Chapter 10

894 19 2
                                    

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang maramdamang mayroong humahaplos sa pagitan ng mga hita ko. Mabilis akong bumangon at nakitang pinupunasan ni Sir Vincent ang akin.

"You fell asleep while I'm cleaning you. Are you alright?" pukaw nito sa akin. Gusto kong ikipot ang mga hita ko pero ang kamay nitong may hawak na maligamgam na bimpo ang nagpahinto sa akin.

"A-Ayos lang po. Magbibihis na po ako Sir," pahina ng pahina ang boses ko dahil sa hiyang nararamdaman. Napansin kong nakasuot na pala ako ng puting damit pero bukod doon ay wala na.

Gusto ko mang mag-saya dahil sa nagawa ay hindi ko pa rin maiwasang mahiya at malungkot. Ngunit dahil sa inaakto ni Vincent ngayon ay parang masasabi kong nasa tamang tao ako nagtiwala para sa sarili.

"Magpahinga ka muna. May isang oras pa bago ang out mo. I'm still cleaning you, though, the blood won't stop even just for a sec.  I've been doing this for almost an hour," anito at seryosong pinupunasan ang akin ng may pag-iingat dahil sa rahan ng pagpupunas nito.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito.

"Ililigo ko lang po 'to at uuwi na para makapagpalit po ako ng damit at napkin."

Marahang saad ko kay Vincent na napahinto at  tumitig sa akin na parang may napagtanto. Habang pilit ko namang inaagapan ang pag-iinit ng dalawang pisngi dahil sa serkumstansiyang mayroon ako ngayon.

"Right! How could I forgot about sanitary..."

Mabilis itong tumayo at inayos ang... napamulat ako nang makitang maraming stainless basin ang nasa lapag ng kama nito na nakahilira. Mabilis ang mga galaw nitong paglilinis sa kalat at pumuntang banyo upang dalhin ang mga palanggana.

"M-Maghugas po kayo kaagad ng kamay Sir!" ngali-ngaling sigaw ko.

Nang makabalik ito ay napatingin ito sa akin at napakamot sa sariling kilay. Wala itong kareak-reaksyong iba bukod sa magkasalubong naman ang dalawa nitong mga kilay. Ang mga palanggana... tinitingnan ko palang ang mga ito ay parang mandidiri ang kung sino mang tao ang makakatingin na kahit maski babae, paano pa kaya ito na lalaki at boss ko pa!

"Mamaya pagkatapos mo. Mauna kanang mag-banlaw," saad nito at yumukod. Napaatras naman ako ngunit pinulupot na nito ang braso sa baywang ko at inalalayan ako nitong tumayo.

Gusto kong matawa dahil parang kung asikasuhin ako nito ay parang nabugbog ako. Inalalayan ako nito patungong banyo at bago ko pa maisara ay pinigilan ni Vincent iyon at inilahad ang tuwalya saka bathrobe.

"Here. Mag-ingat ka at baka madulas ka."

Tumango ako at hindi napigilang ang kumawalang ngiti. Sinimulan ko nang magbanlaw.

Mahigit limang minuto na yata ako sa loob dahil na rin sa hiyang nararamdaman. Sa totoo lang ay nagmumukha akong lasing habang nakasulyap ako sa salamin. Namumula ang dalawang pisngi at namamaga ang labi. Dahil roon ay talagang nahihiya ako. Nakaligo na ako't lahat-lahat ay hindi pa rin nawawala ang hiya at pag-aalinlangan ko. Nababaliw na yata ako! Pero... hindi, normal naman talagang mahiya kong sino ang nasa posisyon ko.

Napasulyap ako sa pintuan ng may kumatok dito.

"Xedusa? Are you alright?" walang pagdadalawang isip kong binuksan at tumambad sa akin ang postura ni Sir Vincent na naka-yuko habang nakatayo sa tapat ng pintuan.

"O-Opo."

Nag-angat ito nang tingin at inilahad nito sa akin ang isang brown paper bag. Kunot-noo ko itong tiningnan at kinuha. Nang buklatin ko ito ay naglalaman iyon ng dalawang klase ng brands ng napkin at isang buong balot ng... diaper.

"Diaper?" mahinang naibulalas ko.

"Uh-huh... I will guarantee you that the diaper is the best one.  Some granny told me about it," bakas sa boses nito ang kompyansang pagpili sa mga binili nito. However, his face remained stoic.

Hindi ko maiwasang matawa ng palihim. Biglang nawala ang hiya sa katawan ko dahil sa inakto nito.

"Oh! Thank you po," pilit kong pinabakas ang kamanghaan sa boses ko.

"Magbihis kana," anito at may inilahad na naman sa akin na paper bag.

"Salamat po." tumango lamang ito at tumalikod na.  Nang maisara ang pintuan ay ibuksan ko ito at naglalaman iyong ng itim na underwear at isang itim rin na cami long dress na ilang pulgada na lamang ay aabot na sa talampakan ko.

Kung hindi lang sleeveless ay para na akong balot na balot sa suot ko. Nang makapag-ayos ay nilugay ko nalamang ang buhok ko at lumabas na. Nadatnan kong maayos na ang kwarto ni Sir Vincent at wala siya dito sa loob kaya nagpasyahang lumabas nalamang ako.

Nakita kong nasa kusina ito at may hinahanda. Nang makita ko ang cart na pinaglalagyan ko ng mga gamit pan-linis at iba pang kagamitan ay tinungo ko ito at hinanap ang maliit na bag kong laman lang ang isang cellphone, mga resibo sa ospital at pitaka na naglalaman lang ng ilang daang pera.

Nang mahanap ang cellphone ay tiningnan ko ang oras at malapit na itong mag-alas singko kaya niligpit ko na ang mga dapat ligpitin at sinuot ang sapatos ko kanina at iniwan sa gilid ang tsenilas na pinasuot sa 'kin kanina ni Sir Vincent.

"Tapos kana pala. Come, let's eat."

Nilingon ko ito at mariin na naman ako nitong tinititigan na parang alam lahat nito ang pinakakatago kong sekreto.

"Hindi na, Sir. Salamat," umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawang pagbusisi sa bag. Wala pang minuto ay naramdaman ko na naman ang init ng katawan nito sa likod ko. Kaya lumingon ako dito at napatingala. Dahil sa expresyon nito ay bigla akong tinubuan ng kaba. Baka mainis ito sa 'kin tulad noong una.

"Sir-"

"Please?" hindi ko mapigilang mapakurap at magulat sa sinabi nito. Akala ko'y maiinis at pagbabantaan na naman ako na kakainin ako nito tulad ng dati pero iba ang inakto nito.

"Please, eat with me," ulit nito at nag-iwas ng tingin saka binasa ang pang-ibabang labi bago hinuli na naman ang mga mata ko.

Wala sa sariling napatango ako ng ilang ulit.

"Sige po," saad ko at nauna nang humakbang. Nang makita ang mga nakahilirang pagkain ay walang pagdadalawang isip akong kumuha at nilantakan ito.

"Amen," pinihit ako ng ubo ng marinig ang mahinang saad ni Sir Vincent. Bulong iyon pero rinig at malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko!

Narinig kong napamura ito at hinagod ang likod ko sabay bigay ng isang basong tubig. Ininom ko agad ito at ng mahimasmasan ay tinampal ko ang mapupulang mga labi nito na ikinagulat ni Sir Vincent.

"F-Fuck! What did I do?"maang nitong saad bago nagsalubong ang dalawang kilay.

"Kakadasal mo lang Sir at nagmura ka agad," saad ko at umiling-iling pa.

Lumambot ang ekspresyon nito bago dumukwang at binigyan ako ng malalim na halik.

"Bite me," mahinang bulong nito sa kalagitnaan ng mga halik na binibigay nito. Dahil sa sensinasyon ay nakagat ko ito kaya napamulat ako bago lumayo ng may nalasahan akong dugo.

Nasapo ko ang bibig at gulat sa nakitang dugo sa labi ni Sir Vincent.

"S-Sir! Sorry," hindi ko alam kong anong gagawin at baka magalit ito dahil dumugo ng sobra.

"There. I already had my punishment," saad nito bago dinilaan ang sugat at ngumisi.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now