Chapter 27

2 1 0
                                    


Raylee P.O.V

Matapos kong batuhin si Zeil ng plastic bottle na may laman pang tubig ay agad akong kumuha ng walis tsaka winalis ang ipis na nabitawan niya dahil sa pag kabato ko sakaniya.

Talagang nilakasan ko ang pag bato dahil sa inis ko sakaniya.

Bakit niya ba ako pipilitin kung ayaw kong palitan yung mga make up niya? Eh mayaman naman siya at kaya niyang bumili ng mga bagong ganon, baka nga kaya niya pang bilhin yung shop na pinagbilhan niya ng make up.

Kainis siya! Kailangan niya pa talaga akong inisin.

Matapos kong maitapon sa basurahan ang ipis ay tinignan ko ng masama ang bruha na ngayon ay hawak hawak ang part ng ulo niya na tinamaan ko.

Nag lakad na siya paakyat at hindi man lang ako pinansin.

Ngayon mo ko tawanan.

Bakit ba naman kase may ganon dito sa bahay?! Hindi ko pa nalilinis ang kwarto ko at madami ng mga kalat doon kaya siguro nag labasan yung mga ipis, kainis talaga!

Dapat may maid kami dito.

Nakanguso akong umakyat sa kwarto, nag shower muna ako matapos non ay pinilit ko ang sarili na makatulog.

*TOK TOK*

Agad akong napabalikwas sa pag kakahiga at napatingin sa pinto ng kwarto ko.

Nakatayo doon si Zeil tsaka nakangiting lumapit sakin. Pinaghandaan niya ko ng mga pag kain.

Bakit niya to ginagawa sakin?

"Good morning asawa ko." Nakangiting bati niya.

O____O

Anong nakain ng isang to?!

Pinag titripan niya ba ako?

"A--anong meron?" Nagtatakang tanong ko.

Kunot noo niya naman akong tinignan tsaka umupo sa kama ko at kinuha ang spoon, tsaka ginalawa ang mga pagkaing hinanda niya at nakangiting humarap sakin.

"Open your mouth." Nakangiting utos niya.

Fuck!

Ano ba tong ginagawa niya?!

Wala nakong nagawa kundi ang buksan ang bibig ko at kainin ang inihanda niya, inabutan niya pako ng milk tsaka ako inalalayan sa pag inom non, Nakangiti siya sakin at tsaka tumayo.

"Eat well hubby. I love y-"

Nanlalabo na siya sa paningin ko at hindi ko na magawang marinig ang sinasabi niya hanggang sa hindi na ako makahinga.

A--anong ginawa niya sakin?

May lason yung pinakain niya sakin?! Nilason nyako!

"WAAAAHHH!!" Napabalikwas ako sa pag kakahiga tsaka napatingin sa loob ng kwarto ko.

Nakahinga ako ng maluwag matapos makitang walang bakas ni Zeil sa loob ng kwarto ko.

Panaghinip lang pala.

Pati ba naman sa panaghinip ko hindi ako tinatantanan ng babaeng yon. pinapatay niya ako kahit sa panaghinip lang, napaka lakas talaga mangkulam ng isang yon.

Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom tsaka na nagsimulang maghanda para sa pag pasok.

Ang sama ng araw na to.

Ang lakas maka panira ng panaghinip ko kanina.

Nag bihis na ako tsaka tumingin sa salamin, ang gwapo ko parin kahit na stress na stress na sa buhay.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now