Chapter 28

1 1 0
                                    

Zeil P.O.V

Inis akong umalis ng quadrangle at sumunod naman sakin sila Dea, napaka demonyo talaga ni Dana ang sarap niyang kalbuhin.

bwiset siya!

Sabihin ba namang hindi niya sinasadyang tulakin ako, eh kitang kita ko nga kung pano niya ko tinulak dahil nakaharap ako sakaniya, nawalan lang ako ng balance dahil sa lakas ng pag kakatulak niya sakin tapos itatanggi niya pa na hindi niya yun ginawa. Ang sarap niya iuntog sa pader para matauhan.

"Gulo na naman to, paniguradong hindi ka titigilan ni  Danang yon pati na yung panget niyang boyfriend na si Chub." Usal ni Ly habang inaabutan ako ng tissue.

"Takaw gulo ka naman kase teh, ang ganda ganda mong babae tapos napaka tapang mo, daig mo pa si Kellie Kellie kung makipag away." Sabat ni Tin, napangiwi nalang ako sakanila tsaka na dumiretso papuntang high way 54.

Dito muna kami mag i-stay dahil sa tuwing nasa cafeteria kami lagi nalang kami nakakahanap ng away, puno ba naman ng mga tarantadong estudyante dito sa university.

Tinawag pang Heaven International University pero ang daming demonyong estudyante.

"Eh sinong hindi maiinis sa ginawa niya, wala naman akong ginagawa sakaniya pero panay ang gawa niya ng eksena." Depensa ko tsaka na umupo.

"Inggit lang yon sayo dahil mas maganda ka sakaniya." Pang uuto ni Tin sakin. "Napaka blooming mo naman kase ngayon!"

"Hay nako kaya lang naman blooming ang isang yan dahil luma-lovelife ang ate niyo." Sabat ni Dea.

O____O Tin at Ly

"Hala ka baklaaaa!!" Niyugyog pa ko ni Tin dahil sa sobrang kilig niya. "Omg pigilan nyoko, mamamatay na ata ako." May pa hawak hawak pa siya sa puso niya at kunyareng mahihimatay.

Over acting.

"So kayo na pala ni Raylee Yiiieee."

O____O

Anong Raylee pinag sasabi nito?

"Hala ate Zeil si Raylee yung nanliligaw sayo?" Tanong ni Nic Nic sakin na ikinangiwi namin ni Dea.

-____-"

Panay na ang tanong sakin nila Tin kung pano ko daw sinagot si Raylee at pano siya nanligaw sakin, bakit daw hindi nila alam at bakit hindi ko man lang daw sinabi sakanila na may something na samin.

"Ano nga? So kailan anniversary niyo ni papa Raylee?" Atat na tanong ni Tin.

"WHAT?!"

O_____O

Kabado kaming napalingon si Dea sa likuran namin kung saan nanggaling ang boses na yon, nandoon si tukmol at mga kaibigan niya.

Nalintikan na talaga.

-_____-"

Natatawa at hindi makapaniwalang napatingin sakin si Raylee tsaka iiling iling na nakatingala sa langit habang nakapamewang pa.

Shit!

Parang gusto ko nalang mag palamon sa germs!

May idea na ako sa kung ano mang naiisip ng tukmol na to, feeling ko ganon din yung mga kaibigan niya dahil gulat na gulat ang mga ito na nakatakip pa ang kamay sa bibig at papalit palit ng tingin saming dalawa ni Raylee.

"Pinagkakalat mong girlfriend kita?" Sarkastikong usal ni Raylee.

"Naniniwala na ako sa forever mag-" natigil lang sa pag kanta si Derk matapos siyang samaan ng tingin ng kaibigan niya.

I'm Still Into YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora