chapter 6

59 36 7
                                    

Zeil P.O.V

Pagod na pagod kaming nakauwi sa bahay.

" Pano pag nahalata ka nila lolo? naka p.e ka na ngayon." tanong ni Dea sakin.

*Beep!Beep!*

Napatingin kami sa kotse ni Kaizer, kasunod lang noon ang kotse ni Zent at Sky, tsaka na nag mamadaling bumaba si Kaizer sa kotse niya at nakangising tumingin sakin.

" Oww hahahaha how's your first day?" nangaasar na tanong niya sakin.

Isa pang demonyo to! Lakas mang asar sarap balian ng buto.

" Oh Zeil bakit naka p.e ka na?" takang tanong ni Zent sakin matapos niya akong pasadahan ng tingin.

" Hahahaha hindi mo ba nabalitaan?."  tanong ni Kaizer sakaniya, kunot noo naman siyang tinignan ni Zent na walang ka alam alam sa nangyare sakin.

Ang lakas din ng radar nitong si Kai.

" Zeil ikwento mo naman samin yung first day mo sa university." pang aasar sakin ni Kai. Napangiwi nalang ako dahil sa kalokohan niya.

" Oh anong nangyare sayo?" tanong ni Sky na kakalabas lang ng kotse at may hawak hawak pang libro.

Pinasadahan naman ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa!

Anak ng germs!

" Nice outfit." usal niya matapos makita ang suot ko!

Naka p.e uniform ako tapos naka black school shoes!

Kupal putcha.

" Lakas maka porma." si Kai na tawa ng tawa.

Death glare.

" Charot lang pffft" pigil ni Kai sa tawa niya at nag peace sign pa sakin.

Parang bakla amputcha.

" Tulungan niyo nalang kami, mauna kayong pumasok tapos kunin niyo yung uniform ni Zeil sa taas para hindi mag taka si lolo kung bakit ganyan ang suot niya." Suggest ni Dea sakanila.

" Kayo na bahala diyan natatae nako." palusot ng kupal na si Kai tsaka na pumasok sa loob.

Tumalikod narin si Sky tsaka kumaway habang hawak hawak pa ang libro niya.

Pasimpleng tatakas sana ni si Zent.

" Sige subukan mong umalis, ipopost ko talaga yung video mong sumasayaw ka habang kumakanta ng I'm a Barbie girl." pang bablock mail sakaniya ni Dea.

O__o itsura ni Zent.

May video kase siya na kumakanta non, lagi kasing kinakanta yon ng anak ng yaya ni tita, nagulat nalang kami isang araw kabisado na niya yung kanta, ang malala kinakanta niya yun habang kumikembot. Bayot amputek

" Tsk! Ano bang gagawin?!" Inis na tanong ni Zent kay Dea.

" Ay galit?!" si Dea

" Hindi ah, ano bang gagawin?" Mahinahon na nitong tanong.

Takot amputcha.

" Kunin mo yung uniform ni Zeil sa taas tapos dalhin mo dito, wag kang mag papahalata sakanila." utos ni Dea.

Naka simangot na umalis sa harapan namin si Zent.

" Hala ma'am Zeil nandito lang pala kayo kanina pa kayo hinahanap ni Chairman." napalingon naman kami sa left side at andon ang maid namin na si Berna.

Mukha na siyang bruha dahil sa buhok niya, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

" Wow ma'am nice outfit hahahaha uso po ba yan ngayon?" nakangiting tanong niya sakin, napa simangot nalang ako.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now