chapter 9

36 16 3
                                    

Zeil P.O.V

Pag uwi namin sa bahay ay agad na kaming nag bihis ni Dea pupunta kasi kaming mall, mamimili kami ng bagong gamit para sa bagong bahay na titirahan ko.

Pag labas namin ay nag aantay ang tatlong kupal sa harap ng kotse ko.

" Sama kami." Naka puppy eyes na sabi ni Kai.

Napaawang ang labi ko dahil sa iniasta nila, mga pacute amputcha.

Wala na kaming nagawa kundi ang pumayag.

Sa kotse ni Kaizer kami sumakay, nasa passenger seat si Sky at si Kaizer ang nag drive habang nasa likod kaming tatlo nila Zent.

" Ano bang bibilhin mo Zeil?" Tanong ni Sky sakin.

" Hay nako, madami siyang bibilhin lilipat na kase siya next week." Sabat ni Dea kahit hindi naman siya ang tinatanong.

" Talaga?" Manghang tanong ni Zent, mukhang tanga talaga ang isang to laging lutang.

" Pupunta kami don pag naayos na mga gamit mo." Sabi ni Kai sakin.

" Sige lang, madami pang basura don inaantay ka na." Napaawang naman ang labi niya sa sinabi ko.

Nakarating nadin kami sa mall una kaming nag grocery, matapos non bumili kami ng mga kakailangan ko sa bahay.

Parang tanga pa yung apat na mag kakapatid dahil pinag pipilitan na bilhin yung mga knife na hawak nila.

" Mas maganda nga kase to." kwestyon ni Sky kay Kaizer

" Ito nalang kase, malaki pa! Hindi ka na luge." Si Zent.

" Ano ba naman yan! Wag na kayong mangealam ito nga kase yung bibilhin niya." sabi ni Dea habang tinututok yung knife sa tatlo niyang kapatid.

Mga kupal talaga.

GERMS LAMUNIN MO NAKO!!

" Bibilhin ko na yan lahat." I said.

" Talaga?!!" Manghang tanong nila, napairap nalang ako sa sobrang stress sa apat na to!

" Oo, tapos isa isa kong itatarak sainyo." Sabi ko habang pinanlisikan sila ng mata.

" Ay wag mo na pala to bilhin." Usal ni Sky tsaka napipilitang binaba ang knife na hawak niya, ganon din ang ginawa ng tatlo.

" Wag ka na bumili niyan hindi naman yan kailangan sa bahay." Si Keil na ngayon ay hawak hawak na ang spoon.

Iba din trip ng mga to! Kanina lang pinag pipilitang ipabili sakin, ngayong bibilhin ko na ayaw naman na nila.

" Oo nga ito nalang oh." Si Zent na inaabot sakin yung mga plate.

Napangiwi nalang ako sa kanilang apat, matapos ng pag tatalo nila ay binayaran na din namin yung mga pinag kukuha nila.

Lumabas na kami ng shop, panay naman ang reklamo nila na ang bigat daw ng bitbit nila.

" Ang bigat naman nitong sakin!" Si Keil na pakamot kamot pa ng ulo.

Kung hindi ba naman siya isang malaking tanga, panay ang kuha niya sa shop ng kung ano ano kahit hindi naman kailangan sa bahay.

" Panay kayo reklamo, dalhin niyo nalang to sa parking lot." Utos ni Dea sa mga kapatid niya.

Nagyaya kasing pumunta sa bookstore si Sky, ano pa bang aasahan sakaniya, taong libro ang isang yon halos wala ngang girlfriend hanggang ngayon, baka magulat nalang kami sa sobrang pagiging bookworm niya pati siya may cover na rin.

Nag tuturuan pa sila Kaizer at Zent kung sinong mag dadala sa parking lot ng mga pinamili namin.

" Dalhin niyo na yan." Utos ko napaawang naman ang labi nila sa sinabi ko.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now