Chapter 12

23 2 0
                                    

"Pwede bang tigilan niyo na iyan? Kung pagbabasehan lahat ng alibi niyo, lahat kayo pwedeng maging suspek dahil sa nangyari sa akin," singit ko sa gitna ng pagtatalo ng lima na ikinatigil nila.

"Mi lady..."

"I don't need any of your explanations. Magpokus tayo sa misyon na ibinigay sa atin ng hari. Kung isa man sa inyo ang nagtangkang pumatay sa akin kanina, I'll deal with you soon. May mga buhay tayong kailangang iligtas at hindi nakakatulong ang pagtatalo niyo," seryosong wika ko na marahan naman nilang tinanguan.

Buti na iyong nagkakaintindihan kami. Alam kong hindi biro ang nangyari kanina pero hindi ko na naman maibabalik iyon. Ayokong mabigo kami dahil lang nagkawatak-watak ang team. That's the least I can do anyway.

Nagtagal ang tingin ko kay Lorcan na kanina pa hindi inaalis ang titig sa akin. I'm a bit conscious on his stares pero nagawa ko pa ring labanan iyon.

"Are you really sure you're okay?" he asked, getting an assurance. Para bang hindi pa sapat sa kaniya ang makitang nakakatayo na ako hindi gaya kanina.

Agad namang nakuha ni Adeena ang atensyon ko nang marinig ang pagsinghap nito. Sinabayan niya pa ng pag-irap para sa kaibigan.

"Of course she's fine! Hello? Ako kaya ang gumamot sa kaniya!" depensa agad ni Adeena na siyang nagpailing na lamang sa akin.

"Tama siya, okay lang ako," sambit ko nang hindi pa rin ako nilubayan ng tingin ni Lorcan.

Malalim siyang bumuntonghininga nang marinig iyon saka bumaling sa iba pa naming kasama.

"May ilang oras pa tayong aantayin bago sumikat ang araw. Use that time to rest, gigisingin ko na lang kayo kapag aalis na tayo," ani niya bago kaming lahat talikuran.

Sinundan ko siya ng tingin ngunit agad ding nawala sa kaniya ang atensyon ko nang isa-isang mag-akyatan sa puno ang mga kasama ko maliban kay Levy.

Confused, I looked at him with my questioning eyes. Gulat pa rin sa ginawang iyon ng mga kaibigan niya na ngayon ay prente ng nakahiga sa sanga ng napili nilang puno.

"Wala ka namang balak matulog diba? Hanapin na lang natin kung saan nagsusuot si Lorcan, mi lady."

"How about them?" nguso ko sa mga kaibigan niya ngunit pinagtaasan lang ako ng kilay nito. Hindi ba man lang siya nag-aalala?

"What about them?" tanong niya pabalik na nagpakunot na lamang ng noo ko.

"They might fall. If they are really asleep, there's a big possibilty that they might lose their balance. Wala ka man lang bang pakialam sa mga kaibigan mo, Levy?"

Mahina siyang natawa saka hinila ang kanang kamay ko palayo roon. Ni hindi ko magawang kumalas sa pagkakahawak niya dahil sa higpit no'n.

Inalis niya lang ang pagkakahawak sa akin nang nasigurado niyang nakalayo na kami. Agad niyang ipinuwesto ang parehong kamay sa kaniyang likod saka siya ngumiti sa akin.

"Don't worry too much, mi lady. Sanay na kami sa ganoon simula pa lang noong maliit kami dahil tambayan namin ang kagubatan. I assured you, hinding-hindi sila mahuhulog doon kaya pwede natin silang iwanan."

Ibig sabihin ay magkakaibigan na talaga sila no'ng mga bata pa sila? Wow.

Wala sa sarili akong tumango saka siya sinabayan sa paglalakad. Madilim pero sapat naman na ang liwanag na nanggagaling sa buwan upang makita namin ang daan kahit papaano.

"Nathara is a novice, right? What's your rank then?" I curiously asked while we're still walking without even an idea where to go to. Sobrang lawak nitong kagubatan at hindi ko man lang marinig ang mga yapak ni Lorcan!

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now