Chapter 17

10 0 0
                                    

Tahimik kong pinagmasdan ang bughaw na kalangitan habang prenteng nakahiga sa damuhan.

Napabuntong hininga na lamang ako. Tatlong araw na rin ang lumipas matapos ang gabing iyon. Tatlong araw na rin akong umiiwas sa mga tanong ni Lorcan at ng iba pa niyang kaibigan.

I've been staying at the palace since it's the KIng's order and I can't do anything about it. Ngunit hindi ko rin maiwasang mabagot dahil wala naman akong makausap sa lugar na iyon kaya pumupunta ako rito. Here, I can breath and I won't feel suffocated. Nature is really my comfort.

"Tsk. Nandito ka lang pala."

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko nang bigla na lamang bumulaga sa tabi ko si Adeena. Napabangon tuloy ako dahil sa pagkagulat.

Nagkibit balikat lamang siya bago nahiga sa pwesto ko kanina. Napairap ako, hindi kumbinsidong napadaan lang siya rito. Imposibleng paghiga lang sa damuhan ang pakay niya.

"Mawalang galang na pero maaari bang itigil mo ang pagtitig sa akin? Naaaliwas ako, Astraea" aniya na siyang nagpangisi sa akin. Ngayon lang ata siya nakipag-usap ng mahinahon sa akin simula no'ng mapadpad ako rito. Nag iba yata ang ihip ng hangin?

"Just answer me truthfully, Adeena. What brings you here? We both know you're not jut passing by," I asked, still staring at her.

Napasimangot na lamang siya bago nagdesisyong maupo na lang saka nag angat ng tingin sa akin. "Kamusta na iyang braso mo?" kaswal na tanong niya.

"Nagtatanong ka ba dahil wala kang tiwala sa healing ability mo o gusto mo lang takasan ang nag-iisang tanong ko kanina pa?" balik na tanong ko bago nagdesisyong maupo sa tabi nito.

"Fine! Nandito ako para tingnan ang kalagayan mo. May nagtangka raw sa buhay mo ng gabing iyon sabi ni Lorcan kaya gusto ko lang kumpirmahin na okay ka," mahinang turan niya pagkatapos ay bumuntong hininga.

Mabilis akong natigilan nang marinig sa kaniya ang mga salitang iyon. Buong pagtataka ko siyang pinagmasdan dahil sa kakaibang kinikilos niya. I mean bakit ganito na ang trato ni Adeena sa akin? Dahil ba nanganganib ang buhay ko kaya naaawa siya?

This is so unusual of her!

Mahina siyang natawa bago muling nagpatuloy, "Hindi ka siguro naniniwala sa akin 'no?"

Marahan akong tumango. Hindi naman talaga.

"I can't blame you though, hindi naman talaga naging maayos ang trato ko sa 'yo no'ng umpisa. Ilang beses napahamak si Lorcan sa tuwing kasama ka niya kaya hindi ko napigilang kainisan ka," ani niya saka nag iwas ng tingin sa akin. Marahan akong napalunok, hindi malaman kung dapat ko bang itama ang sinabi niya dahil alam kong totoo naman ang mga iyon. "But I don't have a reason to hate you now, nadala lang talaga ako ng emosyon ko noon kaya nais ko rin sanang humingi ng pasensya," dagdag niya.

Hindi ako umimik at hinayaan lang na mamutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi naman talaga big deal ang naging trato sa akin ni Adeena dahil mas marami pa akong kailangang isipin maliban doon.

"Lorcan keep on nagging Nathara this past few days. Hindi ko alam ang buong dahilan ngunit may pakiramdam ako na tungkol iyon sa naging pag-atake sa inyo ni Haring Astaseul. Hindi mo ba talaga nakita ang nagtangka sa inyo noong gabing iyon, Astraea? Mabilis sana natin itong mahahanap kung—"

"Hindi natin siya kailangang hanapin."

"What?"

"Siya mismo ang hahanap at lalapit sa akin, Adeena," seryosong saad ko bago nagbaba ng tingin sa kwintas na suot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nito na naging dahilan ng pag-angat ko ng tingin sa kaniya.

"Noong gabing iyon, hindi iyon ang unang pag-atake niya sa akin. The first attack happened when we are on the forest, on our way to Kreios Empire, Adeena."

Laglag ang panga niyang napatulala sa akin matapos kong sabihin iyon. Mukhang ngayon lang ulit sumagi sa isip niya ang nangyari sa akin sa gubat na iyon. Ngayon ko lang din napagtagpi-tagpi ang lahat ng iyon.

The first attack on the forest.

Three days ago, that bastard attack me for the second time when King Astaseul revealed who I am.

The one who are eager to kill me wants one thing from me.

The necklace. This precious stone that Haizea entrusted to me.

Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang kakaibang kirot doon. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng katawan ko sa damuhan nang maging malinaw sa akin ang nag-aalalang imahe ni Adeena.

Shit! This pain is killing me! What is really happening?

"Arghhh!" sigaw ko nang hindi ko na matiis ang sakit. Para akong dinudurog, nanghihina na ako ngunit hindi naman nababawasan bagkus ay nadadagdagan pa ang sakit nito.

All I can hear was Adeena screaming my name. Aligaga na ang boses nito nang mariin kong ipikit ang mga mata ko.

"Astraea! Shit! Are you sick? Astraea!"

What the hell is happening?

"Fuck you, Lorcan! Gumising ka nga sa kahibangan mo!"

"You can't fool me, Ara. Alam kong ikaw ang pasimuno sa lahat ng nangyayaring ito! Bakit hindi mo na lang ba kasi aminin at sabihin kung ano ang tunay na agenda mo?"

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang pagtatalo ng dalawa. Si Lorcan hawak ang isang espada habang si Nathara naman ay may blade sa magkabilang kamay nito. And they are both bleeding! What the hell are they doing?

Teka? Anong ginagawa ko rito? At nasaan si Adeena?

Wala na ang damuhang hinihigaan ko kanina. Wala rin akong makitang ibang magian maliban sa dalawa. Anong lugar ba 'to? Nanaginip ba ako?

"Wala akong aaminin dahil wala akong ginagawa! Hindi ako ang nagtatangka sa buhay ni Astraea kaya tigilan mo na ako!"

What? Are they really fighting? But why am I here? They are not even aware of my presence!

Come on, Astraea! That's not the main problem here, they were ready to kill each other. Do something!

Agad akong naglakad palapit sa kanilang dalawa nang nauna kong lapitan si Lorcan. His eyes were fuming mad while staring at Nathara in front of him. Ilang ulit ko pang winagayway ang kamay ko sa harap niya ngunit hindi niya talaga ata ako nakikita.

I was ready to take his sword away from him when I suddenly feel the same headache I have earlier. Fuck! Ano na naman ba ito?

"Astraea please, gumising ka!"

Halos habulin ko ang hininga ko nang muli akong magmulat. Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid at wala na si Nathara at Lorcan. Tanging si Adeena na lang ang nandito sa tabi ko katulad kanina.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Astraea? Bigla ka na lang nawalan ng malay!' naguguluhang tanong ni Adeena sa akin ngunit hindi na ako nag abala pang sagutin ang tanong nito.

It's not just a dream. Totoo ang mga nakita ko kanina!

"It's a vision," wala sa sariling sambit ko nang marealize na hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa 'kin.

"Ha?"

Mabilis kong nilingon si Adeena saka nagpatulong sa kaniyang tumayo nang walang alinlangan niyang inabot ang kamay ko.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, Adeena. Kailangan muna nating pigilan si Lorcan at Nathara sa kung anumang binabalak nila bago pa mahuli ang lahat."

"Why? Anong nangyari sa dalawang iyon?" nag-aalalang tanong niya saka hinawakan ang dalawang braso ko upang manatili akong nakaharap sa kaniya.

Agad akong humugot ng isang malalim na hininga bago sinalubong ang nagtataka niyang mga mata na nakasulyap pa rin sa akin.

"Papatayin nila ang isa't-isa dahil sa akin."

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon