Chapter 11

20 2 1
                                    

"So what's your plan?" Nathara asked after the long silence between us earlier. Mukhang alam niya na kung saan ako nanggaling at kailangan lang ng kumpirmasyon kaya iyon agad ang tanong niya sa akin. 

I was speechless when she interrogate me about my origin. Sa palagay ko ay may ideya na siya kung saan ako galing at natatakot akong baka kung saan mapunta ang curiosity niyang iyon. Nasa ranggo siya ng mga Novice oo, pero hindi ko siya pwedeng maliitin dahil lang doon.

She's still a magian and the fact that King Astaseul assigned her in this mission as a part of the team means she has something. And her having an interest with my life is something too. Besides, hindi ko pa rin makakalimutan ang unang encounter namin. 

"My plan was to follow King Astaseul's plan," I simply stated before turning my head to our other comrade. 

Abala sila sa pag-set ng bonfire hindi kalayuan sa pwesto namin. Inabot na kami ng dilim sa paglalakbay patungong Kreios Empire, ni wala pa kami sa kalahati kung tutuusin dahil may kasama kaming makupad kumilos. 

We could have just use teleportation para mas mabilis pero hindi raw iyon pwede. Maaari lang namin gamitin ang mga kapangyarihang taglay namin kapag nasa mapanganib kaming sitwasyon dahil usapan at hindi digmaan ang pupuntahan namin sa kabilang emperyo. 

Parang isang malaking joke pa rin sa akin ang lahat ng 'to pero wala na rin naman akong magagawa. Mali. May magagawa pala ako, iyon ay ang ibalik sa Magus Empire ang mga magian na kinuha ng kalaban nilang emperyo. Ligtas at walang galos. 

"Huwag na tayong maglokohan dito, Astraea. Kung sapat ang kaalamang nakuha mo tungkol sa relasyon ng dalawang emperyo, alam mong hindi basta-basta madadala ng pag-uusap 'to. Malayo sa inutos sa atin ng hari ang posibleng mangyari kinabukasan."

Napaangat ang isang kilay ko, "Balak mong salungatin ang utos ng makapangyarihang magian sa emperyo niyo? Ganoon ba iyon, Nathara?" 

Agad ko siyang binalingan at hindi na nagtaka ng mabasa ang gulat sa kaniyang ekspresyon dahil sa aking tinuran. Mabilis naman siyang nakabawi at nangunot ang noo sa akin kasama ang mga titig niyang mapanuri. 

"Emperyo niyo? Anong ibig mong sabihin?"

Naestatwa ako at ilang segundo pa ang pinalipas bago siya nagawang lingunin. Nakangisi siya sa akin saka pinagkrus ang mga braso.

Damn! Hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko para pagtakpan ang sinambit kong iyon kanina. I was caught off guard. Hinuhuli niya lang talaga ako!

"Nathara? What are you doing here with that… servus?" 

It was Adeena. Mabilis siyang dinaluhan ni Nathara kaya naiwan akong mag-isa ro'n. Hindi na sila nag-abalang lingunin pa ako na pabor naman sa akin.

Naupo ako sa dahon na tinatawag daw na Giant Taro saka nagpakawala ng isang buntonghininga. A sigh of relief dahil hindi ko na kinailangang sagutin pa ang tanong ng mapaghinalang babaeng iyon.

Hindi ko alam kung paano sila magre-react kapag nalaman nilang hindi ako kabilang sa kanila. Lalo pa at isa akong tao, ang nilalang na kinamumuhian nilang lahat dito. Kung si Lorcan at Haring Astaseul ay hindi ako pinarusahan dahil sa kwintas na hawak ko, hindi ibig sabihin no'n na ligtas na ako sa ibang magian na nandito.  

Kahit naman siguro sinong makapangyarihang nilalang ay hindi makakatanggi sa nais ng kaniyang mga nasasakupan. Walang sinabi ang kwintas na ito kung karamihan naman ng magian ay magkakasundo upang parusahan at patayin ako. I can't even do aything without Haizea's necklace!

I am powerless.

Naalimpungatan ako nang marinig ang kaluskos ng mga tuyong dahon sa hindi kalayuan. Tiningala ko ang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa lugar at natantong nandoon pa rin ako sa inuupuang dahon kanina. Nakaidlip na pala ako rito. 

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Kde žijí příběhy. Začni objevovat