chapter 12

13 5 0
                                    

Zeil P.O.V

Maaga akong gumising para masimulan ko na ang pag lilinis sa bulok kong bahay, pag kababa ko palang ay naabutan ko na si tita Lenette sa sala.

" Ang aga mo naman atang gumising?" tanong ni tita sakin.

" I need to do something tita." sagot ko.

" Mag breakfast ka muna, I prepared your breakfast." tsaka niya ako sinamahan sa dinning table.

Mabait naman si tita Ezel may time lang talaga na naiinis ako sakaniya,masyado kasi siyang strict sakin pero para na niya akong anak kung itrato.

Nilapagan na niya ako ng mga pagkain,nag umpisa na din ako kumain.

I need energy,siguradong mapapagod ako sa araw na to.

" I heard Dad gave you a house" she said and I just nodded.

" How's it?" Tanong niya.

" What? The house or this omelette?" Tanong ko, baka kase ang tinatanong niya yung pagkain.

" Of course your house hahahaha"

Napasimangot naman ako dahilan para matawa siya sakin.

Yung bulok na bahay pala tinutukoy niya.

-__-

" It's not good tita." Nakasimangot na sagot ko.

Tumango lang siya sa sinabi ko at natahimik na kami hanggang sa matapos akong kumain, hinatid narin niya ko sa sasakyan ko.

" Take care honey." nakangiting usal niya tsaka kumaway sakin.

Agad ko ng binuksan ang makina ng sasakyan ko tsaka nag tungo sa bulok kong bahay.

Nakabili na din naman ako ng mga gagamitin ko sa pag aayos sa bahay, lilinisin ko lang naman, wala namang sira masyado sa bahay na yon, masyado lang talagang madumi at magulo sa loob, Halatang walang nakatira doon.

Para tuloy akong sasabak sa gera ngayon,nag park nako agad sa harap ng bahay tsaka nag suot ng mask, at pumasok sa loob.

Pumunta ako sa magiging kwarto ko, may nakita pako doong nakalagay sa drawer na engagement ring, mukhang naiwan to ng dating may ari ng bahay.

Kumuha ako ng tissue sa sling bag para damputin ang ring box na yon tsaka pumunta na sa labas para itapon yung box at pumasok na rin agad pag tapos yon gawin

Napatingin naman ako sa paligid ko!

Putek na yan.

Napakagulo.

Kinuha ko na sa kotse yung mga gagamitin ko sa paglilinis, tsaka nako pumasok sa magiging kwarto ko at sinuot ang PPE.

(PPE or personal protective equipment is protective clothing, helmets, goggles, or other garments or equipment designed to protect the wearer's body from injury or infection.)

Una kong nilinis ang kwarto, ang daming mga alikabok, matapos non ay nilinisan ko naman ang hagdan at pati na ang sala, pumunta na din ako sa kitchen nilinis ko lahat ng mga duming nakikita ko at sinigurong walang matitirang dumi, matapos kong linisin yon ay hinugasan ko na ang mga equipment and tools na nandoon sa kitchen.

Pag katapos non ay pumunta ako sa guest room!

Anak ng guestroom!

Naka sarado ang pinto nito at hindi ko mabuksan, nasa kwarto ko pa yung sling bag ko, mamaya ko nalang lilinis yon, naka PPE pa naman ako ngayon at init na init nako sa suot ko!

Yung bahay kasi nato ay gawa sa kahoy maayos naman pero hindi kalakihan, kahit yung hagdanan ay gawa sa kahoy, kaya bawat yapak mo ay maririnig agad.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now