Chapter 16

569 16 4
                                    

Napapikit ako at nilayo ang mukha ng bahagya. Hindi sa nandidiri ako pero baka kasi ma discourage ito sa lasa ng pisngi ko dahil kakaiyak ko pa lang kanina.

"Vincent..." mahinang usal ko sa pangalan nito na animo'y nanay na kinukuha ang atensiyon ng anak para hindi na maglumikot.

"Tasty. I like it," nanunudyong saad nito kaya sinimangutan ko ito. He chuckled and grabbed the tissue on the table and gently wiping my cheeks.

"I hate these tears, Xedusa. The only acceptable on your face is only a smile and an eye that glistening with happiness."

Masuyo akong napangiti ako at tumango ng marahan. Kung pwede lang sanang sabihin ang problema ko kay Vincent siguro ay hindi ko mararamdaman ang bigat at sakit sa dibdib ko. May taong paglalaanan ko kung gaano ako kahina at magiging sandalan ko para hindi ako madapa sa pasakit na pasan-pasan ko.

Ang taong pinili pa ng puso ko ay ang taong walang muwang na ginagamit ko para sa pansarili kong kapakanan.

Pero... ang mama ko kasi ang nakasasalay at hindi parti nang usapan ang... ang mahulog sa taong hindi pupwede. Paulit-ulit kong naiisip at paulit-ulit rin akong nasasaktan at nakokonsensiya.

"Kumain na nga lang tayo," saad ko at sumubo na.

"Alright, may gusto ka pa ba aside sa mga ito?" tanong nito. Napa-angat ako nang tingin at binigyan siya ng expresyong hindi makapaniwala.

Nakatingin lamang ito sa akin habang nakapatong ang panga sa palad nito at gamit ang palad na pinatungan ng panga nito ay hinahaplos-haplos ng bahagya ang pang-ibabang labi gamit ang hintuturong daliri.

"Tama na 'to, Vincent. Ang dami na nga saka kumain kana," sabay sandok ng kanin sa kanyang platong hindi pa nagagalaw.

"Right, but I'm craving of something I can't still have right now though."

Nilingon ko ito ng puno pa ang bibig ng pagkain. Kumunot ang noo ko nang ngumiti ito at bahagyang sundutin ang pisngi kong punong-puno.

Ngumuya ako ng mabilis at nilunok bago uminom ng tubig.

"Ano naman 'yon?" kunot-noong tanong ko.

"Wala. Kumain ka ng marami para may energy kang halikan ako mamaya." saad nito gamit ang pabirong tono.

Napahinto ako at napa-isip. Sa susunod na araw na ang operasyon ni mama at spotting nalang ang meron ako kanina. Hindi nagtatagal ang buwanang dalaw ko kapag nagspo-spotting nalang ako, hindi tulad sa karaniwang nararanasan ng bawat kabaro ko na babalik uli bago tuluyang mawala.

Sa buong oras ng pagkain ay iyon lamang ang naiisip ko. Bawat subo ko ay nalilito at kinakabahan ako sa mga naiisip. Hindi rin ako na disturbo ni Vincent dahil may ginawa ito sa sariling laptop pagkatapos kumain. Sinabihan pa akong tawagan ko daw siya pagkatapos kong kumain dahil siya daw ang magliligpit para makapagpahinga ako. Hindi ko na alam kung may trabaho pa ba ako dahil sa trato ni Vincent sa akin.

Ganito rin kaya ito sa nauna sa akin? Pero sa taglay nitong katangian hindi ko alam kung posible ba itong ganito. He seems cold, distant and serious. Mabuti nalang ay nagka-nobyo ito.

Nobyo...

Para akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog ng mapapadpad ang salitang 'iyon' sa isip ko.

"Hey, are you all right?" ani ng isang boses at naramdaman ko ang isang mainit at matigas na braso sa baywang ko.

Imbis na magulat ay parang sanay na ang katawan at puso ko sa mga galawan nitong hindi ko inaasahan.

"Oo, ayos lang ako. Ikaw, tapos kana ba sa trabaho mo?" tanong ko na hindi ito nililingon dahil sa tinatapos kong hugasin.

"Tinapos ko agad," tugon nito at pinasandal ako sa matigas nitong dibdib na nasa likod ko.

"Vincent..."

"Let me do the dishes later, Xedusa."

"Ayos lang, malapit naman nang matapos," saad ko at mas binilisan pa ang ginagawa dahil ramdam ko ang inip sa boses nito.

Nang matapos ay nagpunas ako ng mga kamay. Laking gulat ko nang pinaharap ako nito sa kanya at binuhat. Wala akong nagawa kun'di ang ipulupot ang mga braso sa likuran ng leeg nito habang nakapulupot rin ang mga hita ko baywang nito. Hindi ko nalang pinansin ang palda ko dahil ramdam kung hindi naman ito makikinig sa akin kapag nagpababa ako.

"Are you tired?"

Umiling ako at pinatong ang isang pisngi sa balikat nito. He then gently combed my hair using his long fingers. Naglakad ito papasok sa kuwarto papunta sa veranda at naupo sa malambot na upuan. Nasa mga hita ako nito naka-upo habang ang dalawang hita ako ay magkahiwalay at namamahinga sa bawat gilid ng hita ni Vincent. Hindi ako nag-dalawang-isip na ibigay lahat ng bigat ko sa kanya. Ang init ng katawan nito ang nagsilbing panangga ko sa mabagsik na hangin na sumasalubong sa katawan namin.

"Vincent?" inangat ko ang mukha ko at tinitigan ang buong mukha nitong kay perpekto.

"Hmm?" it was like a husky hummed. He crounched his head a little at pinagsugpong ang mga noo namin.

"Bakit... bakit ganito ang trato mo sa 'kin? Matagal ko na 'tong gustong itanong sa 'yo kaso... nahihiya ako."

"This is not the place I was picturing to confess my feelings to you but... I do have feelings for you, Xedusa. Hindi ko alam kung bakit," he said while looking straight into my eyes.

Parang sasabog ang puso ko sa kaba at pagkamangha. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sinuklian ko ang malalalim nitong mga titig habang ramdam kong nanunubig ang mga mata ko sa galak at pagkamangha.

"T-Talaga? Kailan pa kung ganoon?" tanong ko. He cupped my small face as he lean forward to kiss my both eyes.

Tumikhim ito at kinagat ang pang-ibabang labi na lalong pumula. Para itong nagdadalawang-isip at nahihiya.

"Uh... You wouldn't probably remember this because you were so young back then pero noong nakita kitang nagtitinda ng bananaque sa Parke, malapit sa seaside. I was there though and I bought some pieces." saad nito at napaisip at kalaunan ay natawa ito.

Napapatda ako at pilit inaalala ang sinabi ni Vincent pero wala akong maalala. Sa dami kung napuntahan sa paglalako pagka-uwi galing paaralan ay hindi ko na matatandaan ang naging suki ko noon.

"Hey, look at me. I love you."

Nablangko ang isip ko saglit at napatitig na lamang sa mukha ni Vincent nang may lehitimong ngiti. Hindi ako nagdalawang isip na ilapat ang labi ko sa labi nitong namumula. Right after our lips touched he instantly dominant the kiss and I lost my sanity. Hindi ako makapag-isip ng maayos at puro tugon nalamang sa halik nitong ayaw magpasunod.

Ang mga kamay nitong nasa pisngi ko ay napunta sa batok at pumulupot sa baywang kong dikit na dikit na sa katawan ni Vincent. Ang dibdib ko ay pigang-piga sa matigas at malalapad na dibdib ni Vincent. I couldn't refuse because my body and mind for the first time was seems allies for a dangerous yet astonishing decision.

Naramdaman ko ang panaka-nakang pagpisil ni Vincent sa baywang ko. Ang bibig ko ay parang namamaga sa tindi ng halik nito. I could taste the mint of his mouth that made me want to taste him more. Nababaliw na yata ako dahil ramdam ko'y nag-iba ang estilo nang paghalik ni Vincent sa akin... O dahil alam ko ang nararamdaman na ni Vincent sa akin kaya mas ramdam ko ang sarap ng ginagawa nito sa akin.

I couldn't contain my moan at dahil doon naging mas mapanghanap pa ang mga kamay nito. Hindi napipirme at parang gustong haplusin ang lahat ng kaya nitong haplusin.

"Binabaliw mo ako nang sobra, Xedusa." he said between his heavy breaths. His kisses stops on the valley of my breast and then he looked up at me with his serious stares.

"Do you feel the same way too, my love?" he asked without blinking and giving me a cold yet tender stares na nagpataas ng balahibo ko sa batok.

Napalunok ako at hindi makasagot. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin o huwag nalang umimik. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko si Vincent sa paraang alam ko. I wouldn't let him do the things I never knew I could with a man if my heart doesn't beat for him.

"Pakiusap, sabihin mo sa akin ang totoo." agaran nitong dugtong. Alam kong hindi manhid at lalo nang hindi bobo si Vincent sa naging reaksiyon ko. He knows I was hesitating and probably won't tell him the truth. "If you don't then I will stop. Hihinto tayo at paiibigin muna kita, Xedusa bago kita hahawakan sa senswal na paraan."


Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now