Chapter 20

387 11 4
                                    

Walang buhay akong nakatitig sa kabaong ni Mama. Magtatatlong araw simula nang magising ako sa ospital. Puno ng pait at galit ang puso ko sa taong dahilan kung bakit pa ako humihinga ngayon.

Pero habang nakikita ko ang sakit, pagod, at pagpapakumbaba ni Vincent ay parang natutunaw ang galit na nararamdaman ko.
Nagiging irrational man ang pag-iisip ko at walang rasong tinatanggap kahit nasa katuwiran pa, pero kapag nakikita ko si Vincent... hindi ko alam.

"Xedusa..."

Hindi ko ito binalingan at patuloy pa ring nakatitig sa kabaong.

"You have to eat, baby, please. Wala ka pang matinong kain at tulog."

Hindi pa rin ako natinag. Halos wala akong nakakausap simula nang pinili kong iuwi ang labi ni Mama sa bahay namin. Wala akong ginawa kun'di ang tumunganga at nakatanaw lang sa kawalan. Ni hindi ko alam kung bakit may bumibisita upang makiramay at may nagbibigay ng pagkain sa mga taong bumibisita. Halos si Ate Bubble ang humaharap sa nakikiramay at hindi ko alam kung saan siya kumakuha ng pera para sa mga pagkain.

Maraming nakiramay pero hindi ako makausap ng matino. Dahil wala namang rason upang makipag-usap ako at makipagkamustahan sa mga tao. Para saan pa? Saka lang naman sila bumisita kapag wala na iyong tao. Halos araw-araw kaming  dumadaan pero walang pumapansin. Ayos lang naman sa akin pero kapag nakikita ko noon ang pagiging masiyahin ni Mama na may nakakausap siya at ang paglayo ng mga ito na parang may sakit ito ay nasasaktan ako. Dahil  ba sa isang beses na umutang si Mama para sa tuition ko at takot silang umutang uli si Mama? Pupwede namang tumanggi. Isang beses lang naman iyon nangyari dahil nagkasakit ako pero parang sa inakto nila ay parang habang-buhay na uutang si Mama sa kanila. At makikita ko ang mga taong iyon dito. Nakangiti at ngumunguya ng pagkain na ikinakulo ng dugo ko.

Pati si Ate Bubble at Fiona ay hindi rin ako makausap ng matino at si... Vincent. Pero para saan pa ba ang galit na nararamdaman ko? Hindi naman nito mababalik ang nawala sa akin. Walang mangyayaring himala. Hindi mabubuhay ang Mama ko at iikot pa rin ang mundo na parang walang nangyari. Uuwi ang mga tao sa kabahayan nila na parang walang nangyari. Habang ako maiiwan. Nasasaktan, nagluluksa, at nawalan ng saysay mabuhay. Hirap makaahon samantalang ang iba ay masaya, tumatawa, at kumpleto.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko kung hindi ko pa nadama ang init ng kamay na nasa pisngi ko na humahagod.

"Gusto ko ng ipalibing si Mama...ngayong araw mismo," saad ko.

Vincent sighed deeply bago marahang tumango.

"Oo... anything you want but you have to eat first," umiling ako at tumayo. Nilingon ko ang lahat ng tao na nagbabahara at ang iba ay kumakain. Nag-uusap na parang normal ang lahat. Lahat ng bumisita ay may kaniya-kaniyang ginawa ngunit wala ni isa ang nagtagal na umupo at umusal ng dasal. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat bago pumasok sa sariling kuwarto. Kakasarado ko palang ay mabibigat na katok agad ang narinig ko.

"Xedusa? Nalingat lang ako nawala ka na agad sa pwesto mo," tinig ni Vincent na puno ng pag-aalala.

"Magbibihis lang ako."

Huminahon ang paligid bago ako naghubad. Wala akong itinirang saplot bago ako nagbihis. Binuksan ang lumang drawer at kinuha ang isang itim na bestidang regalo sa akin ni Mama galing sa ukay. Isang matamis na ngiti ni Mama ang naalala ko sa bestidang ito. Kung gaano siya kasaya nang nakapili siya ng maganda at mukhang bagong bestida para sa akin sa halang isang daan. Sinuway ko pa siya dahil sayang iyon at pupwede sa gamot niya.

Pinahid ko ang luhang umaagos sa magkabila kong pisngi at inayos ang buhok. Sinabit ko sa magkabilang tenga ang buhok ko upang hindi dumapo sa mukha ko. Iyon lang at lumabas na ako ng kuwarto. Naglikha iyon ng ingay kaya napatingin ang lahat sa akin.

Tumayo agad si Vincent at hinawakan ang magkabila kong balikat. Gulong-gulo ang nakikita ko sa mga mata nito habang ang ekspresiyon nito'y hindi ko gaanong mabasa.

"Hindi ba sabi ko gusto ko nang ipalibing si Mama?" mariing saad ko at nakipagtagisan sa titig ni Vincent. Sa huli ang siyang unang sumuko. Pumikit ito ng mariin at pinasadahan ng kamay nito ang sariling buhok. He took his phone out of his pocket at nag simulang magkalikot doon.

A minute later, a hearse car parked outside the house. Kulay itim iyon at halatang pangmayaman. Nilingon ko si Vincent pero hindi na nagsalita. Deserve ni Mama iyon at hindi ang simpleng truck lang. Kaya ko namang bayaran rin. Lahat ng tao ay puno ng pagtataka akong tinitigan habang sila ate Bubble at Fiona ay hindi nagsasalita pero alam kung nakikiramdam.

Inakay ang kabaong ni mama ng sampong nakaunipormeng tao. Parang isang membro ng royal family ang nasa loob ng kabaong. Nakakapanghinayang na sa huling hantungan pa talaga na mararanasan ni Mama ang sumakay ng mamahaling sasakyan. Ultimo taxi ay hindi pa nakasakay ang Mama ko. Nanubig ang mga mata ko roon.

I feel someone hugged me from behind. I felt the comfort pero hindi napawi ang sakit. Inalis ko ang mga braso nito at sumunod sa sasakyan. Dahil wala naman akong masasakyan ay nagpunta ako sa pessenger seat. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at kusa ng bumaba ang nakasakay doon kaya pumasok ako at sinabi sa driver kung saan dapat pumunta. Sa simbahan. Hindi ko alam pero napakadali ng proseso at nasa harapan na kami ng puntod ni Mama. Napatitig ako sa pansiyon. Gusto kong humiga roon at hindi na kailanman tatayo.

Ilang usal ang sinabi ng pari bago natapos ang mesa para kay Mama. Binigyan ako ni Vincent ng tubig. Nakabukas na iyon kaya uminom ako ng isang beses. Ilang segundo lang ay nakaramdam ako ng pagka-antok at pag-ikot ng paligid.

"Mukhang umeepekto na," tinig iyon ni Fiona.

"Prepare the car, Norman. Bubble, pwede bang ikaw muna ang bahala sa bahay ni Xedusa at ang mga bisita?"

"Oo naman, Vincent. Alagaan mo si Xedusa."

"Maraming salamat," huling tinig na narinig ko bago ako ginupo uli ng kadiliman.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now