chapter 21

1 1 0
                                    

Zeil P.O.V



Matapos akong kausapin ng barangay Captain ay nag lakad nako pabalik sa bahay, iba talaga yung kutob ko dahil naunang umuwi si Raylee kesa sakin.

Puro nalang kalokohan pinag gagawa niya sakin at talagang nakakainis na!

Nag mamadali akong nag lakad dahil almost 2am na at hanggang ngayon hindi parin ako nakakatulog!

Binuksan ko na ang gate dahil hindi naman naka lock yon, tsaka nako nag lakad at pilit na pinipihit ang door nub.

Putcha!!

Bakit naka lock to?!!

Talagang ni lock niya pa?! Bwiset talaga!

Kinapa kapa ko yung bulsa ko at nanlulumong napakamot sa ulo dahil hindi ko dala ang susi, nasa kwarto ko yung susi ng bahay!!

Nakakainis!!

Bakit niya ba sinarado?!

Hindi ko naman na magawang sumigaw dahil baka makaistorbo na naman ako ng mga natutulog na kapitbahay.

Kaya no choice ako kung hindi ang pumunta kila manang Esteng, kumatok na ako ng tatlong beses. Nakakahiya mang makitulog sa ibang bahay pero wala nakong magagawa kesa naman ilang oras akong mag hintay sa pinto na yon para lang pag buksan ako ni tukmol, dahil baka papakin pako ng lamok doon kahihintay pero hindi niya parin ako pag buksan.

Piste talaga siya, sarap niya ipalamon sa lupa.

Kung hindi lang talaga ako mabait baka sinunog ko na yung bahay na yon para ngayon palang tustado na siya.

Pag kabukas ni manang Esteng ay agad na niya akong pinapasok. Wala pa akong sinasabi pero mukhang alam na niya kung bakit ako nandito.

"Oh nag away na naman ba kayo ng asawa mo?"

Gusto kong masuka sa tanong niya.

"Manang Esteng hindi po kami mag asawa" nanlalaki naman ang mata niyang tumingin sakin

"Aba kung ganon bakit nasa iisang bahay kayo? kung ganyan lang din ang trato niya sayo nako mas maganda pang layasan mo nalang siya." Napangiwi nalang ako sakaniya.

Yari ako kila Chairman pag ginawa ko yon.

"Hindi po pwede manang. Tulog na po ba si baby Sylee?" Tanong ko

"Ah kanina pa, dito ka nalang sa kwarto ni Sylee matulog iha." Sumunod nako sakaniya na pumasok sa iisang kwarto.

Isa lang ang kwarto nila sa bahay dahil silang dalawa lang naman ni Sylee ang nakatira dito, siguro mag katabi silang matulog.

Pero saan ako matutulog dito?

"Diyan iha, tabi nalang kayo ng apo ko at sa sofa na ako matutulog." usal niya tsaka kinuha ang isang pillow.

"Nakakahiya naman po manang ako nalang po ang matutulog sa sofa."

"Nako wag na iha, may pasok ka pa bukas at kailangan mo na mag pahinga, sige na goodnight." Usal niya tsaka na lumabas ng kwarto.

Napatingin naman ako kay Sylee na sobrang himbing ng tulog, lumapit nako sa kama at nahiga na.

Sobrang antok na antok na talaga ako.

Napabuntong hininga ako at tsaka na pinikit ang mata.

O____O

Agad kong hinawi ang paa ni Sylee na malapit na sa mukha ko.

Ang likot niya matulog

Sinubukan kong sipain yung paa niya para makatulog ako ng maayos, napaka likot naman ng isang to.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now