Chapter 22

19 1 0
                                    

Mahina akong napadaing nang hindi ko maigalaw ang aking paa at mga braso. Pilit kong iginalaw iyon ngunit kahit ang ability ko ay tila ayaw makisama sa akin. Ni hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mahigpit na pagkakatali sa akin o may iba pang dahilan sa likod ng mga taling ito.

I sighed.

Hindi ako maaaring sumuko ngayon ngunit ayaw ko rin namang ubusin ang natitirang lakas lalo pa at nasisiguro kong nasa lungga ako ng mga Levrada.

"At gising na pala ang pinakamamahal naming bisita."

Mariin akong napapikit nang marinig ang boses na iyon kasabay ng pagbukas ng pintuan. Hindi ko na kailangang lingunin pa sila upang makita kung sino iyon dahil narinig ko na silang nag-uusap sa kung saan kanina simula nang magkamalay ako.

Agad akong nagmulat nang maramdaman ang paglapit nito sa akin habang ang isa ay nanatili lamang sa dating pwesto nito. Sapilitan niyang ipinilig ang ulo ko upang tingnan siya. Nagtiim bagang ako.

His dark red solemn eyes caught me as I scanned his face. Something's odd on his aura except that he's a Levrada. Damn it, I can't read him!

"Are you ready to have some fun, my dear?" Bahagya pa siyang yumuko upang pumantay lamang sa tenga ko at ibinulong iyon.

Walang imik kong nilabanan ang mga titig niya hanggang sa siya na ang kusang bumitaw. Napangisi ako bago nagdesisyong balingan ang isa pang kasama ni Axon, his twin.

Walang kaemo-emosyon siyang nakatingin sa kakambal, ni hindi man lang lumingon sa akin. Mukhang desidido talaga siyang ignorahin ako pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. Tsk.

"Anong balak niyo?" kaswal na tanong ko kay Axon na siyang malapit sa akin.

Agad nagpakita ang ngisi sa labi niya nang marinig iyon. This bastard is pissing me off but I can't do anything. Hindi sapat ang lakas ko para kalasin ang nakatali sa akin. I need the right timing.

"You have no one to fool here, Astraea. Alam mo kung bakit ka nandito, alam mo na ang plano namin." Huminto siya saglit at tumingin sa likuran bago muling binalik ang tingin sa akin. "You should blame Nathara, you know, she's the one who brings you here. Napaaga tuloy at muntik pang mabulilyaso ang plano namin nang dahil sa kadaldalan niya." Napairap siya.

"Axon," tawag ng isa sa kaniya ngunit hindi siya nito pinansin dahil nasa akin ang buong atensyon niya.

Napapitlag ako nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin  pero tinawanan niya lang ako. Damn it! Nangati lalo ang kamao kong gustong lumapat sa mukha niya kanina pa!

"You're going to meet my ancestors tomorrow. Don't worry, we'll go easy on you after you hand us our freedom. For now, relax ka muna. Don't exhaust yourself, you can't really do anything here unless you have dark magic. I doubt you possess one," sambit pa niya saka kumindat sa akin.

Ni hindi niya ako hinayaang magsalita o hindi kaya ay magtanong pa sa kaniya nang bigla na lamang itong umalis sa tabi ko. Tanging pagsara lang ng pintuan ang narinig ko at pagkatapos noon ay wala na. He's finally gone.

"I'm going to untie you, Astraea."

Napalingon ako sa kanan ko nang marinig ko siyang magsalita mula roon. Kunot noo ko siyang tiningnan nang isa-isa ngang maalis ang nakatali sa akin.

Siya ang nagdala sa akin dito tapos ngayon ay pakakawalan niya ako? Nababaliw na ba siya?

"You can't escape here, you are in Levrada's territory. Hindi mo rin magagamit ang taglay mong ability dito dahil itong lugar na 'to mismo ang pumipigil sa iyo kaya huwag mo nang tangkain, Astraea." Walang emosyong sambit niya, iniiiwasan pa rin ang mga titig ko.

Napasinghap ako nang mataman siyang tumingin sa akin, like I'm some sort of stranger pero agad kong iwinasiwas ang isiping iyon. Levrada siya kaya malamang ay nanalaytay din sa dugo niya ang kasamaan ng sarili niyang angkan.

Mayamaya pa ay may iminuwestra siya sa akin na agad ko namang nilingon. Mas lalo lang nangunot ang noo ko nang matagpuan ang isang upuan na siyang tinuturo niya. Nanatili akong nakatitig sa bagay na iyon nang maramdaman ko na lang ang bahagyang pag-angat ng parehong paa ko.

What the heck is happening?

Nilingon ko muli ang upuan. Namilog na lamang ang mata ako nang makitang papalapit na ito sa akin. Damn it, sapilitan niya talaga akong pauupuin?

Segundo lang ay nakaupo na nga ako roon. Napairap na lamang ako saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagkibit-balikat lamang ito bago naupo sa harap ko.

"Adeena." I glared at her emotionless face. Ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip ko na siya ang gustong pumatay sa akin. All this time ay nililigtas niya lagi ako kaya ang hirap paniwalaan na nandito nga siya sa harap ko.

She's a Levrada, she creates this chaos and she killed a friend for this freaking revenge?

"All you have to do is to cooperate with their plans. Nandito ka na kaya wala ka ng magagawa. Kailangan mo lang silang buhayin muli at pagkatapos no'n ay pwede ka ng umuwi sa mundong kinagisnan mo. You don't need to stay here anymore, Astraea," mahabang ani niya saka inabot ang isang kamay ko.

Napasinghap ako, hindi inaasahang sa bibig niya mismo manggagaling ang mga salitang iyon. Cooperate? Para ko na ring ibenenta at sinukuan ang emperyo kung ganoon lang din naman ang gagawin ko. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Giving up is not on my vocabulary.

"This is not you, Adeena. Think of Lorcan and King Astaseul who raised you, they never abandoned you. Handa ka ba talagang talikuran sila? Ang buong emperyo para lang sa mga Levrada na ginagamit ka lang?" seryosong sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya nang magbago ang kulay nito.

Naging pula na ang mga iyon katulad ng mata ni Axon kanina. Mukhang tama nga si Lorcan, hindi na ito madadala ng pag-uusap. But still—she's a friend. Damn it! Gulong gulo na ako!

"Kung hindi sana nila pinatay ang mga magulang ko kasama ng iba pa naming kamag-anak, baka hanggang ngayon ay may pamilya pa rin akong inuuwian, Astraea. Wala sanang paghihiganti kung inayos lang ni Haizea at Haring Astaseul ang desisyon nila noon." May diin ang bawat salita niya. Nang bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya ay nakakuyom na ang mga iyon.

Am I pissing her off already?

"It's a punishment for using dark magic! Imposibleng hindi mo alam iyon. Deserve nila iyon, kulang pa kung tutuusin sa walang habas nilang pagpatay sa mga inosenteng magian noon. At ngayon ay gusto mong buhayin ko sila?"

"May pagpipilian ba ako kung iyon mismo ang gusto nila? Sa tingin mo ba talaga ay gusto ko rin ang bagay na ito, Astraea?"

"Ginusto mo 'to. Your eagerness to get the vengeance you desire drives you to do this, Adeena. Let's put an end to this, they're dead. Matagal ng patay si Axon, ang mga magulang mo o kahit ninuno mo, hindi ko na sila pwedeng buhayin. Pinatay mo na si Nathara at hindi kita hahayaang dagdagan pa iyon. Please, itigil mo na ito, Adeena," nagmamakaawang sambit ko saka hinawakan ang dalawang kamay niya. Nanginginig na ang mga iyon.

I knew it! She's doing it because she have no choice. Naiiipit siya sa sitwasyon!

"I can't back out now, Astraea. Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang mga Levrada, ,my ancestors to be exact. Handa silang kumitil ng buhay para sa kalayaan nila. Hindi ko sila gugustuhing kalabanin."

"But you can stop them!"

She immediately shook her head that raise one of my brows. Mabilis niyang hinawi ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Nagtataka ko siyang tiningnan nang mapansin ang luhang naglandas sa pisngi nito. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya nang mag-init din ang dulo ng mga mata ko. Shit!

"You're wrong. Hindi ko sila kayang pigilan, ni wala akong nagawa noong patayin nila si Nathara. I can't—"

"Nila? You mean you didn't kill her?" takang tanong ko at muli siyang sinulyapan. Nakayuko na ang ulo nito.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay hindi na kulay pula ang mata nito. Bumalik na sa normal ang mga iyon ngunit hindi niya pa rin naitago ang bakas ng pag-iyak niya kanina.

"You really assume I'd go that far for this fucking revenge? If you really think I killed Nathara, you need to think again, Astraea. Hell, I would never do that!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now