Chapter 23

0 1 0
                                    


Raylee P.O.V




Kasama na namin ngayon ang bruha at mga kaibigan niya.

Hindi ko alam kung pinag titripan ba ako ng tadhana at talagang nakasalubong pa namin sila.

Matapos kong samahan mag shopping si Dorothy ngayon naman ay nasa world of fun kami at ang malala kasama ko pa sila, nawala bigla yung kaninang magandag mood ko dahil sakaniya.

Nabwibwiset na naman ako dahil sa ginawa niya sakin kanina.

Medyo out of place pa nga ako sakanila, dahil halos kilala na nila ang isa't isa, samantalang ako si Dorothy at Ibruha lang ang kilala ko tapos hindi ko pa kasundo yung isa, parang na etsupwera tuloy ako dito dahil enjoy na enjoy si Dorothy na makasama sila

Pati ba naman girlfriend ko gusto rin siya?!

" Hi I'm Cloud." Aniya tsaka naglahad ng kamay sakin, agad ko naman itong tinanggap.

"I'm Raylee Quel nice meeting you." Nakangiting usal ko.

"About what you heard days ago, I'm just want to apologize dahil na damay ka pa sa away namin." He sincerely said.

Pinaalala na naman!!

Kainis!!

" I--it's okay, Hindi naman ako u--umasa."

"Hey love, let's play there." Tawag sakin ni Dorothy tsaka ako hinila palayo kay Cloud.

Sumunod naman ito samin, Hindi ko hilig ang mag laro sa mga arcade, basketball lang ang hilig ko at kami lang naman nila Derk ang laging nag lalaro since may court naman sa bahay namin.

"Try this one." Turo ni Dorothy sa isang basketball ring tsaka na siya nag swipe ng card. "Go love!! You can do it!"

Napangiti naman ako.

Pero napalingon ako sa bruha na inabutan ni Kaizer ng gloves tsaka sinuot ito at nag ready sa pag shoot ng bola.

Seriously?!

She used gloves while playing basketball?!

What the heck?!

"Love!! Game na nag start na!" Nag iwas nako ng tingin sakanya tsaka nakangiting tumingin kay Dorothy.
"I want the teddy bear, go baby!!" Cheer niya sakin.

Napangiti naman ako matapos niya akong tawaging baby.

^_______^

Madalas na niya akong tawaging baby at hindi ko talaga maiwasang mapangiti.

Nag umpisa na akong mag shoot ng bola, napapansin ko rin ang sunod sunod na pag pasok ng bola mula sa katabi kong ring kung saan nag lalaro ang bruha.

Tsk!

Nakikipag kompetensya ba siya sakin?!

Akala niya siguro matatalo nyako.

Ginalingan ko ang pag shoot ng bola hanggang sa matapos na ang oras.

"Yiieeee ang galing mo talaga." Agad na yumakap sakin si Dorothy tsaka na siya bumitaw at kinuha ang mga ticket na lumabas sa machine.

Nakangisi akong lumingon sa bruha na ngayon ay kinukuha na ang madaming ticket na nakuha niya.

" Here." Sabay abot niya ng ticket kay Dorothy. "Paniguradong hindi mag kakasya ang ticket na nakuha niya."

"Wow! Thank you." Manghang sabi ni Dorothy tsaka sana yayakap sa bruha kaso agad kaming tinalikuran nito.

Kainis!

Iniinis niya ba talaga ako? Talagang binigay niya pa yung mga ticket na nakuha niya, parang pinapalabas niya na hindi ko kayang ibigay yung gusto ng girlfriend ko!

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now