Chapter 3

52 14 40
                                    

I dragged a sigh as I look myself into the mirror. Staring at my reflection wearing the cozy funnel-neck sweater paired with black trousers that Lorcan brought from the blue market earlier.

Ni hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong isama gayong batid niya namang ayaw kong lumabas sa bahay na 'to. Akala ko ba ay malinaw na sa amin na mananatili lang ako rito sa bahay hangga't wala siyang nahahanap na paraan?

Ano na lang ang mangyayari sa akin sa oras na hindi makahanap si Lorcan ng kahit anong hakbang para makaalis ako? Ano na lang ang mangyayari sa akin sa mundong 'to? Sa mundong puno ng mahika na walang kasiguraduhan ang aking buhay.

Pilit kong iwinala sa isipan ko iyon bagkus ay pinagtuunan na lamang ng pansin ang gawa sa kahoy na drawer na nasa aking harapan. Maingat ko itong binuksan, ayaw makarinig ng ingay mula rito. Ngunit kahit ano atang pagdahan-dahan ang gawin ko ay mamumutawi pa rin ang impit na kaluskos sa pagbubukas nito dahil sa labis na kalumaan. Tiniis ko na lamang ang masakit sa tengang ingay na nanggagaling doon hanggang sa tuluyan ko itong mabuksan. Agad bumaba ang tingin ko sa may loob nito. 

Bumungad sa akin ang isang maliit na kahon, ang pinagsisidlan ng bagay na siyang tanging dala ko rito. The necklace. 

Ang kwintas na siyang dahilan kung bakit ako napadpad dito sa Magus Empire. Ang kwintas na sapilitang isinuot sa akin no'ng matandang babae na may-ari ng Nexus Shop. 

I grab it gently with my bare hands, assessing it. The heart-shaped diamond pendant in a white gold setting was hanging downward. Not a typical necklace so it caught my attention the first time I saw it. There's something different and strange vibes on this necklace and I can prove that now. This alluring necklace was the only reason why I'm like a prisoner in this world. 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit sa akin niya isinuot 'to at sapilitan pa. Ngayon ko lang din napagtanto na marahil ay isa siya kila Lorcan, na isa rin itong magian na kayang gumamit ng anumang uri ng mahika.

Ngunit anong ginagawa niya sa mundo ng mga tao gayong hindi naman namin siya kauri? Anong plano niya? Bakit kailangan kong mapunta sa mundong 'to? May koneksyon ba ang kwintas na 'to sa kapalarang tatahakin ko habang nananatili ako rito? Ano ba talagang mayroon sa kwintas?

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil sa daming tanong na naglalaro sa utak ko ngayon. Mariin kong kinatitigan ang kwintas nang bigla akong makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Lumingon ako ro'n ngunit hindi muna tumayo hanggang sa marinig ko na lamang ang pagtawag niya sa aking pangalan. Marahil ay nainip na rin ito kahihintay sa akin. 

"Saglit lang!" sigaw ko pabalik sa kaniya at hindi ko na muling narinig pa ang boses nito. 

Tiningnan ko muli ang aking repleksyon sa salamin bago nagdesisyong isuot ang kwintas sa aking leeg. Ang ganda ngunit hindi pa rin ako natutuwa sa kung paanong sa isang iglap ay binago niya na lang ang takbo ng aking buhay. Na ang simpleng kwintas na ito ang nagdala sa akin sa kakaibang mundong kinaroroonan ko ngayon.

I sighed as I tucked the necklace into my sweater. I need to hide it for now. Kahit naman masama ang loob ko sa matandang nagsuot sa akin nito ay hindi ko pa rin magawang balewalain ang mga sinabi niya.

Natatandaan ko pa ang tinuran niyang maraming nagkakandarapa sa kwintas na ito dahil hindi lang daw ito ordinaryong alahas. Sa ngayon ay pinaniniwalaan ko iyon dahil sa mga hiwagang dala nito sa akin. 

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now