Chapter 15

761 19 5
                                    

"Mama, good morning!" masiglang bati ko kay mama kahit natutulog pa ito.

Oras na nang paghahanda ko dahil mag-aalas singko na. Inayos ko ang hinihigaan kong couch at inayos ang kumot ni mama bago hinalikan ng noo nito.

Tinungo ko ang itim na bag na pinaglalagyan ko ng maruruming damit bago pumasok sa banyo. Laba at ligo ang ginawa ko bago lumabas. Ikatlong araw na ng menstruation ko at spotting nalang ang meron ako. Alam kong bukas rin ay hihinto na ito na ipinagpapasalamat ko dahil napaka-uncomfortable at nakakatamad kumilos kapag mayroon ka. Mabuti nalang at may kalakihan ang banyo at laking pasasalamat ko na rin at hindi tulad ng ibang private ospital na mayroong rooms na may kasama ka na ibang-iba sa ospital dito. Kada pasyente ay mayroong kanya-kanyang rooms. May drier at washing machine sa loob ng banyo. May mini refrigerator din  na malapit sa veranda. Sa madaling salita, namumukhang hotel ito. Lahat ng pagkain ay gastos ng ospital as long makakabayad ka sa oras ng discharged mo.

Nang makapag-ayos ay sakto namang dating ng pagkain ni mama.

"Marami pong salamat," pasasalamat ko sa bagong naghatid. Medyo na gulat pa ako dahil lalaki ito at mukhang bago at napadpad sa floor dito.

"Walang anuman," mahinang saad nito at yumuko ng bahagya.

Kumibot ang labi ko dahil sa reaksyon nito. Hindi ko alam kung nahihiya iyon o baka takot mahawaan ng sakit. Isinara ko nalamang ang pintuan at inihanda ang pagkain sa gilid ni mama kung saan ko nilagay ang mesa.

"Mama, papasok na po ako," mahinang saad ko. Hinalikan ko ang kamay ni mama bago ko hinaplos ang buhok nito. Nangilid ang luha ko dahil sa nakikita. Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko bago inayos ang sarili.

Nagpasya akong umalis na kahit tulog pa si mama. Mag-aalas siyete na kasi at baka malate pa ako sa time in.

Nakarating ako ng 6:45 ng umaga kaya kalmado lamang akong naglakad papasok ng entrance ng hotel.

"Woi! Sino 'yong nagsundo sayo kahapon?" nilingon ko si Verron na nasa gilid ko na. Hinihingal ito at magulo ang buhok.

"Anong nangyari sa 'yo?" takang tanong ko.

"Bakit? Nakuhaan ba ng ilang pursyento ang kagwapuhan ko?" balik na tanong nito na ikinatawa ko.

Umiling ako at tinuro ang kabuohan niya.

"Mukha kang galing sa marathon." natawa ito sa sinabi ko at pabirong hinampas ang balikat ko.

"Oo, nakipagkarera ako sa oras. Nasira kasi 'yong pinakamamahal kong motor kagabi," saad nito na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit? Naaksidente ka ba?" nababahalang tanong ko kahit na wala naman akong nakitang galos pero baka may ugat o buto itong nabali.

Umiling naman ito at hinaplos ang buhok na magulo pati na rin ang pulo nitong tabingi dahil papasok na kami sa entrance.

"Hindi naman. Pumutok 'yong likurang gulong pero nabalanse ko naman agad kaso ayon pinahinga ko na sa garahe muna."

"Mabuti naman. Sige at mauna na ako sayo," saad ko at mabilis na naglakad papalayo pagkatapos ko magtime in. Ayokong magsinungaling kaya mabuti nang umiwas.

"Sandali!" mabilis itong nagtime in at patakbong pumasok sa cleaning room para kumuha rin ng trolly ngunit nauna na ako no'n at nakapasok na ng elevator. Nakahinga naman ako ng maluwag nang sumara na ito ngunit halos manlamig ako nang napagtantong walang buttons ang elevator na napasukan ko.

Kinakabahan ako at baka magalit sa akin si Vincent. Baka pag-isipan niyang masiyado kong inaabuso ang kabaitan nito at sinusuway ko ang tuntunin sa hotel niya.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now