chapter 19

7 1 0
                                    

Raylee P.O.V


Dalawang araw na ang nakalipas matapos naming mag karoon ng family dinner.

Sa tuwing naiisip ko yung eksenang yon parang masisiraan ako ng bait, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o hindi. Hanggang  ngayon kase hindi parin kami nag uusap ni Zeil, panay lang ang kulong niya sa kwarto, halos dalawang araw na din siyang hindi lumalabas ng kwarto niya, hindi ko alam kung pano niya natagal yon. Hindi man lang siya bumama para uminom ng tubig o kumain, hindi ko naman siya magawang katokin o dalhan ng pag kain dahil natatakot ako na isipin niyang may gusto na din ako sakaniya, kahit ang totoo ay wala naman talaga.

Halos dalawang gabi na din akong walang maayos na tulog. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan tungkol sa sinabi niya noong nakaraang araw pero wala akong sapat na lakas para makausap siya, sa  totoo lang wala naman dapat akong pakealam kung yun yung nararamdaman niya sakin dahil may girlfriend na din naman ako, kaso hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko sakaniya!

I think it's because of my curiosity.

Panong minahal niya ko kung kailan lang naman niya ako nakilala?

We met in a wrong situation and at the wrong time, that's why we have a conflict.

Pano niya ko minahal kung para kaming aso't pusa kung mag away, Wala atang oras na nag kasundo kami!

How can she love me if I can't even smile at her?

Binabaliw ako ng mga sinabi niya!!

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa kapraningan.

Mababaliw na ata ako

T__T

Kailangan ko na yatang mag punta sa psychiatrist.

Para akong madedepress!

Tumingin ako sa salamin tsaka inayos ang sarili ko, sinampal sampal ko pa ang pisngi ko para lang matauhan.

"Yung eye bags ko" nakapuot na usal ko.

Ang itim na ng eyebag ko!

Sa sobrang lutang ko parang kusang kumikilos ang sarili kong katawan habang ang isip ko ay lumilipad na naman kung saan, nadatnan ko nalang yung sarili kong nasa tapat ng pinto ng kwatro ni Zeil.

Nagdadalawang isip ako kung kakatok bako at kakausapin siya o aalis nalang at hayaan na siya mismo ang lumapit sakin para mapag usapan namin yung narinig ko noong nakaraang araw.

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

Kakatakot palang sana ako nang mapansin kong medyo nakaawang ang pinto niya, Hindi ito naka lock!

Should I enter?

Wala nakong nagawa kundi ang buksan ang pinto ng kwarto niya.

O___O

Shit!!!

"B-bakit may g-ganyan?!"

Napatakip ako sa mata ko at agad na tumalikod sa kwarto niya.

Kinakabahan ako at takot na lumingon sa loob ng kwarto niya.

Dali dali akong bumaba at nilock ang gate.

Nakakalat sa loob ng kwarto yung underwear!!

Napaka burara niya naman! Kababae niyang tao kung saan saan nakakalat yung mga gamit niya.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now