chapter 14

11 3 0
                                    

Chapter 14

Zeil P.O.V

Nagmamadali akong sumakay ng kotse at dumiretso na sa university.

Nakakapanggigil ang lalaking yon, Hindi ko talaga alam kung pano ko matatagalan na makasama siya sa iisang bahay!

~~~~~~~~~~~~Flasback~~~~~~~~~~

Nagising ako dahil sa naririnig kong kaluskos galing sa labas ng pinto.

Inaantok pako.

Tinignan ko ang oras.

3:00am palang!

Bumalik nalang ako sa pag kakatulog, baka pusa lang sa labas ang narinig ko.

RIINGG!! RINNGG!! RINNGG!

Nagising ako dahil sa malakas na alarm.

Umaga na pala, agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom para gawin ang morning routines ko.

Matapos non ay bumaba nako para sana mag luto ng makakain ngayongg umaga!

Pag bukas ko palang ng refrigerator!

Nasaan na mga pinamili ko??!!!!

" PUTCHAAA!! "

Hinalughog ko lahat ng sulok ng kitchen para hanapin yung mga nilagay ko sa ref. Wala na din yung mga Potato chips ko!

Yung Chuckie!! Mga energy drink!!

Napahinto ako sa pag hahanap at napatingin sa taas.

Si tukmol!!

Para siyang tiktik tuwing gabi!!

~~~~~~~~end of flashback~~~~~~~~

Siya pala yung narinig ko noong madaling araw!! Para siyang aswang tuwing ganong oras!

Ganon ba siya ka patay gutom?!

Badtrip!!

Tignan ko lang kung makakupit ka pa sa mga pagkain ko!

Pinark ko na yung sasakyan ko tsaka pumasok na sa university, dumiretso nako sa room at nadatnan ko don si Dea.

" Ohh mukhang badtrip ka?" tanong niya sakin.

Napairap nalang ako sakaniya. Tsk, Sino bang hindi mababadtrip sa mga nangyayare sa buhay ko ngayon?

Naglilinis lang ako ng bahay kahapon tapos bigla biglang susulpot yung lalake yon at sasabihin bahay niya ang bahay ko, tapos dadating sila Chairman para sabihin engaged nako sa tukmol?!

Mukhang delubyo ang mamangyayare sa buhay ko!!!

" Ano daw reason nila Chairman?" tanong niya sakin, nag kibit balikat nalang ako.

Yun din ang hindi ko alam, naging biglaan ang mga pangyayare.

Paniguradong may rason sila Chairman kung bakit kailangan kong mag pakasal sa lalaking yon.

Ang tanong ay ano kaya ang rason nila? bakit hindi nila sakin sinabi yon bago sila nag desisyon.

Naiinis ako sa mga nangyayare ngayon.

Kung dahil lang to sa kompanya, bakit kailangan ako pa?

May mga pinsan din naman ako bakit hindi isa sa kanila ang pinili ni Chairman?!

Nagtayuan na kami matapos pumasok ni Ms. Chonggo sa room.

Agad naman akong hinanap ng mata niya at nang matagpuang ako ay agad na sumilay ang ngisi sa labi niya.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now