Chapter 18

35 0 0
                                    

"Wala na tayong oras, Adeena! Kailangan nating makarating sa kung nasaan man sila ngayon dahil baka wala na tayong maabutan!" Hindi ko na napigilang sumigaw sa inis nang mabigo na naman kami. Ito na ang pangtalong beses na nag teleport kami ngunit sa ibang lugar kami dinadala nito.

Ramdam ko na rin ang bahagyang panghihina ng katawan ko dahil sa sunod-sunod na paggamit ko ng teleportation. Pero hindi ako pwedeng sumuko, kailangan naming pigilan ang dalawa. Magkaibigan sila for pete's sake!

"We can't teleport without knowing the clear direction of that place, Astraea. Paano tayo dadalhin doon ng mahika mo kung wala kang ideya kung ano at saan ang lugar na iyon?" anito na siyang ikinatigil ko.

Mariin akong napapikit matapos niyang sabihin iyon, bakit nga ba nawala ang bagay na iyon sa isipan ko!

"Kung gayon ay paano tayo makakarating sa kung nasaan sila Lorcan? Baka may iba pang paraan para mas mabilis tayong makapunta roon, Adeena," sambit ko, kumakapit sa katiting na pag-asang hindi nila magagawang saktan ang isa't-isa sa kabila ng mga dugo, sugat at batuhan nila ng salita kanina.

Swear, hindi ko kayang patawarin ang sarili ko kung may mawala man sa kanila ng dahil sa akin. Laban ko 'to at hindi dapat naaapektuhan ang pagkakaibigan nila dahil sa kung sinumang gustong pumatay sa akin. Hindi dapat sila nadadamay.

"Alam ko na... alam ko na kung paano natin sila matutunton, Astraea!" tila nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Adeena ng marinig ko iyon. Agad akong nagbaling ng tingin sa kaniya.

"How?"

"I can create a portal, Astraea. Iyon ang magdadala sa atin sa kinaroroonan nila Nathara,"  masayang sambit nito ngunit agad ding napawi ang ngiti niyang iyon na siyang ipinagtaka ko. "Pero... hindi magtatagal ay mawawala rin ang portal at kung totoo nga ang sinasabi mo na balak nilang patayin ang isa't-isa ay tila kulang ang dalawang minuto para awatin ang dalawang iyon. We only have two minutes, Astraea. Tanging nasa royal family lamang ang kayang gumawa ng portal na nagtatagal ng ilang minuto."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Why is it so complicated and frustrating to stop Lorcan and Nathara? Damn it!

"Create the portal now, Adeena. Wala na tayong oras," seryosong ani ko na ikinatango naman ni Adeena sa akin.

Mabilis niyang inumpisahan ang paggawa ng portal hindi kalayuan sa akin nang masilaw ako ng isang kakaibang liwanag na nagpapikit sa akin. Mukhang tapos na ang sinasabing portal ni Adeena kaya masakit man sa mata ang liwanang na nagmumula rito ay pinilit kong magmulat.

"Through the means of my vested power. I now command you to extract my order. Summon us, take us there."Adeena uttered, casting a spell near the protal when she suddenly look at me. "Let's go now, Astraea."

Mabilis akong tumango saka humakbang palapit kay Adeena nang abutin nito ang kamay ko. Malalim akong bumuntonghininga bago tinanggap ang kamay nito.

Isang hakbang, isang hakbang lang ang ginawa namin nang maramdaman ko ang mga paa kong wala ng maapakan. Agad akong kinain ng takot kaya mabilis akong nagmulat ngunit wala akong ibang makita kung hindi ang kadiliman. It's all plain black. It's always the darkness that scared the hell out of me.

Damn it! Matagal pa ba 'to?

"This will only take at least 20 seconds, Astraea. Now close your eyes and be patient, please," mahinang turan ni Adeena na akala mo ay nabasa ang laman ng isip ko.

Yeah. Matuto ka kasing maghintay, Astraea.

"Mukhang nandito na tayo... ngunit nasaan sila Lorcan?" rinig kong sambit ni Adeena na siyang nagpabalik ulirat sa akin.

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now