Chapter 24

1 1 0
                                    

Zeil P.O.V



Pumasok nako sa loob ng guestroom at tinignan ang mga picture frame na nakalagay doon.

May isang batang lalake na may yakap yakap na malaking Barney.

Medyo chubby pa dito si Raylee.

Napatingin ako sa loob ng guestroom at talagang punong puno ng Barney dito, may human size pa na stuff toy na Barney at mula sa mga pillows, cabinet,drawer puro Barney!

May mga stickers pa ni Barney sa pader, napatingin pako sa isang picture frame.

"HAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko na mapigilang matawa.

Hanggang ngayon fan parin siya ni Barney?

May picture pa siya na mukhang ngayong year palang iyon kinuhanan, yakap yakap niya yung Barney tapos naka suot siya ng pantulog na barney ang design.

"A-anong meron?!"

"Shit!!"

Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sakin tsaka ako kinaladkad palabas ng guestroom.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ko!" nag pumiglas ako kaya agad niya rin akong nabitawan.

"B-bakit ka pumasok don?!"

"Anong bakit?! Malamang bahay ko to, may karapatan naman akong pumasok don, pfffftttt hahahahahah" Hindi ko na napigilan ang mapahagalpak sa pag tawa dahil sa suot niyang pantulog.

"W-wag ka ngang tumawa!! Wag na wag mong ipag sasabi kahit kanino yung nakita mo!!" Pananakot niya sakin.

"Eh ano namang gagawin mo kung sabihin ko sa iba?!" Hamon ko sakaniya.

"Ipag kakalat ko rin yung nakita ko!" Panakot niya sakin kaya natawa ako sakaniya.

"Wala naman akong mga stuffed toy gaya mo, Wala kang panapat sakin."

"A-akala mo lang, s-subukan mo lang talaga, ipag kakalat ko yung picture ng mga a-ano mo." Usal niya na hindi niya natapos dahilan para matawa ako sakaniya.

"Oh ng ano?" hamon ko.

"Yung a-ano."

"Yung alin?"

"Panty mo!"

O____O

Nak ng putcha!

Dali dali siyang umakyat sa taas tsaka dumiretso sa kwarto niya at iniwan ako ditong mukhang tangang hindi makapaniwala sa sinabi niya

Pano siya nag karoon ng picture ng mga undies ko?! Dali dali akong nag punta sa kwarto at nakakalat doon ang mga gamit ko, sanay akong nakakalat doon ang ibang gamit, may time na sa sobrang pag mamadali kong pumasok sa umaga ay nakakalimutan kong iligpit yung mga gamit ko, kaya tuwing uwian na ako nakakapag linis ng kwarto.

Pero pano siya nakapasok sa kwarto ko?!



***********

Raylee P.O.V

Palakad lakad ako sa loob ng kwarto at nag iisip ng pwedeng gawin.

Pano pag pinagkalat niya sa buong university na mahilig ako sa Barney?!

Bakit niya pa kase binuksan yung guestroom?!

T____T

Kung hindi ko lang siya kasama sa bahay safe na safe sana yung mga Barney ko.

Gusto ko ng umuwi samin T___T

Napalingon naman ako sa pinto ng kwarto ko, dahil sa narinig kong pag katok. Binuksan ko iyon ng konti, dahil hanggang ngayon ay naka pantulog parin ako na may design na Barney.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now