Chapter 15

40 1 2
                                    

Natigilan si Haring Astaseul nang marinig ang agarang tanong ko ng kami na lang ang maiwan. Hindi ko na naitago ang pagiging kuryoso sa kung ano ba talaga ang pagkatao ko, kung sino at bakit nga ba ako napunta sa mundong ito.

Sa lahat ng bagay na gumugulo sa utak ko, isa lang ang nasisiguro ko. This is not a coincidence. There might be a reason why I'm stuck here and I'm dying to know whatever it was.

"Do you really want to know, Astraea?"

I nodded to him.

Nginitian niya lang ako bago nagpatiuna sa paglalakad palayo ng palasyo. Umayos ako ng tayo at tahimik na sinundan siya. Mas pabor sa aking sa tahimik na lugar makipag-usap upang walang makakaantala sa amin.

I sighed. Ito na ang hinihintay mo, Astraea; papalapit na ako sa katotohanan na malamang ay gugulat sa akin.

"This is one of her favorite places," he uttered as he stop walking near a well. Katabi ng balon na iyon ay magkaharap na upuang gawa sa kahoy at sa gitna naman nito ay may isang lamesa na para bang sinadya para sa amin. "Maupo muna tayo."

"You and Haizea are connected, yes."

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi inaasahan na ganito kabilis niyang sasabihin, mukhang handa na talaga siya para rito.

Nanatili ang mga titig ko sa kaniya, tinitimbang ang sitwasyon habang nag-aantay ng sunod niyang sasabihin nang bumuntonghininga ito.

"Hindi pa man namamatay si Haizea, kasama ka na talaga sa plano. Na kung sakali mang tumigil siya sa pagsisilbi sa emperyong ito ay ikaw ang kapalit sa naiwan niyang pwesto. Ganoon kalaki ang tiwala sa 'yo ng kapatid mo, Astraea."

"Ano?!" bulalas ko sa nahuling sinabi niya.

Kapatid? Si Haizea? Paano nangyari iyon?

"She's your older sister, Astraea. You belong to this world in the first place dahil dito ka nabuo at nanggaling," seryosong ani niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"What do you mean? Sa mundo ako ng mga tao lumaki! Meron akong pamilya ro'n kaya imposible naman ata iyang sinasabi mo, Haring Astaseul," sagot ko, ayaw siyang paniwalaan.

"Alam kong nagulat ka pero hindi sila ang tunay mong pamilya. Your mom wants you to live a normal life, Haizea agreed with her kaya nandoon ka sa mundong iyon. You're the main reason kung bakit ipinilit ng kapatid mo na mapalapit sa mga tao dahil inampon ka ng isa kanila."

I gasped. Hindi pa rin lubusang maproseso ang lahat ng sinasabi niya sa akin.

Ang hirap paniwalaan dahil hindi naman iba ang naging trato ni Inay at Itay sa akin-no'ng panahong hindi pa masyadong komplikado. They never told me who I am and I didn't feel adopted. Mayamaya pa ay naramdaman ko na pag-init ng sulok ng mga mata ko. Pasimple ko pang kinurot ang aking sarili para pigilan ang luhang posibleng tumulo dahil sa emosyon ko.

I heard a sigh at huli na nang mapagtanto kong kanina pa pala ako tinitingnan ng haring nasa harapan ko.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?" tanong na naman niya na naging dahilan ng pag-iwas ko ng tingin dito.

He's not lying, I know that. Walang rason para gumawa siya ng kwento. Siya ang hari ng emperyong ito, ang pinakamalapit na kaibigan ni Haizea kaya dapat ko rin siyang pagkatiwalaan.

All of this information shocked me but this world taught me to adapt things as soon as possible. To that, you can live and survive preferably on your own. If my older sister planned this from the very beginning, I should take the path she made. She's my sister after all.

So, I can't really go back huh? Not now that I am meant to be here.

"Astraea," tawag niya sa akin sa kalagitnaan ng pag-iisip ko.

"What?"

"I revealed your true identity because you need to be ready."

Agad umarko ang isang kilay ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Now that everyone knows that you're back, your life can be in danger. They'd be interested on your most powerful weapon so be ready in all situation." He advice like I'm his youngest sibling. The sincerity in his eyes screams it all.

"Easy, I'm still not over by the things you said earlier and now you're giving me a warning? Planado rin ba ang pagkamatay ko sa kung sino mang kaaway ng emperyo niyo?" sambit ko kasabay ng pagbaling niya sa kaniyang likuran na para bang may inaaninag doon.

"You need to listen to me, Astraea. Hindi lahat ng nakakasalamuha mo ay kakampi mo habambuhay. Don't let your guard down. Don't make the same mistake that Haizea made. Don't trust anyone easily."

Napangisi na lamang ako sa sinabi niya. "You're just overreacting, King Astaseul. I'm not in danger," I said and jokingly winked at him.

Ngunit ang birong iyon ay hindi man lang sinakyan ni Haring Astaseul dahil seryoso pa rin ang mukha niya gaya kanina.

"I'm being serious here, young lady. Sa tingin mo ba ay coincidence lang na may umatake sa inyo noong gabing naglalakbay kayo patungo sa kabilang emperyo?" ani niya na nagpatigil sa akin.

Tila saka lang ulit bumalik sa alaala ko ang bagay na iyon ng banggitin niya iyon ng mismong hari sa harap ko. How can I even forget that?

"How did you-"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko ay may blade ng lumilipad papalapit sa amin. Kailan ba ako tatantanan ng mga ganito?

Mabilis kong nilingon ang haring nasa tabi ko at awtomatikong ihinarang ang aking sarili para protektahan ito. Ipinagsawalang bahala na lamang ang reklamo niya sa aking likuran dahil kaya niya raw namang protektahan ang sarili niya. I trust my instinct and my instinct told me that I should protect him.

He's the King and an empire without the presence of the leader will only bring chaos. And I should stopped that from happening.

Nang lingunin ko mulo ang kinaroroonan ng blade kanina ay wala na ito roon.

"King Astaseul, I think the blade is gone so we have nothing to worry." I'm all smile as I faced him kahit wala naman talaga akong ginawa dahil bigla na lamang naglaho ang blade.

"What the fvck? Your arm is bleeding, Astraea!"

"Huh?" gulantang na tanong ko saka nagbaba ng tingin sa tinutukoy niya. Holy shit, Astraea. Bakit may dugong umaagos sa braso ko?

Agad akong sinandal ang aking likod sa upuan habang hinahayaang umagos ang dugong nawawala sa akin. Paanong hindi ko man lang naramdaman ang pagtama no'n sa akin? Ganoon na ba ako kamanhid?

"That blade will make you feel numb, Astraea. Ngayon ay naniniwala ka na ba na sadyang may nagtatangka sa buhay mo?"

I didn't utter a word. He's right, I am really in danger. First, the attack on the forest and now this.

They want me dead. But I wouldn't give them the satisfaction of succeeding. I'll find them. I must.

"Why aren't you saying anything, Astraea? Does it hurt? Let's go back to the palace, let's heal your wound immediately!" Tuloy tuloy na aniya na inilingan ko na lamang. Mas mukha pa siyang injured dahil sa reaksyon niya e.

"King Astaseul? Astraea? What are you two doing here?"

It was Nathara, ni hindi ko halos maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim na ngunit kabisado ko na ang boses nito.

Pero anong ginagawa niya rito? Hindi ba't kanina pa siya nasa loob ng palasyo dahil sa inihandang piging doon?

"This is only the beginning, Astraea. Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko," bulong sa akin ni Haring Astaseul bago ako tinulungang tumayo. Mayamaya pa ay sinenyasan niya rin si Nathara na alalayan ako kaya mabilis itong dumalo sa akin.

Habang papalapit kami ng papalapit sa entrance ng palasyo ay hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nalaman ko ngayong araw hanggang sa muling pag-atake ng kung sino mang may galit sa akin.

Dapat na nga siguro akong maging conscious sa pagkakatiwalaan ko. King Astaseul is right, dito pa lang nagsisimula ang lahat.

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now