Chapter 32

25 3 0
                                    

C H A P T E R 3 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Para siyang zombie na ngayon sa harap ng salamin. Naka suot siya nang puting oversized shirt na may chicken leg print sa gitna at naka tinuck in niya iyon sa high waisted niyang square pants na kulay itim. 

Agad niyang sinuklay ang mahabang buhok dahil magulo pa rin iyon. 

Mahinang sinampal niya ang sarili. "Wake up, Santa. You need to move now." 

Nakailang hugot pa siya ng malalim na hangin mula sa dibdib nuya bago siya magkalakas loob na lumabas sa kwarto niya. 

Nakayukong naglakad lang sa mahabang hagdanan hanggang sa tuluyan na siyang narating sa baba. Humarap siya hagdanan at tumingala kung saan ang kwarto ng dalawa niyang kapatid.

Agad siyang bumuntong hininga upang hindi tuluyang tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Sa katunayan ay hindi niya talaga kaya ngayon pumasok ngunit hindi siya pwedeng mag absent. 

Sobrang bigat na nang dibdib niya na animo'y sobrang daming gamit ang nakadagan doon. Ngayon ang araw na hindi niya na pwedeng pansinin ang dalawang kapatid. 

Hindi sila nahuli kahapon ni yaya Tina dahil pinaliwanag sakaniya ni Happy na nakatulog siya dahil sa pagod at dinahilan din niya na siya na mismo ang nagsundo sa dalawa. 

"Good morning ate Santa!" 

Nanlaki ang mga mata ni Santa ng marinig ang boses ni Lea mula sa kusina kaya agad siyang napalingon doon. 

"L-Lea," sobrang hina niyang sabi habang titig na titig sa kapatid. 

Naka uniporme na ito at naka braid ng dalawa ang buhok nito. May makukulay na clips na naipit sa buhok niya. 

"What kind of look is that, ate Santa? It's like you saw a ghost," natatawang sabi ni Rian na katabi lang si Lea. 

Naka suot din ito ng uniporme katulad ni Lea pero ang buhok nito ay nakalugay lang at naka kulay yellow na hairband. 

Agad siyang napalunok ng magsimulang manlabo ang paningin niya. Hinalamos niya ang kamay niya sa mukha at malakas na napabuntong hininga. 

Dahil sa inasta na iyon ni Santa ay agad kumunot ang noo ng dalawa habang pinapanood si Santa na pinapakalma ang sarili.  

Mas lalong bumigat ang dibdib niya. May kung anong bagay na rin ang bumara sa lalamunan niya. Sumulyap siya muli sa dalawang kapatid niya na nagtatakang nakatingin sakaniya. 

I need to do this. I need to avoid them.

Bago pa tuluyang tumulo ang luha niya ay agad siyang tumalikod sa mga ito at tumingala. 

Agad na nagkatinginan ang dalawa. Hindi sila pwedeng magkamali sa paraan mg tingin sakanila ni Santa na pinaparating sakanila. 

"Hindi pwede," iling na bulong ni Lea at agad na bumama. 

"No," sunod na bulong ni Rian at agad ding bumaba. 

Agad umayos ng tayo ang dalaga at mabilis na naglakad papunta sa labas.

"Ate Santa!" 

"Don't do this to us, ate..." 

Mariin siyang napapikit at kinuyom ang kamao. Lumunok siya muli. 

"I can't take it anymore," nahihirapang bulong niya saka yumuko. 

Hindi pwede Santa. May cctv sa buong mansyon. Kailangan mo na silang layuan kung hindi sila ang mag su-suffer sa kamaliang ginagawa mo! 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now