Chapter 1

173 21 44
                                    

"Yes, Ms. Escobar?" Hindi na ako nagulat nang ako na naman ang unang tinawag ni Mrs. Villaflor. Kapag may biglaang recitation kasi siya ay wala ni isang matapang na nagpepresinta sa mga kaklase ko—kahit ako. But I have no choice, I need to answer whatever question it is or else.. mababa na grade ang ibibigay niya sa 'kin. Bagay na pinakaayaw ko dahil isa ako sa mga grade conscious na estudyante. Dahil kailangan ko 'yon. 

Kailangan kong maging valedictorian. Kailangan kong makakuha ng scholarship pagtungtong ko ng college. Kailangan kong maging abogado. Kung pwede lang sanang mabilisan iyon para makuha ko na agad ang mga kapatid ko sa puder ni Papa… kaso hindi nga pwede. Dahil makukuha ko lang 'yon kung magsisikap ako, walang pangarap na isang pitik lang ay nandiyan na agad sa iyong harapan.

Nang tumayo ako ay narinig ko pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng mga kaklase ko pati ng kaibigan kong si Dionne na kalapit ko lamang. Akala mo ay nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil ako ang unang tinawag. Matatawag din naman sila mamaya kaya palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung anong mali sa pagiging una. Nagkibit-balikat na lamang ako bago binalingan ng tingin ang gurong nasa unahan. 

"The hidden message of the novel is that first impressions isn't always correct, that the key to a happy marriage is having respect and love on your significant other. The author emphasized that one should not make hasty judgements based on someone's appearances," I answered it confidently. 

Nang ngumiti sa akin si Mrs. Villaflor ay simple ko rin itong nginitian. It looks like that I met her expectations. Sa lahat kasi ng subject teacher namin, siya iyong strikto kaya marami ring takot na estudyante sa mga suprise quiz and recitation nito. I was really amazed on how she handle our class, her students dahil halos lahat ay nagsama-sama na sa section na 'to. Lagi niya pang sinasabi sa amin na hindi niya kailangan ng matalino sa klase niya dahil mas kailangan daw niya iyong masipag. And I agreed to her. Aanhin mo nga naman ang taglay na katalinuhan kung hindi mo naman gagamitin sa magandang paraan? 

"Kung lahat siguro ng estudyante ko ay katulad ni Ms. Escobar, mas gaganahan ako sa klase," sambit nito habang may isinusulat sa hawak niyang papel na naglalaman ng mga pangalan namin. Nakahinga ako ng maluwag, hindi dahil sa papuri niya kundi dahil tama ang sagot ko. Ilang gabi ko rin kasing binasa ang nobela na 'yon at kagabi ko lang ito natapos. Buti na lang talaga at may naintindihan ako kahit papaano. 

Natapos ang klase namin nang hindi natatawag si Dionne kaya naman labis ang pagkatuwa niya. Hindi ata sumagi sa isip niya na iba pa rin kapag nakapag-recite ka. Sabagay, hindi niya naman kailangan ng mataas na grade. Siya iyong estudyanteng walang reklamo sa grade niya basta hindi lang bagsak. Not me, we're a total opposite but still she's my friend. Masipag din naman siya, hindi lang talaga bothered sa mga markang nakukuha nito. 

"Astraea!" Napalingon ako sa likuran at napailing na lamang nang makita ang tumatakbong si Dionne papalapit sa akin. Agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko habang hinahabol ang kaniyang sariling hininga. "Hindi ka pupunta sa library ngayon diba?" dugsong na tanong niya. 

Marahan akong tumango na nagpangiti sa kaniya. I knew it, dadalhin niya naman ako sa kung saan. Itatanong ko pa lang sana kung saan na naman kami pupunta nang bigla niya na lamang akong hatakin palabas ng eskwelahan. At tama nga ako. Sa labas ay bumungad na agad sa amin ang kotse na niregalo sa kaniya no'ng daddy niya. Hindi nga lang siya pinapayagang magdrive hangga't wala pa siyang lisensya kaya may sarili siyang driver. 

Agad kaming pumasok sa backseat saka kinausap ni Dionne iyong driver niya. Nasa mid 50's na ito, mabait at minsan ay kinakausap din ako dahil palagi kaming magkabuntot ni Dionne kaya nasanay na rin sa 'min ang mga tao. 

"The Nexus tayo, manong," usal ni Dionne na nagpaangat ng kilay ko. The Nexus? Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan na iyon. 

"Mall ba iyan?" naguguluhang tanong ko nang lingunin ako ni Dionne. Hobby niya ang mag shopping kaya halos makabisado ko na rin ang mga taste niya.

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora