Chapter 13

789 16 1
                                    

Halos mapugto ang hininga ko dahil sa labi ni Vincent na sumakop sa mga labi ko at parang ayaw pakawalan.

"Hmm," pilit akong kumawala sa mainit nitong halik dahil nauubusan na ako ng hangin pero imbis na ang mga kamay kong nakatukod sa dibdib nito ay itulak siya ay ito pa mismo ang humahawak.

Namimigat ang mga talukap ko at tila parang pagod na pagod ang buong katawan at isip ko. The tingling sensation took me over when he slid his hot tongue inside my mouth. Rumiriin din ang hawak ko sa damit nito sa bandang dibdib dahil sa isang kamay nitong humahagod sa likuran at umaangat papuntang batok ko at ang isa ay pumirmi sa itaas ng puwetan ko.

Napasinghap ako nang pakawalan nito ang labi ko at lumakbay ang mainit nitong labi sa leeg ko. He's giving me fiery and wet kisses.

"Vincent..."

"Hmm?" anito na lalong nagpa-iba sa nararamdaman ko. Ang natural na mababang boses nito ay parang nilalasing ako.

"I-Inaantok na 'ko," pag-amin ko ngunit ang labi at dila nito ay hindi pa rin humahinto sa bandang leeg ko. He keeps on licking and sucking my neck. Hindi ko alam kong bakit nito iyon ginagawa pero may pumupukaw sa damdamin ko dahil lang doon.

Isang malalim na daing lamang ang sagot nito bago nito sinakop ang puwetan ko at inangat. He made me wrapped my legs around his waist. Napamulat ako dahil napunit ang magkabilang tahi ng palda ko dahil masiyado itong nabinat.

"Vincent!" nagpumiglas ako sa hawak nito pero mas humigpit pa ang mga brasong umaalalay sa 'kin at pinirmi.

"Calm down, baby."

"Hindi- wala na 'kong ibang ekstrang palda at- at wala akong oras mag-tahi Vincent!" mariing saad ko pero imbis na mataranta at mahabag ay mas nakitaan ko pa ang pag-taas ng gilid ng labi nito.

Napatitig ako rito ng mariin. Sa paningin ko ngayon ay para itong anghel na sobrang layo sa unang ekspresyon ko sa kaniya na parang anghel na pinababa sa langit dahil ma-attitude.

"What?" lumamyos ang tuno nito at pinantayan ang mga titig ko.

Kung gaano siya ka gwapo sa paningin ko ay mas lumamang pa sa malapitan. Ang ganda talaga ng mga mata nito at ang hahaba at makapal pa ang pilik-mata. Dahil sa inggit at panggigigil ay hindi ko maiwasang dumukwang at halikan ang mga mata nito.

Nang lumayo ako ay nakatitig lamang ito sa akin at bahagyang naghiwalay ang mapupulang labi.

"I like it but you have to rest first," he gently said. Bahagyang tumatama ang mainit nitong hininga sa mukha ko.

Binigyan ko ito ng marahang tango at yumapos dito na parang bata. Binigay ko kay Vincent lahat ng bigat ko at inilapat ang pisngi ko sa balikat nito bago pumikit. He also wrapped his hard arms around my waist. At saka ko naramdaman ang pag-iingat nitong paglalakad sa kung saan. Sa ganitong paraan ay naramdaman kong wala akong mabigat na dinadala sa buhay. Pero sa kabilang bahagi ay natatakot ako. I-- I may have found peace within him, but I know from the start that it will not last.

Nagising akong may nakadagang mabigat sa bandang tiyan ko. Nasabi kong nakatulog talaga ako ng walang iniisip na kung anu-ano. Natuon ang paningin ko sa malaking brasong may mumunting buhok at ugat. Sa lamig ng kwarto nito ay halos hindi ko maramdaman dahil sa init ng hininga ni Vincent sa gilid ng dibdib ko. Gumihit ang ngiti sa labi ko at parang may humaplos sa puso ko sa nakita.

Isang malaking tao ang nakayapos sa akin. Nakatagilid si Vincent paharap sa akin at imbis na iunan ang braso ko para maging kumportable ito ay hindi. Nakapikit ito at sa tingin ko'y hindi komportable ang ayos nito nguni'y walang bakas sa mukha nito.

He sleep like a baby. Kita sa pwesto ko kung gaano ka haba at kalalantik ng pilik-mata nito gayun din katangos ang ilong nito.

Imbis na umalis ay inayos ko ang pwesto ko paharap dito kaya ramdam ko ang payapang hininga nito sa dibdib ko. Lalo na't suot ko na ang puting t-shirt nito na maluwang kaya bahagyang lumihis lalo na at gumilid ako. Niyakap ko ng marahan ang ulo nito at yumuko para maamoy ang malambo nitong buhok.

Naramdaman kong gumalaw ito at hinigpitan pa ang pagkakayapos sa akin.

"Xedusa?" his raspy voice gently calls me. At pinisil pa nito ang baywang ko.

"Hmm?"

"Gutom ka naba?" ang kamay nitong pumisil sa baywang ko ay unti-unting pumapasok sa laylayan ng suot kong damit.

"Hindi naman, bakit? Gutom ka ba?" balik na tanong ko at bahagyang lumayo. Tumingala naman si Vincent sa akin at nahanap ko ang mapupungay na mga mata nito.

Tumango ito, "I'm thirsty of your kisses so give me some."

"Hindi pwede," nakangiting saad ko at umiling-iling pa. Nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ni Vincent. Kumunot ang noo nito. Bakas na naman ang pagiging suplado.

"At bakit?" hindi ko mapigilang bahagyang tumawa sa himutok nito. Mabilis naman nagbago ang timpla ng mukha ni Vincent. It became soft again.

"Kasi hindi pa ako nagmumumog kaya bawal."

"Ibig sabihin ay hahalikan mo talaga ako?" tuluyan na talagang nawala ang supladong ekspresyon nito.

Nagpanggap ako nang nag-iisip at hindi naman nagbago ang ekspresyon nito.

"Kapag hindi na ito halos mag-iisang linya ay bakit hindi?" saad ko sabay hawak sa may kakapalang dalawang kilay nito.

"That's all?" naninigurong ulit nito gamit ang malumanay ngunit napakababang boses.

"Kapag..." wala ka ng boyfriend. Gusto ko sanang idagdag pero ayoko namang sirain ang pagkakataon.

"What?" ulit nito.

"Iyon lang."

"That's...that's so easy," parang hindi makapaniwalang saad nito.

Natawa ako at hinalikan ito sa mata.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon