Chapter 9

22 6 2
                                    

"You call that normal?" I blurted out. Hindi makapaniwala sa tinuran ni Levy na nasa tabi ko.

We are heading to the palace to see the king. Sa anumang oras ay tatapak na ulit ang mga paa ko sa royal household, makakaharap ko na naman ang hari ng emperyong ito. Gusto ko rin siyang makausap kaya naging pabor din sa akin ang desisyon ni Lorcan na bisitahin namin ang hari. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kapangyarihan ng kwintas na aking suot. Gusto ko ring malaman kung paano kontrolin ang iba pang kapangyarihan na taglay nito.

Nawala lamang ang isip ko ro'n nang maramdaman ang pagsiko sa akin ng katabi ko. Oo nga pala. Kausap ko pala ang isang 'to na nawaglit na sa isip ko dahil sa ideyang makikita ko si Haring Astaseul. Saglit kong sinulyapan si Lorcan na nauuna sa paglalakad kaysa sa amin ni Levy. Kapagkuwan ay si Levy naman ang nilingon ko saka ito pinagtaasan ng kilay dahil napalakas ang pagsiko niya kanina.

Ngumiti lamang ito sa akin saka marahang tumango. "Normal lang iyong ginawa niya kanina sa 'yo dahil dumaan din kami ro'n kaya namin siya naging kaibigan. Triggering someone is his specialty. Ginagawa niya iyon para ma-trigger ang kung sino mang kaharap niya at ang kapangyarihan nito. On your case, effective ang ginawa niya," sambit pa nito sa kalmadong boses.

He has a point though, pero hindi ko magawang sumang-ayon sa kaniya kahit epektibo ang ginawang pananakot ni Lorcan sa akin. Marunong naman akong magpatawad, hindi nga lang ganoon kadali. Hindi madali dahil buhay ko lang naman ang nakataya sa ginawang pag-atake ni Lorcan. I don't want to die yet, at least not in this world.

Hindi na ako umimik matapos iyon. Ayoko nang makipag-argumento pa kay Levy dahil alam kong kakampihan niya pa rin ang kaibigan sa huli. Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad habang ang mga mata ko'y nagmamasid-masid sa paligid.

Nagtataasang mga puno, mabato at lubak-lubak na daan, madilim na kalangitan at isang may kalakihang diyamante na nakalutang ang siyang umagaw ng aking atensyon. Napako ang tingin ko ro'n, puno ng pagtataka ang mukha dahil parang sinusundan kami nito. Mali. Siya pala ang ang sinusundan namin.

"That's our escort who will lead us to the palace, mi lady. Hindi ka na dapat magulat sa mga simpleng bagay tulad niyan dahil tiyak kong may mas gugulat pa sa 'yo mamaya sa oras na makatapak tayo ng palasyo."

Napaangat ang isang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" kuryosong tanong ko kay Levy na nagkibit-balikat lamang saka muling nagpatuloy sa paglalakad.

A revelation? May iba pa ba akong dapat malaman?

Ilang beses ko pang kinulit si Levy tungkol sa impormasyong iyon ngunit pare-pareho lang din ang sagot na ibinibigay niya sa akin, ang maghintay na makarating do'n upang malaman ang isang impormasyong gugulat daw kuno sa akin.

Halos sampung minuto pa ang ginugol namin sa paglalakad hanggang bumungad sa 'king mga mata ang higanteng gate na may mga nakatayong kawal.

I stared at the floating diamond for a while, been curious if it will open the gate for us until my forehead creased because of disappointment. The diamond vanish through the air, failing me.

Binalik ko na lang muli ang tingin sa unahan kung saan nandoon si Lorcan, nakaharap sa mga kawal habang ang dalawang kamay ay nanatili sa kaniyang likuran.

Ano bang ginagawa niya ro'n? At bakit hindi pa binubuksan ng mga kawal ang gate gayong batid kong nakita na naman nila kami kanina? Hindi ba nila alam na inaasahan ng hari nila ang pagdating naming tatlo?

Nakadalwang padyak na ako ng aking paa dahil sa pagkainip nang marinig ang mahinang tawa ni Levy. Iritado ko itong binalingan ng tingin at mas lalo lang lumawak ang ngiti niya nang makita ang busangot kong mukha.

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now