Chapter 19

591 13 8
                                    

Nagising ako sa isang silid dahil sa lamig. Napabangon ako at sapo ang noo dahil sa biglaang pagkirot. Nakasuot ako ng hospital gown at may swerong nakakabit sa kaliwang kamay. Hindi ko alam kung anong oras na dahil isang lamp shade lamang ang nagpapaliwanag sa buong silid. Inikot ko ng tingin ang buong silid nang naging maayos na ang paningin ko.

Bumalik sa akin ang ala-ala bago ako nandito. Nasa sasakyan ako kanina kasama si... Vincent!

Mabilis kong binaklas ang kumot pati na rin ang swero. Hindi man lang ako nakaramdam ng kirot at sakit pero puno ng pangamba ang isip at puso ko.  Nang walang makitang sapin sa paa ay mabilis kong inilang hakbang mula sa kamang kinahihigaan ko at ang pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay walang masiyadong katao-tao. Nang nilingon ko ang harapan ng pintuan at nakita ang room number ay natitiyak kong nasa pinakataas na palapag ako ngayon. Naging mabilis ang kilos ko upang matungo ang elevator. Nang makapasok ay inilang ulit kong pinipindot ang button kahit na alam kong hindi naman bibilis ang pag-andar nito. Sumasakit ang ulo, katawan, at dibdib ko.

Nang mapasandal ako sulok ay naramdaman kong wala akong suot na panty. Makapal ang gown at medyo mahaba sa akin kaya hindi halata at nang makapa na mayroon akong suot na bra nakahinga ako ng luwag. Puno man ng katanungan ang isip ko kung bakit ganito ang ayos ko ay hindi ko na pinansin pa.

Nakayuko ako tinitigan ang mga papa at yakap-yakap ang sarili dahil sa lamig na hindi mawala-wala at nangingirot na katawan at pagkababae. Nang tumunog ang elevator at bumukas sa iksaktong palapag kung saan ang kuwarto ni Mama ko ay paika-ika akong tumakbo papunta doon. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay walang pagdadalawang-isip kong pinihit ang seguradura at tumambad sa akin ang anim na tao. Tatlong doktor, dalawang nurse, at si Vincent na nakikipag-usap sa isang doktor at bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang galit at pangamba. Nang ilihis ko ang tingin sa kama ni Mama ay namanhid lahat ng sakit sa akin. May... May makina na nasa gilid nito at nang makita ang flat line... ang dalawang doktor na pilit ni rerevived si Mama gamit ang defibrillator.

"H-hindi! Ano ba! Sinasaktan mo ang M-Mama ko!" sigaw ko habang papalapit sa doktor. Nilingon ako ng lahat at pinigilan ako ng nurse na mas malapit sa akin.

"Fuck!" malutong na mura ni Vincent at naramdaman ko ang braso nitong pumulupot sa akin dahil sa pagpupumiglas ko sa humahawak sa akin.

"M-Ma'am, huminahin po kayo! Oh my, shit! Sir! She has hyperpyrexia!"

"Ano ba! Mama!" hindi ko maramdaman ang lahat. Gusto kong hawakan si Mama at damdamin ang mainit na yakap nito. She was still talking to me earlier. Nakamulat pa ang mga mata nito at alam kung hinihintay pa ako ni Mama pero anong ginawa nila! Bakit ganito?

"Calm down, baby. Calm down, please, calm down."

"Gusto kong lapitan ang Mama ko. Bakit mo ba ako pinipigilan?!" sigaw ko at tinitigan ito ng masama kahit na nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang tigil na pag-agos ng luha.

"Shh... It's okay. Everything's gonna be fine. Alright? Calm down." his lips touched my ears as he weakly whisper.

Nang lingunin ko ang kama ay patuloy pa ring nirerevive si Mama. Sumasakit ang dibdib ko kada lapat ng bagay na iyon sa dibdib ng Mama ko. Nanghihina ang tuhod at nawawalan ng lakas kaya halos mapaluhod ako ng hindi inaasahang bumigay ang mga tuhod ko.

"Xedusa..." mahinang boses ni Vincent.

"Ma! Lumaban ka naman para sa akin oh? We still have dreams, remember? Nag-iipon ako para sa pangarap at gamot mo, Ma! Nakapag-advance na ako para sa operasyon mo. 'Wag muna ngayon, Mama. Hindi ko kaya. Hindi ko pa nasusuklian ang lahat ng binigay mo, Ma. Please! 'Wag mo kong iwan. Hinding-hindi ko kakayanin." namamalat ang lalamunan ko at halos hindi mabigkas ang mga kataga. Ang sakit sakit!

Pilit ko pa ring binabaklas ang matigas na braso ni Vincent para mahawakan si Mama. Ang iyak ko at ang tunog ng makina ang pumuno sa loob ng kuwarto.

"S-Sir... I'm sorry. It's been 3 hours. We did everything we-"

"Everything!? Anong 'everything' ang pinagsasabi mo!? I waited! I waited for at least one doctor to check my mother pero ni anino niyo hindi ko makita!"

Pilit kong inaabot ang doktor para sampalin o dadyakan man lang. Sinamaan ko ito ng tingin at patawarin ng diyos kung ano ang nasa isip ko ngayon.

Ang mama ko...

"Shit! Stop moving. Wala kang panloob. Please, kumalma ka. I'll send another doctors and fired everyone if they can't... I'll do everything. Just please, calm down." He whispered and kissed the side of my forehead.

"I will make them bring your mother's life."

Hindi... Anong babalik? Walang umalis, Vincent. Hindi ako iiwan ni Mama. Aalis kami rito at mamumuhay ng matiwasay. Walang sakit at magkasama.

Ano bang nagawa kong mali? Naging kasalanan ko? I was deprived to have a complete family but I didn't complain nor hate everyone. Wala rin akong sinisi at inapakang tao. Pero pinagkakaitan ako sa buhay.  All of people why it has to be me?

Para akong nalantang dahon at sumasabay na lamang sa hangin na tumatangay sa akin.  I am tired. So tired of everything. I wish I was the one lying on that bed. I wish I was the one who was suffering.

Halos gumapang ako upang mahawakan lamang si Mama. Halos wala na akong lakas at ang braso ni Vincent na gabakal ang lakas ay nanlalambot at nabitawan ako o binitawan.

I can feel him behind me pero ang isip ko ay ang kamay ni Mama na nasa gilid. At nang mahawakan ko ito ay hindi ko alam na may ibubuhos pa pala akong luha. Isang malamig na kamay. Wala na iyong init na laging nagpapagaan ng loob ko.

"M-Mama!" sigaw ko at pumalahaw ng iyak. Nanginginig ang buong katawan ko at ang mga kamay kong pilit niyayakap ang buong katawan ni Mama. Sinapo ko ang pisngi ni Mama gamit ang nanginginig na kamay.

"Mama, nandito na ako. Gumising ka na. Pakiusap, 'wag mo 'kong iwan." tumulo ang luha ko sa pisngi ni Mama na agad kong pinunasan. Baka... magalit si Mama at magtampo.

Umiiling-iling ako at tinapik ng mahina ang pisngi nito.

"Mama, please, gising na. 'Wag ganito. Iiwan mo na ba ako? Paano na ako? Mag-isa nalang ako? Hindi mo na ba ako mahal?" hindi ko mapigilang humagulgol.

"Mama... Gising na..." binaon ko ang mukha ko sa dibdib nito at niyakap ito ng mahigpit. Hindi alintana ang mga matang nakatingin sa akin. Pero biglang nanikip ang dibdib ko at umiikot ang paningin ko na kahit ipikit ko ang mga mata para pa ring umiikot ang mundo. Pumikit ako ng mariin at unti-unting ginugupo ang mundo ko sa kadiliman.

Please, don't wake me up anymore.

MAVEVEYL

Art of Temptation Series: Touch You DeeperWhere stories live. Discover now