Chapter 5

63 40 4
                                    

Zeil P.O.V

Huminto ito sa tapat namin at galit na galit na tumitig sakin.

Nako naman ano ba itong pinasok ko?!

Mahigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko at sapilitan akong itinayo.

"A--ano bang problema mo?!" inis na tanong ko sakaniya,habang nakatingin sa braso kong hawak hawak niya.

" Wag mong sabihing coincidence na naman to!!! " Sigaw niya sakin, kitang kita ang galit sa kaniyang mga mata.

Ang sakit na ng braso ko dahil sa sobrang higpit ng pag kakahawak niya.

" Ano bang problema mo?" Tanong ko habang pumipiglas sa pag kakahawak niya sakin.

" Ako dapat ang mag tanong sayo niyan!!" Galit na sigaw niya.

" Dre tama na." Awat ng isa niyang kasama, ngunit hindi man lang niya ito pinansin at tinuon lang ang paningin sakin.

" Hindi mo ba talaga kami titigilan?!" sa pagkakataong ito ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso.

" B-bitawan mo ko!" Mag kasalubong na ang kilay ko ng sabihin ko yon sakaniya.

Pabalya niya naman akong binitawan, dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

ANAK NG P*TCHA

" INAANO BA KITA?!" inis na tanong ko, tsaka binangon ang sarili sa pag kakasalampak sa sahig.

Sila Dea naman ay hindi malaman kung ano ba ang gagawin, madami ng mga estudyanteng nanonood samin!

Bida na naman ako!

" TIGILAN MO NA KAMI!! " sigaw niya sakin.

" HUH?" sarkastikong sabi ko. " Praning ka ba? EH WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SAYO!!" sigaw ko pabalik sakaniya.

" SAKIN WALA PERO SA GIRLFRIEND KO MERON!!!" sagot niya sakin

                             KATAHIMIKAN

" Baka naman pwedeng idaan nalang natin to sa magandang usapan."  sabat ng isa niyang kasama.

Nakakunot noong nilingon niya ito, para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

" Nahihibang ka na ba? Siya yung dahilan kaya hanggang ngayon hindi kami magkaayos ni Dorothy." sabi niya sa isa niyang kasama. " At ngayon nandito siya sa University. Kailan mo ba kami titigilan?! Wala naman kaming atraso sayo." Usal nito sakin.

" bakit ba galit na galit ka sakin?! Eh Hindi ko naman sinasadya yung mga nagawa ko sainyo!! Hindi ko ginusto yon."

Sarkastiko naman siyang natawa, tila namamangha sa mga sinabi ko sakaniya.

" Ginagago mo bako?! Nakaratay si Dorothy sa clinic ngayon dahil sinapak mo! Hindi bat gusto mo kaming mag hiwalay!! " Tinulak tulak ako nito kaya naman panay ang atras ko.

" Kasalanan niya yon, Hindi ko naman alam na sasalubungin niya yung sapak ko." Nakangising sabi ko.

Kakikitaan ng galit ang mga mata niya, mas lalo niyang nilakasan ang pag tulak sakin dahilan para maatrasan ko sila Dea.

" Wag mo ng patulan" pakiusap sakin ni Dea.

Gustuhin ko man siyang sundin,Wala na akong magagawa dahil halata sa lalaking to na gagawa at gagawa siya ng paraan para magantihan ako!

" Isang tulak mo pa titiklop ka talaga." banta ko dito, pero tumawa lang ang loko.

" Dre awat na" inaawat na siya ng mga kasamahan niya pero hindi parin nag patinag ang loko.


I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now