Chapter 2

70 19 18
                                    

"Hey, are you okay?" asked by the guy in front of me with a hint of concern in his eyes. I simply look on his magnetic eyes and nodded even if I feel dizzy. "No, you're not. Let's go inside."

Agad niyang hinila ang kamay ko patungo sa pintong nasa harapan namin. Gustuhin ko mang magreklamo dahil hawak niya ang kamay ko ay minabuti kong tumahimik na lang.

Una, wala akong alam sa mundo kung saan ako naroroon ngayon at siya lang ang posibleng makatulong sa akin na makabalik sa totoong mundong ginagalawan ko, ang mundo ng mga tao. Pangalawa, hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin kaya natatakot rin ako matapos makita iyong mga pinaggagawa niya kanina. 

He can teleport for pete's sake! Sino ba namang matinong tao ang hindi mangangamba ro'n?

The house was very welcoming when we entered. Wala akong makuhang tamang salita na makakapaglarawan dito. Sa mga palabas ko lang nakikita ang ganito.

Ang nakakasilaw na init ng araw na nanggagaling sa bintana ang agad na sumalubong sa akin pagkapasok ko kaya hindi ko napigilang magreklamo tungkol doon. Ngunit agad din akong dinapuan ng hiya nang lingunin ako ng lalaking siyang may-ari nitong bahay bago niya nilingon ang bintana. Halos mangatog ang tuhod ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. 

"Claude ostium!" sambit nito habang seryosong nakatingin sa bintana nang kusa itong sumara. Laglag ang panga kong tumingin sa kaniya saka binalingan ang nakasara ng bintana. Pabalik-balik lang ang tingin ko ro'n nang ismiran niya ako dahil sa reaksyon ko. Nagulat pa ako sa naging reaksyon niya ngunit agad din akong nakabawi saka siya pilit na nginitian ngunit tumalikod agad ito sa 'kin. 

Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay niya nang hindi ako nililingon. Sungit. Hindi na ako nag-abala pang sundan ito at mas piniling manatili na lang sa sala o sala nga bang matatawag ito?

Walang tv pero may dalawang sofa at lamesa sa harapan, pinagmasdan ko rin ang mga kakaibang paintings na nakasabit sa pader. May mga koleksyon rin siya ng iba't-ibang libro na nakasulat ata sa ibang lengguwahe dahil hindi ko ito mabasa. Inalis ko ang aking titig doon at ibinaling na lang muli ng mga mata sa paintings. 

Nakakamangha na mahirap paniwalaan habang nililibot ko ng tingin ang buong kabahayan. Ang magical.

Nawala lamang ang atensyon ko ro'n nang maramdaman kong nakababa na siya. Agad ko itong pinasadahan ng tingin at nakitang nakapagpalit na siya ng damit kaya siguro ito natagalan doon sa taas. Nagkibit-balikit na lamang ako. 

"You can sit down, you know?" he adviced when he noticed that I remained upright. He pointed at the sofa, motioning me to take my seat. I nodded at his gesture. 

'Kailangan mo siyang sundin, Astraea. Baka kung anong gawin niyan sa 'yo' pagpapa-alala ko pa sa sarili ko. 

Katulad ng sabi niya ay naupo nga ako ro'n ngunit nanatili lamang siyang nakatayo habang ang mga mata ay nakatuon sa akin. Tiningala ko siya ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin. Weird.

Ilang minuto pa muna kaming binalot ng nakakabinging katahimikan nang siya na mismo ang bumasag no'n. Napatingin ako rito. 

"So what kind of creature are you? Are you a wolf or a vampire?" he asked. I was too shocked to speak when I notice his facial expression, as if waiting for my answer. Me? A wolf or a vampire? Did I hear him right?

"I'm not a wolf nor a vampire," I started that made his brows furrowed, puzzled to what am I saying. "I'm from the human world so basically, I'm a human. Is your world aware of our existence?" 

"Human? Galing ka sa mundo ng mga tao?" bulalas niya na nagpagitla sa akin saka marahang tumango. "Paano kang napunta rito? Iba ito sa mundo niyo!"

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now