Chapter 3

940 25 1
                                    

"Good morning po," tipid na ngiting bati ko nang pumasok ako sa suit ni Mr. Laurier at bumungad sa'kin ang masungit nitong expresyon.

"You're late."

"S-sorry po Sir," tanging saad ko at nagiwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin.

Nagsalubong ang dalawang kilay nito at naglakad papuntang kusina.

Kinuha ko nalang ang vacuum at nilibot ang sala. Lahat ng nadadaan ko ay malinis naman pero ayokong may makaligtaan ako at iyon pa ang ikakatanggal ko sa trabaho.

Ilang minuto na rin akong naglilinis at panay ang tingin ko sa kwartong inookyupahan ng boss ko pero wala namang lumalabas. Pilit ko ring winawaksi ang pagiging walang galang ko kahapon.

Panay ang kaba ko kahapon ng hindi na ako nito pinatawag hanggang sa oras na ng out.

Alam ko namang nagiging liberated na ang mga tao sa pilipinas ngunit una kong nasaksihan ang gano'ng tagpo kahapon. Kahit na wala naman silang ginagawa na kita talaga ng dalawang mata ko ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba.

"Kumain kana?" isang tinig ang nagpabalik sa'kin sa realidad.

Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang tinig at nakitang nakatayo doon si Mr. Laurier.

"O-Opo sir," tipid kong sagot at nagiwas ng tingin.

"Look at me,"dinig kong saad nito at dahan-dahang naglakad papunta sa 'kin.

"P-po?" kinakabahang tanong ko. Para itong galit dahil sa dilim ng mga mata nito.

"Why can't you look into my eyes?" Yumuko ito ng kaunti ng nasa tapat ko na ito. Napalunok ako dahil sa lapit ng mukha nito sa 'kin. Ang lalim ng mga mata nitong kulay itim habang ang isa naman ay nahaluan ng kulay abo. Kung titingnan sa malayo ay hindi halata pero pagsamalapitan ay kitang-kita.

"K-kasi...uh..." napatingin ako sa leeg nito pababa sa dibdib, nagbabakasakaling makakuha ng tamang isasagot.

"Go on, I'll give you time to think." parang nanunuyang saad nito. Ang sarkastikong pananalita nito ang mas nagpakaba sa 'kin.

"Kasi...gutom pa po ako. Hihi," gusto kong sampalin ang sarili ng iyon lamang ang nakaya kong e-rason.

Ngunit namangha ako nang makitang umaliwalas ang mukha nito at naging kontento sa sagot ko kahit alam nitong gumagawa lamang ako ng rason.

"Good. I cooked for two."

Sumunod ako dito papunta sa kusina at natakam sa hinanda nito sa lamesa. Hindi ko alam ang mga pangalan sa mga iyon pero may nakita akong omelette. Takam na takam ako ng makitang may bulalo doon. Iyon lang ang alam ko sa iilang handa nito.

Hindi ako makapaniwalang marunong itong magluto at madami pa itong hinanda. Hindi ko maiwasang magtaka, siguro ay hindi talaga ito para sa 'kin. Tatanggi ba ko? Pwede pa naman siguro? Pero, kailangan ko ang pagkakataon na 'to. Isang araw na naman ang masasayang kapag wala akong ginawang-

"Eat." isang boritonong boses ang nagpabalik sa 'kin.

"Hindi na pala Sir. Mukhang hindi-"

"This is my specialty, taste it," tinapat nito ang kutsara sa bibig ko. May laman itong hindi ko alam ang tawag ngunit masarap namang tingnan.

Wala akong nagawa kundi tanggapin iyon at nginuya. Takang-taka ako dahil tutok na tutok ito sa bibig ko.

"How was it?" tanong nito.

"M-Masarap po. Sobra."

Tumango-tango ito at kumain na. Kada subo ko ay bumabagsak ang titig nito sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit. Panay punas naman ako ng labi at baka mandiri ito. Ang baboy ko pa namang kumain.

"S-Sir? May cheese po ba 'to?" tanong ko habang kinakain ang omelette. Hindi ako pwede sa cheese.

"Yes, do you like it?" Ani nito na nagpatayo sa 'kin.

"Excuse me po." Saad ko at umalis sa hapag.

Kinalkal ko ang bag ko na nasa chart at nanlumo ng makitang wala doon ang gamot ko para sa anti-allergy. Nagsisimula na ring mangati ang katawan ko.

"Hey, hey, what's happening? Ba't namumula ka?" Naguguluhang tanong nito. Gulong-gulo na naman ang buhok nito at nakakunot ang noo.

"Allergic po kasi ako sa cheese. Baka may neozep po kayo? P-Pwede po bang humingi?" Nahihiyang saad ko.

"Fuck! W-Wait, just sit down. I'll go get Cetirizine," ani nito at mabilis na tumakbo pabalik sa kusina.

Rinig ko ang kaunting kalabog sa kusina mula sa kinauupuan ko sa sala. Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari do'n?

"S-Sir?" tawag ko dito.

Tatayo na sana ako nang lumabas ito sa bakuna ng kusina habang hawak ang isang basong tubig at maliit na mangkok.

"Here, drink this."

"Sala-"

"Drink it first! Dammit!" dali-dali naman akong tumalima. Tumingin ako kay Mr. Laurier at nakita ko itong kinakagat ang pang-ibabang labi na parang hindi mapakali habang nakatingin sa 'kin.

Nang maubos ko ang isang basong tubig ay kinuha nito ang baso.

"You take meds like a kid," aniya.

Napatingin naman ako sa suot kong uniform na basa na. Sunod-sunod kasi ang lagok ko sa tubig, takot na baka babara ang gamot kahit na maliit o may kalakihan man sa lalamunan ko at maisuka lang.

"Sorry po. Lilinisin ko na lang po ang carpet," nahihiyang saad ko. Buti nalang ay may kakapalan ang uniform ko kaya hindi masyadong bakas ang panloob ko.

"Follow me, Xedusa," biglang saad nito na ikinaangat ng tingin ko pero likod nalang nito ang nakita ko kaya mabilis naman akong sumunod dito.

"S-Sir, sorry na po. Lilinisin ko po talaga ng maayos ang carpe-" ani ko ng makitang pipihitin na nito ang pintuan ng silid nito.

"What are you talking about woman?" takang tanong nito at binuksan ang pintuan ng silid, "Get inside."

Wala akong nagawa kundi ang pumasok.

"Sit on the bed Xedusa and don't move," seryosong saad nito sa 'kin bago tumalikod at pumasok sa isang pintuan. Nang lumabas ito ay may dala itong puting t-shirt at isang itim na jogging pants. Kumunot ang noo ko.

"Here. Change your clothes and rest."

"Hindi na po. Matutuyo rin po 'to at may trabaho pa po ako," ani ko na ikinadilim ng itsura nito.

"Change your clothes or I'll change you myself. Choose, Xedusa."

Mabilis kong kinuha ang damit ko mabilis kinalas ang botones pero agad rin akong napatingin kay Sir Laurier ng magmura ito bago mabilis na lumabas.

Napapikit ako sa kahihiyan dahil sa ginawa pero nagpatuloy nalang. Namimigat ang talukap ng mga mata kaya ng makabihis ay umupo ako sa kama bago inihiga ang likod at hindi na nag-aksayang umayos pa ng higa.

Ilang minuto lang ay may narinig akong kaluskos.

"Damn! Woman."

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now