Chapter 22

0 1 0
                                    

Zeil P.O.V


Almost one hour na kaming nandito sa rooftop kaya kinain nalang namin ang mga pagkain na inorder namin kanina, habang si Nic Nic naman ay pilit na buksan ang lock gamit ang quiz paper niya.

"Teh tumigil ka na diyan, jusko san ka pa pinag lihi ng nanay mo?!" frustrated na tanong ni Tin kay Nic Nic.

Nakapout naman na lumapit samin si Nic Nic.

"Niloloko lang ata ako nila mommy, pasabi sabi pa silang education is the key eh hindi naman non nabuksan yung lock." Nag mamaktol na usal niya tsaka tumabi samin.

"Hay nako kung nakakamatay lang ang kabobohan baka matagal ka nang wala." sabat ni Dea na panay ang kain.

"Nako teh hindi mo talaga mabubuksan yan ang baba ba naman ng score mo." Pang aasar ni Tin kay Nic Nic na nanlalaki naman ang matang napatingin sa quiz paper niya.

"Hala!! Oo nga noh! Kaya pala ayaw bumukas dahil 0 ang score ko dito hehehe ate Zeil ikaw nalang ang mag bukas diba highest ka dito." Napaawang nalang ang bibig ko sa sinabi niya.

Nak ng putcha

Mahirap ng gamutin ang isang to.

"Hahahahahaha nako Nic manahimik ka nalang baka mahawa pa kami sayo." usal ni Ly.

"Hala bakit? Wala naman akong sakit"

Hindi ko nalang sila pinansin at tumayo na tsaka sinubukang tawagan sila Kaizer, Alam kong nasa klase sila ngayon pero pwede naman silang mag excuse muna para mapuntahan kami dito. Una kong tinawagan si Keil pero hindi niya sinasagot ang tawag, Hindi ko na sinubukang tawagan si Sky dahil paniguradong hindi yon mag papaistorbo sa tuwing nag aaral siya. Kaya tinawagan ko nalang si Zent.

Ilang ring pa lang at sinagot niya narin.

"Zent."

"Mr. Gabrielle!! Wala ka na talagang kadala dala kumakain ka na nga sa klase ko tapos gumagamit ka pa ng cellphone?!" Rinig kong sigaw galing sa kabilang linya.

Prof ata nila yon

Binabaan ako!

"Oh anong sabi?" tanong ni Dea sakin.

"Binabaan ako." Nakangiwing usal ko.

Hanggang ngayon pala ganoon parin ang ugali ni Zent sa klase tsk! Mag kapatid talaga sila ni Kaizer, Kung si Kai ay mahilig mag ditch sa klase siya naman mahilig sumuway sa mga prof niya gaya nalang ng pagkain sa loob ng klase at pag gamit ng cellphone.

May time pa nga dati na pinatawag sila tita dahil nag vlo-vlog siya sa loob ng classroom nila, iba talaga pag may sayad.

Wala na kaming choice kundi ang mag hintay ng dismissal, para kung sakali mang may guard na lumibot mamaya ay matulungan kaming makalabas dito.

"Humanda talaga sakin yang si Dana pag nakalabas tayo dito kakalbuhin ko talaga siya!!" Inis na usal ni Dea habang panay ang subo ng pag kain.

"Wag niyo ng gantihan may sayad lang talaga ang isang yon." usal ni Ly.

Sabagay mukha naman talagang may sayad ang isang yon.

Nasa rooftop kami ng building na may halos anim na palapag, wala pang masyadong nag lalabasang mga estudyante dahil nasa klase pa kaya sa tuwing dumudungaw kami ni Dea sa baba ay wala kaming matawag na student para tulungan kami kaya mamayang dismissal nalang dahil paniguradong madami ng mga estudyanteng mag lalabasan.

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now