ng ticket at sumakay na. Pinili ko ang ikalawang upuan sa unahan para hindi hassle kapag bababa kung oras ng huminto para kakain o magbanyo.

Natitiyak kong hindi ako mahahanap kung hahanapin man ako ni Vincent. I feel lonely and alone.

Bumuntong-hininga ako at pumikit. Hindi ko alam ang lugar na pupuntahan ko pero gusto kong mamuhay ng mapayapa. Hindi ako naghahangad na yumaman. Mabuhay na masaya lamang at mapayapa ayos na iyon sa akin.

"'wag ka pong mag-alala, Mama. Dadalaw po ako kapag nakapag-ipon ako. Magiging maayos rin po ako. Mahal na mahal kita." mahinang usal ko at humilig sa babasaging bintana.





Hi, everyone! Click the star and comment your thoughts. It makes me feel inspire though. Enjoy reading!
@maveveyl

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon