Chapter 5

27 8 0
                                    

I'm almost panicking when he didn't stood up. Nanatili siyang nakaluhod sa harap ko habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Malapit na akong mailang sa mga tingin niyang iyon pero hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa haring nasa harapan ko. Ni hindi ko alam kung tama bang titigan ko ang pinuno ng emperyong tinatapakan ng aking mga paa. 

Na para bang lahat ng aral na natutunan ko sa mundo namin ay walang dulot sa mundong 'to. Hindi ko ma-apply. 

Parang bigla akong naging bobo… pakiramdam ko ay pulos kamangmangan lang ang tangi kong ambag sa bagong mundong aking ginagalawan. Ano ba naman iyan, Astraea!

Halos isang minuto rin akong nakatulala lang sa kaniya nang may biglang pumasok na ideya sa isip ko. I want to do the right thing, hindi ko na maatim na tingnan ang hari sa ganoong posisyon. Hindi naman talaga dapat lumuluhod ang isang tulad niya sa ordinaryong taong kagaya ko kaya malalim akong bumuntonghininga bago nagpasyang gawin ang nararapat. Pinagmasdan ko muli ito. 

"Maaari na po kayong tumayo, mahal na hari," diretso kong sinabi saka ibinaba ang tingin sa kaniya na tila hindi inaasahan ang winika ko. 

He blinked, nagtataka ang mukha habang nakatingin pa rin sa akin bago pasimpleng suminghap matapos tumango. Mayamaya pa ay nakita kong nakatayo na siya, tuloy ay ako naman ang tumitingala sa kaniya. 

But who am I to complain? It was already a great privelege to meet the king of Magus Empire. Tho' his presence will make you feel intimidated. I immediately bow my head, I don't want to meet his gaze anymore… I feel so small. I'm really small. Hindi lang sa height kundi dahil din sa kakayahan niya. Ordinaryo lang akong tao, ni hindi pa nga dapat makumpara sa kaniya. 

Pero bakit nga ba siya nandito? Anong ginagawa ng hari sa masukal na lugar na 'to?

"Look up, Haizea," he said in baritone that sent shivers down my spine. Without hesitating, I turned my eyes to the king. 

Why did he call me by different name? Is he pertaining to that girl on the painting I saw earlier?

Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay bahagya kong itinagilid ang aking ulo pakaliwa at pakanan. Pilit tinatandaan kung saan ko nga ba siya nakita, parang imposible namang naligaw siya sa mundo ng mga tao. Tama. Baka nga hallucination lang ito, baka nga kahit ang pagluhod niya ay ilusyon ko lamang dahil sa gutom. Ni hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain. 

"Ako po ba iyong tinatawag niyong H-Haizea?" nauutal kong tanong bago luminga-linga sa paligid ng library. Parang sasabog na ang puso ko sa kaba dahil sa maaari niyang isagot sa akin. 

Mas lalo akong napalunok nang marinig ang mahinang pagtawa ng hari. "Mukhang naguguluhan ka pa sa mga nangyayari. Pasensya ka na, nabigla ata kita sa walang pasabi kong pagbisita," marahang sambit nito. 

"Ano pong ibig niyong sabihin, mahal na hari?" usisa ko pa dahil pakiramdam ko ay mas dadami lang ang tanong sa isip ko kung hindi ako hihingi ng sagot mula sa kaniya. 

Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng library bago tumigil ang titig nito sa akin. Wala na akong bahid ng pagkailang do'n dahil sa ikli ng panahon naming pag-uusap ay panatag na ako, wala ng kabang nararamdaman o ano pa man. 

"Come with me. I'm going to explain everything, Hai—Astraea," he uttered that made my brows furrowed.

Matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay bigla na lamang ako nitong tinalikuran. Nagtataka ko itong sinundan ng tingin at agad nangunot ang aking noo nang tumigil siya sa paglalakad hindi kalayuan sa pwesto ko.

Kasabay ng pagkumpas ng kamay ni King Astaseul ang pagbigkas niya ng mga salitang hindi ko na naintindihan dahil sa labis na pagkamangha. Bigla na lamang may isang pinto ang lumitaw sa kaniyang harapan na naging dahilan ng pamimilog ng mata ko.

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon