chapter 8

47 21 3
                                    

Raylee P.O.V

Wala man lang pumapansin sakanila sa harapan, abala ang mga classmates ko sa mga kalokohan.

Hindi naman sa mga bobo kami o ano pag gusto naming gumawa ng mga activity gagawa kami, kaso tulad ngayon wala naman yung professor namen kaya baliwala na samin ang iniwang activity ng prof namin.

*BLAAAG!!*

Natigil sa pag kakagulo ang mga kaklase ko tsaka tahimik na napatingin kay Zeil!

Here we go again!

mainis ka pang bwiset ka!

" Sagutan niyo to!" Utos niya tsaka nilapag ang mga papers sa mesa.

" Lakas mo namang mang utos! Bakit sino ka ba?" Tanong ni Chub, isa sa mga siga sa campus.

Sige lang pag tripan niyo ang babaeng yan! Tignan ko lang kung tatagal ka pa sa university na to!

Tinignan naman niya ang kaklase ko mula ulo hanggang paa.

" Sagutan niyo na to para matapos na" Wala sa mood na usal ni Zeil.

Hindi naman makapaniwalang mapasinghal si Chub!

Yari siya diyan.

" Ang tapang mo manan! Mukha kang masarap miss. p
Pag natikman kita titiklop ka talaga sakin hahahaha" usal ni Chub.

What the hell!

Cringe.

" Sagutan niyo na to, ipasa niyo sakin pag tapos na kayo." Usal ni Zeil na hindi man lang pinansin ang sinabi ni Chub, Kaya mas lalong itong nainis sakaniya.

Yari ka!

Agad siya nitong hinawakan sa braso at sinandal sa pader!

Hahalikan na sana siya nito kaso ay biglang umawat si Liam sakanila,napangiwi nalang ako sa ginawa ni Liam.

Tsk! Paepal na naman!

" Chub, easy lang" suway ni Liam tsaka bumaling ng tingin kay Zeil na inirapan lang siya.

Nilahad ni Liam ang kamay niya, agad naman siyang tinaasan ng kilay ni Zeil, tss kaartehan! Kala mo naman maganda!

" Tumabi ka diyan, Garcia matapang tong babaeng to eh! Halika dito at paranas mo sakin kung gano ka kasarap.HAHAHAHA" pang aasar ni Chub kay Zeil nginiwian lang siya nito at tsaka nag lakad papalapit kay Chub!

Yuck kadiri siya! Talagang papatulan niya si Chub?! Really?! Ang pangit pangit ni Chub at mukhang adik dahil sa laki ng mata at payat!

" Sagutan mo na yan."

O__o

Yun na yon? Inabot na niya kay Chub yung papel tsaka siya pumunta sa harapan para umupo, bago pa man siya umupo ay nag spray muna siya ng alcohol sa uupuan niya.

" Takte Dre! Sobrang arte pala niyan." bulong Derk sakin.

Napangiwi nalang ako, sobrang arte nga niya hindi naman niya ika mamatay pag umupo siya sa upuan na yon, hindi naman kasi yon madumi.

" Hoy!! Tumayo ka diyan!" Sigaw ni Chub sakaniya tsaka sinampal sa mukha niya yung papel na binigay niya dito! mukhang galit na galit na si Chub dahil hindi niya man lang pinansin o pinatulan ito.

" Tatlong beses kitang hindi pinatulan." Usal ni Zeil.

Natawa naman si Chub sakaniya.

" Oh bakit hindi mo ko patulan ngayon?! Ha?!" Hamon ni Chub sakaniya.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now