chapter 11

21 7 2
                                    


Deana P.O.V


Matapos batuhin ni Raylee si Zeil ng bola sa ulo ay agad naman siya nitong sinugod para sapakin.

PAKSHIT!

Hindi ko alam kung matatawa ako o kakabahan dahil sakanilang dalawa.

Si Raylee pilit na sinasambunutan si Zeil habang si Zeil naman ay pinipilit kumakawala sa pag kakasambunot ni Raylee at nag aambang sapakin ito.

Natataranta akong awatin sila pero hindi ko naman magawa silang patigilin.

" Awatin mo nga yang kaibigan niyo!" Sigaw ko kay Liam na hindi rin alam ang gagawin.

Tinignan ko naman yung Derk na sinasabi nila, pero nakanguso lang ito at kakamot kamot sa ulo niya tsaka inaya yung Shun para awatin yung dalawa.

Pero huli na

O__o

Halos mangiyak ang mukha ni Raylee matapos siyang sapakin ni Zeil sa mukha.

Hindi naman agad nakaganti si Raylee dahil humarang ang mga kaibigan niya at putek na yan naka yung itsura nila para silang bakla na gulat sa pangyayari, dahil ang mga kamay nila ay nakatakip na sa kanilang bibig.

Baklang to!

" Mr. Mejarez, Ms. Aranandez. Go to detention room now!! " Biglang sigaw ng prof namin, napatingin pa to sakin at sa tatlong kumag. " Join them." Inis na utos nito samin.

Pakshit naman talaga nadamay pa ang beauty ko.

Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa inutos ng professor namin. Nag punta na kami sa detention room.

" Saan ang masakit?" Tanong ko kay Zeil, inirapan naman ako nito at kumuha ng suklay sa bag nya.

" Kalalaking tao lakas manambunot. Bakla ata amputa."

"A-anong bakla?!" Biglang sigaw ni Raylee na nasa likod lang namin.

"Bakla ka tanga." Zeil

"What?! You called me gay and also tanga?! Nakakainis ka talaga."

O__O

"Awit" Zeil

Bigla nalang nag papadyak si Raylee sa harapan namin na parang batang inis na inis dahil inagawan ng lollipop.

Pakshit naman oh.

Nakapout nitong tinanggap ang inabot ni Liam sakanya.

"You'll pay for it."

"Oh."

Biglang nag labas ng isang libo si Zeil at inabot ito kay Raylee, nang mapansin niyang ayaw tanggapin ni Raylee ang pera ay hinayaan nalang niya itong mahulog sa sahig, tsaka na niya ako hinila para pumunta sa detention room.

Gusto ko nalang mag palamon sa lupa!

Yari talaga kami kay Chairman nito, lalo na kay Moma. Paniguradong papagalitan na naman si Zeil pag nabalitaan nila mga ginagawa nito sa school.

Pag dating namin sa detention room ay sumalubong samin ang magandang babaeng nakasalamin na mukhang mga nasa 30's palang.

Pinaupo kami nito at kasunod non ay ang pagbukas ng pinto at pumasok ang apat na hari.

Hari ng kurimaw.

Nakasimangot si Raylee ng umupo siya sa harapan namin, inirapan niya pa si Zeil tsaka bumaling ng tingin sa babae.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now