Chapter 13

18 3 0
                                    

Pilit kong itinago ang ngiting naglalaro sa aking labi nang makita ang iritadong mukha ng babaeng nasa harapan ko. 

"You have the guts to threatened the princess on her own empire, huh? Alam mo ba ang parusang pwedeng ipataw sa—"

"Wala akong pakialam," ani ko saka nilingon ang aking mga kasama. Lahat sila ay seryosong nakatingin lang sa akin, nagbabanta ang mga mata kaya agad din akong nagbaling sa prinsesa.

Nakuha niya pa akong ismiran bago sinenyasang lumapit ang kawal na tinawag niyang Lucio kanina. Nang makalapit ay saglit niya akong sinulyapan saka nagbigay galang sa mukhang pinakamamahal nilang prinsesa ng imperyo. 

"Dakpin niyo ang lima niyang kasama at dalhin sa bakanteng kwarto na katabi ng aking silid. Tie them. Secure the door dahil sa oras na makalabas ang mga iyan at gumawa ng gulo sa imperyo ay alam niyo na kung ano ang kahahantungan mo at ng iba pang kawal. Maliwanag?" utos niya na mabilis namang tinanguan no'ng Lucio. 

May iba pang kawal ang lumapit sa amin na dumiretso sa mga kasamahan ko na siyang nagpakuyom ng aking kamao. Tinatali na ang mga kamay nila pero wala akong magawa kundi panoorin ang mga walang emosyong kawal habang ginagawa iyon. 

"At ikaw naman, sumunod ka sa akin," sambit ng prinsesa na siyang ikinabaling ko sa kaniya. Nakakunot pa rin ang noo dahil sa sitwasyon nila Lorcan. 

"Untie them. Kaming anim ang pumunta rito upang kausapin ang hari ng emperyo niyo kaya hindi mo sila pwedeng gawing bilanggo."

Agad umarko sa akin ang kilay ng prinsesa bago mahinang natawa. 

"You should call yourself a lucky one by wearing that necklace, Astraea. I'll tie them for the safety of my people so shut up and follow me," she uttered and motioned something to the guards.

Mayamaya pa ay isa-isa ng lumakad si Adeena na sinundan naman agad ni Nathara habang may tatlong kawal na nakasunod sa kanila. Sumunod ay si Tylor at sa likod niya naman ay si Levy na pasimple pa akong nginitian bago itulak ng kawal dahil sa bagal niya. 

"Make sure that all magians are safe, Astraea. Dapat ay kasama natin sila pabalik ng emperyo dahil iyon ang misyon natin," paalala pa niya saka saglit na sinulyapan ang prinsesang katabi ko bago muling bumaling sa akin. "Mag-iingat ka."

Matapos iyon ay agad siyang naglakad paalis upang sumunod sa iba pa naming kasamahan ng mapansin kong walang tali ang mga kamay niya. Bukod pa ro'n ay wala ring nakasunod sa kaniyang kawal na mas lalong nagpagulo sa akin. 

I immediately looked at the princess beside me but she just shrugged her shoulders. 

"He's the well-known brother of King Astaseul kaya hindi bagay sa kaniya ang mababang uri ng panaling iyon. I'll tie him up next time and bring the most expensive string kung magagawi man siya ulit dito. Anyway, follow me." 

Naiiling siyang nagpatiuna sa paglalakad at hindi na ako muling nilingon. Ni hindi man lang ata sumagi sa isip niya na maaari akong tumakas anumang oras.

Sa huli ay tahimik ko siyang sinundan habang nagmamasid sa paligid ng tinatawag nilang emperyo.

The creepy-crawly feeling when I entered the Kreios Palace brings back the eerie vibe of the Nexus Shop. Para bang binalik ulit ako sa panahong iyon kung saan hindi ko rin maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko. 

Ibang iba ang lugar na 'to kung ikukumpara ko siya sa emperyong pinamamahalaan ni Haring Astaseul. Tanging mga armadong kawal lang ang nakikita ko kasama ng seryoso nilang titig sa akin partikular sa aking mata. Wala akong nakikitang pakalat-kalat na bata kahit sa labas man lang. Nakakapanibago dahil hindi naman ganito ang nasaksihan ko sa ilang araw pa lang na pananatili sa Magus. 

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now