Chapter 26

1 1 0
                                    

Zeil P.O.V

Nauna nang umuwi si Raylee dahil sa sobrang inis niya sakin.

Napaka pikunin niya, akala mo naman inagawan ng Barney HAHAHA.

Nag paalam nako kila tita na uuwi na, tumawag kasi sakin si Dea na nasa bahay daw si Cloud at hinihintay ako, nag paalam nako kila tita Rell.

Actually hindi dapat ako pupunta dito sa bahay nila, masyado lang talagang makulit si tita Rell at Zia, halos tadtarin nila ako ng messages at calls para lang bumisita dito, nakulitan nako sakanila kaya bumisita nako para manahimik na silang dalawa.

Parang hindi pa sila nauubusan ng energy kanina, panay na nga ang irap ni Sylee sakanila dahil pagod na pagod na siya pero yung mag ina panay ang pilit sakaniya na makipag laro.

Napakamaldita pa naman ni Sylee.

Nadrive nako pauwi sa bahay, may pupuntahan daw kami ni Cloud ngayon, niyaya niya akong mag dinner hindi ko nga alam kung makakakain pako mamaya sa dinner na sinasabi niya dahil busog na busog nako sa dami ng pinakain sakin nila tita Rell.

"Ayaw na balik don." Natawa nalang ako sa sinabi ni Sylee.

"Why? Mabait naman sila diba? tita Rell gave you a barbie." napasimangot siya sakin tsaka kinausap yung barbie niya.

Nakikita ko na ang future ng batang to, bata palang may sayad na.

-__-

Nag focus nako sa pag dadrive, may importanteng inasikaso si manang Esteng kaya sakin niya pinabantay si Sylee, siguro naman ay nakauwi na siya ngayon.

Pagkapark ko ng sasakyan sa harap ng gate ng bahay namin ay tsaka ko na pinag buksan si Sylee ng pinto, Hindi ko na siya inalalayan pang bumaba at hinayaan nalang siyang bumaba mag isa niya.

Dumiretso siya sa bahay at sinalubong kami ni Manang Esteng.

Kukunin na muna niya si Sylee at babalik kila Deana dahil doon naman talaga nakatira ito at gusto nila Moma na doon mag stay si Sylee.

"Oh iha, buti naman at nakauwi na kayo." nakangiting lumapit si Sylee kay manang Esteng, nag paalam narin ako sakanila dahil kailangan ng bumalik kila Dea si Sylee at naghihintay sakin si Cloud sa bahay.

"Sige iha, mauna na kami." Nakangiting usal niya, tinanguan ko lang siya tsaka na umalis.

Pag pasok ko ng bahay ay nakita ko doon si Cloud na nakatayo lang.

Napalingon siya sakin nang mapansin ang presensya ko.

"Don't tell me na hindi ka man lang umupo." Naniniguradong usal ko.

Napansin ko kasi na panay ang angat niya sa paa niya, Hindi man lang ba siya pinaupo ni Raylee?!

"Ahh hindi, ayos lang naman, exercise rin to." Nakangiting usal niya.

Inis naman akong umiling tsaka nag mamadaling pumunta sa tapat ng pinto ng kwarto ni tukmol, kabado namang sumunod sakin si Cloud at pinipigilan ako sa kung ano mang gagawin ko.

"Hoy tukmol!! Lumabas ka diyan!"

Hindi na ako kumatok sa pinto niya dahil wala naman akong suot na gloves.

"BAKIT UMUWI KA PA DITO!! DOON KA SA BAHAY, MAG SAMA SAMA KAYO NILA MOMMY! MANG AAGAW KA NG MOMMY! HINDI KA BA MAHAL NG NANAY MO?!"

Eh?

Napakaseloso niya naman, akala mo aagawan ng pamilya, hindi niya man lang kami pinag buksan ng pinto. Lakas din ng sayad niya, napasukan na ata ng germs ang isang to.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now