Chapter 6

48 5 0
                                    

C H A P T E R 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Chrysanta gising hoy!" pabulong na sigaw ng pamilyar na boses. 

Imbis na dumilat ang dalaga ay dumaing lang siya at binalik ang sarili sa pagtulog. Malakas na napabuga ng hangin ang pamilyar na tao. Kumunot ang noo ng dalaga ng manuot sa ilong niya ang pamilyar na pabango. 

"Just go back to your sleep Lilyshi," malambing na boses na sabi ng sobrang pamilyar na boses. 

Ngunit imbis na makatulog ang dalaga ay bigla na lang syang napadilat dahil nakilala niya ang boses na iyon, mas lalo na ang tinawag nito sakaniya. 

"Where are we?" bulong niya habang ina-adjust nito ang paningin. Nang mai-adjust niya na ang paningin niya ay sumalubong sakaniya ang mga punong gumagalaw at mga ulap na may konting liwanag na. 

"Thank god you're awake," sabi ng pamilyar na boses at bumuga ng malakas na hangin mula sa dibdib. 

Ng tignan iyon ni Santa ay bigla siyang nilukob ng pagka-dismaya ng makitang si Saddy lang pala iyon. Pero sino ang bumulong sakaniya kanina? Imposibleng magkamali siya, kilalang-kilala niya ang boses na iyon. O baka sadyang nag iimahinasyon lang talaga siya. 

Tumingin sa baba ang dalaga. Nanlaki ang mata niya ng makitang nakalutang pala siya habang naglalakad. Wait, paano ako nakakalutang nang naglalakad!? I have a powers na!? 

"Wala kang powers Santa," mahinang sabi nito habang pigil ang tawa. Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga. 

"Are you a mind reader?" gulat na tanong nito habang sapo-sapo ang naka-awang na labi. 

Hindi na napigilan ang paglabas ng tawa mula sa bibig ni Saddy kaya nag taas-baba ang makisig nitong dibdib. 

"You said It out loud," natatawang sabi nito at marahang kinurot ang maliit ngunit matangos niyang ilong. 

Napanguso na lang ang dalaga at akmang titingin na sa harap nila ng biglang may malakas na pumupokpok sa ulo niya kaya agad niyang nasapo iyon. 

"Do you feel hangover?" he asked worriedly.

Mas lalong kumunot ang dalaga dahil sa sinabi ni Saddy, kaya kahit nahihirapan ay tinignan niyo ito. "What hangover?" 

"Do you know what's hangover means?" naka-taas kilay niyang tanong at inayos ang pagkakabuhat sakaniya. Ngayon lang napagtanto ng dalaga na buhat-buhat pala siya ng binata ng wedding style. 

"Why you're carrying me?" takang tanong niya habang inayos ang suot niya dahil muntik na siya makitaan ng dapat hindi makita. 

"You didn't remember?" naka-awang na mga labing tanong niya. 

Umiling lang ang dalaga at sinandal ang isang daliri sa noo niya. "May dapat ba akong alalahanin?" 

Hindi makapaniwalang tumitig sakaniya si Saddy. "Tanungin mo sarili mo kung bakit ka nakakaramdam ng hangover." 

Kinamot ng dalaga ang noo niya at akmang magsasalita pa nang sumakit na naman ang ulo niya kaya nasapo niya iyon at mariin na pumikit. Nakakadadag ng sakit ng ulo niya ang paggalaw ng buong paligid dahil sa mabilis na paglalakad ni Saddy. 

"Ibig-sabihin ng hangover is after effects caused by drinking an excess of alcohol right?" tanong niya dito habang minamasahe ang magkabila niyang sentido. Tinanong niya iyon dahil wala pa rin nagpro-proseso sa utak niya. 

"You're really smart, huh?" nang-aasar na sabi nito at mahinang tumawa. 

Dumilat ang dalaga at inis na tinignan si Saddy. "I'm valedictorian in high school and I'm top notcher now in college," nagmamalaking sabi nito at ngumisi kay Saddy na nakatingin sakaniya na may paghanga. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now