Chapter 6

32 5 8
                                    

Dizziness strike me when I regain my consciousness. I groaned, opened my eyes and found myself in the library, again. Wala na si Haring Astaseul. Wala na ako sa palasyo. 

Marahan kong ikinilos ang aking katawan upang kahit papaano ay makasandal man lang sa lamesa. Para akong umikot ng ilang ulit dahil sa sobrang pagkahilo ngunit hindi ko na ininda pa iyon. Dulot lang siguro ito ng ginawang pag-teleport sa akin ng hari, mawawala rin siguro mamaya. Mas nabagabag pa ako nang bumalik sa akin ang lahat ng sinabi ng haring kaharap ko kanina. 

Tila nakaukit na sa utak ko ang mga impormasyong iyon. Paulit-ulit. Parang silang plaka na nakatambay sa aking parehong tainga. 

I am the holder of the precious stone. Iyong kwintas na sinuot sa akin ng matanda at iyong kwintas na suot-suot ni Haizea hanggang sa malagutan siya ng hininga ay iisa pala. Hindi ko pa rin labis maproseso kung paanong nagkasya sa pendant na nasa kwintas ang lahat ng kapangyarihan ni Haizea. 

How is that even possible? An obvious question I can already answered. There's nothing impossible in this world. Everything is possible in this empire, their magic was.

I was destined to go here. Pagkatapos ng lahat ng sinabi sa akin ni Haring Astaseul, doon lang naging tama ang mga hinala ko. Na hindi lang isang aksidente ang pagpunta ko rito at nandito ako dahil iyon ang gusto ni Haizea. 

Pero ano bang nakita niya sa akin? Isa lang naman akong normal na estudyanteng nangangarap na makapagtapos ng sa gano'n ay maalagaan ko ang mga kapatid ko. Iyon lang naman ang tanging nais ko pero mukhang hindi ko na makakamtan pa kailanman.

Hindi na ako makakaalis ayon sa hari dahil ako na ang magiging kapalit ni Haizea. Tataglayin ko na ang kapangyarihang mayroon siya dahil nasa akin ang kwintas. Kaakibat no'n ang responsibilidad na mukhang ayaw bitawan ni Haizea na ako na ang gagawa. Kalakip ng mahikang mapapasakamay ko ang pananatili ko rito habambuhay. 

Walang katapusang pagsisilbi, pagprotekta at pagpapanitili ng kaayusan sa Magus Empire kahit hindi naman talaga ako nagmula rito. 

Bakit ako pa, Haizea?

Nanatili akong nakasandal sa paanan ng lamesa habang naglalakbay ang aking sariling utak. Natigil lamang ako sa pagtulala sa kawalan nang may ideyang naglaro sa aking isipan. 

Natatandaan ko pa ang sinabi ng hari kanina. Naibahagi niya sa aking isa sa mga kapangyarihan ng kwintas ang magbukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Kung gagamitin ko ba iyon ay makakabalik na ako? Makakatakas nga kaya ako sa mundong 'to sa pamamagitan no'n? 

Pero nasaan ba iyong sinasabi nilang lagusan? 

Bumagsak ang magkabilang balikat ko matapos itanong sa sarili ang tanong na iyon. Mariin akong napapikit bago tumingala. Sa taas ay nakita ko ang isang malaking bituin na mukhang ipinasadya nitong library. 

May kalumaan man ang gusaling aking kinaroroonan ay tila nanatili naman ang ganda ng dambuhalang bituin sa itaas. Walang sapot ng gagamba o ano pa man, sa sobrang linis no'n ay parang nililinis siya araw-araw. Ngunit sino namang pangahas ang gagawa no'n? Kung meron mang tagalinis dito ay sana inuna niya na iyong mga librong nakahanay dito. 

Kinatitigan kong mabuti ang bituin sa itaas. Dati naman ay nae-engganyo ako sa gano'n dahil paborito ko rin ang tumingala sa kalangitan kapag gabi. Para lang iyon sulyapan ang mga bituin na nagkalat at ang buwang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na nagpapagaan lagi ng loob ko. Iyon ata ang isa sa mga bagay na hindi ko maipagkakailang maganda sa mundo namin. Pero bakit kahit anong titig ko sa malaking bituin na ito ay hindi naman gumagaan ang pakiramdam ko?

Saka lamang naalis ang buong atensyon ko ro'n nang marinig ang pasalampak na pagbukas ng pintuan. Napapitlag ako mula sa pagkakaupo. Nais ko pa sanang tumayo upang tingnan kung sino ang pangahas na mukhang may balak atang sirain ang pinto ng library nang marinig ko ang pamilyar na boses. Isinisigaw ang pangalan ko, kahit yabag ng mga paa niya ay malinaw sa pandinig ko. 

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Where stories live. Discover now